Mga Proyektong Panlipunan para sa PWDs

© Marissa G. Eugenio

Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:
6.4 Nakapagsasagawa ng isang gawain na nagpapamalas ng mga talento ng mga may kapansanan at kapus-palad

May mga gawain na nagpapamalas ng mga talento ng mga may kapansanan. Para sa mga PWDs, maaaring gawin ng mga institusyon ang mga sumusunod (ang iba rito ay hango sa cao.go.jp):

a. Pagsusulong ng kamalayang pampubliko (public awareness)

Dapat na ipalaganap ang konsepto ng matulunging lipunan (cooperative society) sa lahat ng tao, mayroon man o walang kapansanan, kung saan ay nakapaloob ang pagrespeto sa kanilang mga personalidad at pagka-indibidwal.

Upang mapaunlad ang pagkaunawa ng marami ukol sa mga kapansanan at mga taong may kapansanan, dapat magsagawa ng kampanya para sa tamang kamalayang pampubliko na naaabot ang maraming bilang at uri ng mga tao

Ang tamang pagkaunawa ukol sa mga taong may kapansanan ay dapat paunlarin sa pamamagitan ng paggamit ng information technology (IT), halimbawa ay ang pag-develop ng mga websites. Sa pakikipagtulungan ng mass media gaya ng telebisyon, radyo, peryodiko, at magasin, ang kampanya ukol rito ay dapat na gawing sistematiko at epektibo.

Kaugnay nito, makatutulong rin na mahikayat ang mas maraming tao mula sa iba’t ibang sektor na kinabibilangan ng mga mamamayan at mga organisasyon na lumahok sa mga piling okasyon gaya ng “Araw ng mga May Kapansanan” at “Linggo ng mga May Kapansanan.”

b. Pagsusulong ng edukasyon at kapakanang pang-edukasyon (welfare education)

Para makapagbigay ng atentibong suporta sa mga pangangailangang pang-edukasyon ng isang bata na may kapansanan, ang masusi at sistematikong programang pang-edukasyon at remedial training ay dapat na ipagkaloob mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa makatapos siya sa pag-aaral.

Ang mga kabataang may espesyal na pangangailangan ay nangangailangan ng atensiyon sa edukasyon at remedial training, gaya halimbawa ang mga may Learning Disabilities, Attention-Deficit/Hyperactivity Disorder, at autism.

Mahalagang aktibong maisulong ang kapakanang pang-edukasyon (welfare education) upang mapalalim ang pagkaunawa ukol sa mga taong may kapansanan sa pamamagitan ng sama-samang aktbidad at iba pang aktibidad pang-edukasyon ng mababa at mataas na paaralan.

Maaaring magsagawa ng mga workshop at lektura, at pahusayin ang koleksiyon ng mga silid-aklatan ng mga videoslides at pelikula ukol sa PWDs.

Upang maisulong ang kamalayang pampubliko ng mga lokal na residente, ang mga programa ay dapat isagawa sa pakikipagtulungan ng mga organisasyong nagbibigay ng serbisyong pangkagalingan at pangkalusugan gaya ng mga welfare center, rehabilitation consulting center, child guidance center, health center, mental health, at welfare center.

c. Pagbibigay ng suportang pangkabuhayan

Lumikha ng mabisang sistema para sa pagtatamo ng masaganang kabuhayan sa komunidad para sa lahat ng taong may kapansanan. Dapat na paunlarin ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan (care management) at ang pagsasanay sa care managers, na nakatuon sa iba’t ibang paraan ng pagsuporta maging sa kabuhayan ng PWDs.

Dapat na komprehensibong matugunan ng mga sistema ng serbisyong konsultasyon na ito ang lahat ng mga uri ng kapansanan.

Dapat na suportahan ng mga pamilyang may kasamang may kapansanan. Kaugnay ng pagsuporta sa pag-unlad ng mga kabataang may kapansanan, ang pagbibigay ng impormasyon kung paano sila mabisang palalakihin at ang pagpapayo (counselling) sa kanilang mga pamilya ay dapat ding isulong ituloy ang pagbasa

Basahin: Ilang Proyektong Panlipunan ukol sa mga May Kapansanan

Basahin: Story of a poor boy: PMA’s best reveals his ‘top-secret’ in his studies

© Marissa G. Eugenio

Layunin sa Pampagkatuto:
6.4 Nakapagsasagawa ng isang gawain na nagpapamalas ng mga talento ng mga may kapansanan at kapus-palad

SA MGA GURO: Maaaring ipabasa ang lekturang ito sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag-share o pag-link nitong webpage