Mga Relasyon Ng Mga Tinedyer At Ang Mga Katanggap-Tanggap Na Pagpapahayag Ng Pagkagusto At Pagmamahal

Kasanayang Pampagkatuto:

Natatalakay ang pag-unawa sa mga relasyon ng mga tinedyer kasama ang mga katanggap-tanggap at di katanggap-tanggap na pagpapahayag ng pagkagusto/pagmamahal

Mga Relasyon ng mga Tinedyer

Sinasabing sa panahon ng gitna hanggang sa huling yugto ng pagbibinata/pagdadalaga, maraming kabataan ang nag-iisip, nag-uusap, at nagpapantasya tungkol sa pagkakaroon ng romantikong relasyon.

Kinikilala ng maraming mga tinedyer ang romantikong relasyon bilang sentro ng kanilang buhay panlipunan. Ang paraan ng paghawak nila ng romantikong relasyon sa panahong ito ay maaaring makaapekto sa kanilang pag-uugali sa hinaharap na mga romantikong relasyon kapag sila ay nasa karampatang gulang na.

Madalas na hindi mga seryoso ang mga romantikong relasyon ng mga tinedyer (itinuturing na “puppy love“) at karaniwang panandalian lang. Sa madalas na pagkakataon, hindi inaasahang hahantong ang teenage relationship sa pag- aasawa.

Ganunpaman, may mahalagang papel ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga nagbibinata/nagdadalaga at may kapansin-pansin na implikasyon ito sa kanilang kalusugang pangkaisipan, patuloy na pag-unlad, at mga hinaharap na romantikong relasyon.

Sinasabing ang romantikong relasyon sa pagitan ng dalawang tinedyer ay maaaring magsimula sa pagkaakit sa isa’t isa, nadedebelop sa pagmamahal, at kung pahihintulutan ng mga sirkumstansiya, ay maaari rin namang mauwi sa pangangakong gugugulin ang buhay kasama ang isa’t isa.

Dapat maunawaan na ang romantikong relasyon sa buhay ng mga tinedyer ay bahagi ng kanilang pag-unlad, isang karaniwang isyu para sa kanila, isang pokus ng kanilang pag-aalala at pag-iisip. Ito ay kadalasang sanhi rin ng kanilang mga matinding positibo at negatibong emosyon tulad ng kaligayahan, kalungkutan, galit, at paninibugho.

Kaya naman napakahalagang pag-aralan ang mga epekto ng mga relasyon ito sa buhay ng mga nagbibinata/nagdadalaga.

Mga Katanggap-tanggap at Di Katanggap-tanggap na Pagpapahayag ng Pagkagusto/Pagmamahal

Hindi lahat ng pagpapahayag ng nararamdaman ay tama at katanggap-tanggap. May mga limitasyon na dapat tandaan at mga salik na dapat isa-alang-alang.

Ito ay mahalagang pag-aralan lalo na nga’t ang mga tinedyer ay karaniwang mapusok, lalo na ang mga baguhan sa relasyon. Tila gusto nilang gugulin ang halos bawat minuto kapiling ang taong gusto o minamahal.

Ang ilan sa dapat isaa-alang alang sa pagpapahayag ng damdamin ay ang kultura, relihiyon, moralidad, batas, at patakaran ng institusyong kinabibilangan. Kahit na ang mga ekspresyon ng atraksyon ay maaaring iba-iba depende sa dako, may mga ekspresyon na karaniwang katanggap-tanggap at mayroon namang karaniwang hindi katanggap-tanggap.

Halimbawa ng karaniwang katanggap-tanggap na ekspresyon ang mga sumusunod:
-pagtingin o pagsulyap sa bawat isa, pagngingitian,

-pagbibigay ng mga regalo,

-berbal na komunikasyon sa angkop na pagkakataon (gaya mg pagsasabi ng “Mahal kita” o “Na-miss kita”),

-pag-uusap sa telepono o pakikipagkuwentuhan,

-pagsusulatan (love letter), at

-palitan ng pribadong mensahe o chat, pagpapakita ng atraksyon o damdamin sa social media.

Ang lahat ng ito ay dapat gawin sa angkop na pagkakataon at may mga limitasyon.

Mayroon namang mga pagpapahayag ng apeksiyon na katanggap-tanggap subalit hindi sa lahat ng lugar. Kabilang dito ang mga sumusunod:

-paghahawak-kamay,

-paglalakad ng magkadikit ang braso,

-halik sa mga pisngi o ‘beso-beso’ sa ilang okasyon, at

-pagdi-date o paglabas (karaniwang may mga tsaperon).

Tandaan na sa panahon ng kabataan, mahalaga na ang mga ito ay ipinagpapaalam sa magulang at isinasangguni sa mga otoridad gaya ng mga guro.

Kabilang naman sa hindi katanggap-tanggap na pagpapahayag ng damdamin ang mga sumusunod:

-ang gawaing para lamang sa mag-asawa (mali, kung gayon, ang pre-marital sex),

-mga aktibidad na may anyo ng kalaswaan,

-flirting,

-caressing,

-stroking,

-kissing,

-cuddling,

-back rubbing, at

massaging.

Tandaan na anomang labag sa etika, batas, pananampalataya, at kultura ay itinuturing na hindi katanggap-tanggap. (Basahin din: Pag-Unawa sa Mga Relasyon ng mga Tinedyer)

© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com

Kaugnay:

Ang Sariling Paraan ng Pagpapahayag ng Atraksyon, Pagmamahal at Komitment

Mga Paraan Upang Maging Mapanagutan Sa Isang Relasyon

Pag-Unawa sa Mga Relasyon ng mga Tinedyer

Paraan ng Pagpapahayag ng Atraksyon, Pagmamahal at Komitment

Ang Iba’t Ibang Papel Ng Bawat Indibidwal Sa Lipunan At Kung Paano Nila Naiimpluwensiyahan Ang Mga Tao Batay Sa Kanilang Pamumuno O Pagsunod

Ang Papel Ng Bawat Indibidwal Sa Lipunan At Kanilang Impluwensiya Batay Sa Kanilang Pamumuno O Pagsunod

Ang Looking Glass Self: Ang Pananaw ng Tao at Kung Paano Siya Nakikita ng Iba

Ang mga Ugnayan ng mga Pilipino (Pamilya, Paaralan, at Pamayanan)

Paggawa ng Sarbey Tungkol sa mga Ugnayan ng mga Pilipino: Isang Halimbawa

Ang Ating Pananaw At Kung Paano Tayo Nakikita Ng Iba

Ang Mga Istraktura ng Pamilya

Ang Uri ng Pagmamahal na Binibigay at Tinatanggap ng Isang Nagbibinata at Nagdadalaga

Ano ang Genogram? Paano ang Paggawa Nito?