Mga Saloobin, Damdamin, at Pag-uugali: Isang Aktibidad (Class Activity)

Layon ng aktibidad na ito na magbigay-daan sa mga nagbibinata at nagdadalaga upang makilala nila ang pagkakaiba at koneksiyon ng mga saloobin, damdamin, at pag-uugali.

Panimula sa paksa ukol sa Saloobin, Damdamin, at Pag-uugali

Napakahalaga ng pagkilala sa sarili ng isang tinedyer o adolescent. Kaugnay nito, mahalagang maunawaan ang koneksyon ng iniisip, nadarama, at kinikilos ng isang nagbibinata o nagdadalaga.

Marapat din na nauunawaan ng isang tinedyer ang mga pagbabago sa pisyolohikal, kognitibo, at sikolohikal na pag-unlad o pagbabago sa panahon ng adolescence. (Kaugnay: Pagkilala sa Sarili: Mahalaga sa Pansariling Kaunlaran (Personal Development))

Makatutulong ang aktibidad na ito upang mai-apply ng mga nagbibinata at nagdadalaga ang mga matututunan nila dito sa iba’t ibang sitwasyon sa kanilang buhay.

Upang magsilbing gabay sa pagsagot sa aktibidad na ito, makatutulong na basahin ang maikling lektura na: Koneksiyon ng Kaisipan, Damdamin, at Gawi: Ang Sariling Iniisip, Nadarama, at Kinikilos at ang Ang Cognitive Triangle: Ang koneksyon ng Iniisip, Nadarama, at Kinikilos

Gawain o Aktibidad ukol sa Saloobin, Damdamin, at Pag-uugali

Unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Ilagay ang posibleng kaisipan o saloobin, damdamin o emosyon at pag-uugali na maaring magresulta mula rito.

Halimbawa:

Sitwasyon: Isang Sabado ng gabi, walang tumatawag na kaibigan o nag-aaya man lamang lumabas.

Posibleng Kaisipan/Saloobin:

Mag-isa ako, walang kaibigang gustong mag-aya

Posibleng Damdamin/Emosyon:

Malungkot

Posibleng Pag-uugali:

Lalayo ako sa kanila. Hindi tatawagan ang mga kaibigan o sasagutin ang anumang mga tawag nila

Mapapansin sa halimbawa na hindi positibo ang naging kaisipan na siyang nagresulta ng negatibong pag-uugali. Kaya marapat ilagay naman ang posibleng positibong kaisipan, damdamin at pag-uugali.

Positibong Kaisipan/Saloobin:

Marahil, sila ay abala sa kanilang kani-kaniyang gawain.

Positibong Damdamin/Emosyon:

Neutral, ok lang ang pakiramdam.

Positibong Pag-uugali:

Gagawin ang mga bagay na kailangang gawin at hihintayin na lamang ang balita sa mga kaibigan

IKAW NAMAN!  

SITWASYON 1: Naglalakad ka sa hallway papunta sa iyong classroom nang may isang estudyanteng sinigawan ka.

Posibleng Kaisipan/Saloobin:

________________________________________

Posibleng Damdamin/Emosyon:

________________________________________

Posibleng Pag-uugali:

________________________________________

Sa iyong palagay mo, positibo ba ang naging kaisipan mo na siyang nagresulta ng iyong pag-uugali? Kung hindi, ilagay ang posibleng positibong kaisipan, damdamin at pag-uugali.

Sitwasyon 1

Positibong Kaisipan/Saloobin:

______________________________________________________________________________

Positibong Damdamin/Emosyon:

______________________________________________________________________________

Positibong Pag-uugali:

______________________________________________________________________________

SITWASYON 2: May nakita kang kaklase sa loob ng kantina ng school. Pagdaan mo sa kaniya ay binati mo siya subalit wala siyang naging tugon.

Posibleng Kaisipan/Saloobin:

________________________________________

Posibleng Damdamin/Emosyon:

________________________________________

Posibleng Pag-uugali:

________________________________________

Sa iyong palagay, positibo ba ang naging kaisipan mo na siyang nagresulta ng iyong pag-uugali? Kung hindi, ilagay ang posibleng positibong kaisipan, damdamin at pag-uugali.

Sitwasyon 2

Positibong Kaisipan/Saloobin:

______________________________________________________________________________

Positibong Damdamin/Emosyon:

______________________________________________________________________________

Positibong Pag-uugali:

______________________________________________________________________________

SITWASYON 3: Pagdating mo ng bahay pagkagaling sa eskuwela ay nadatnan mo ang iyong mga magulang na nag-uusap. Binati mo sila ngunit hindi ka nila pinansin.

Posibleng Kaisipan/Saloobin:

________________________________________

Posibleng Damdamin/Emosyon:

________________________________________

Posibleng Pag-uugali:

________________________________________

Sa iyong palagay, positibo ba ang naging kaisipan mo na siyang nagresulta ng iyong pag-uugali? Kung hindi, ilagay ang posibleng positibong kaisipan, damdamin at pag-uugali.

Sitwasyon 3

Positibong Kaisipan/Saloobin:

______________________________________________________________________________

Positibong Damdamin/Emosyon:

______________________________________________________________________________

Positibong Pag-uugali:

______________________________________________________________________________

Nota: Maaaring ilagay ang sagot sa comment section sa ibaba o rito sa: Ways to Become a Responsible Adolescent

Talakayan at Pagbabahagi ukol sa Saloobin, Damdamin, at Pag-uugali

1. Nahirapan ka bang kumpletuhin ang hinihingi ng mga sitwasyon?

2. Nauunawaan mo na ba ang mga koneksyon sa mga kaisipan/saloobin, damdamin/emosyon, at pag-uugali?

3. Anu-ano ang mga napagtanto mo sa pamamagitan ng aktibidad?

Nota: Ang isa pang aktibidad (maaaring gawing class activity) na kaugnay ito ay ang: Ang Aking Pagkaunawa sa Aking Iniisip, Nadarama, at Ikinikilos: Halimbawang Aktibidad

Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com

I-search ang mga kaugnay na paksa sa search engine sa taas: https:// MyInfoBasket.com/.

UKOL SA MGA GURO:
Ito ay maaaring gawing online reading assignment o e-learning activity ng mga estudyante, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com (o OurHappySchool.com) ang entry na[buong title ng artikulo]. Gawin ang binabanggit sa aktibidad. I-share ang page sa iyong social media account* kasama ang iyong pinakamahalagang natutunan sa aktibidad. I-screen shot ang iyong post. Ipasa ito sa guro kasama ang output mo sa aktibidad.”

*Maaaring i-share ang post na ito sa Telegram, Twitter, Instagrame-mail, at mga kauri nito.

Ukol Sa mga Mag-aaral:

Ang mga libreng lektura sa site na ito, MyInfoBasket.com, ay makatutulong sa iyo. Gamitin ang search engine sa itaas.

Mga Kaugnay:

Ano ang Cognitive Behavior Therapy?

Ano ang Holistic Development? Aktibidad para sa mga Estudyanteng Nagbibinata at Nagdadalaga

Adolescent Stage of Development: Understanding what is happening among teenagers

Knowing Oneself: A Must for Adolescents’ Personal Development

Pakikipagkapwa tao: Paano magkakaroon lalo na ang mga kabataan?

Pagtanggap sa mga kalakasan at kahinaan (strengths and weaknesses): Mahalaga lalo na sa adolescents

Dyornal: Kahulugan at Halimbawa para sa mga Estudyante at Kabataan

Mga Pagbabago sa Panahon ng Adolescence: Mga Aspeto ng Pag-unlad sa Buong Katauhan

Adolescence in Tagalog: Kahulugan (meaning and definition), Pagbabago (changes) at Syndrome

How to Overcome Stressful Adolescent Stage

Some Ways to Become a Responsible Adolescent