Mga Positibo at Negatibong Epekto ng Globalisasyon sa Pilipinas

Gaya ng isang barya (coin), ang globalisasyon ay may dalawang mukha. (Maaaring basahin: Ang Konsepto ng Globalisasyon)

Ang globalisasyon ay may mga bentaha at desbentaha. May mga maituturing na mabubuting epekto ito sa mga tao at mga bansa subalit meron ring masasabing hindi magagandang dulot ang prosesong globalisasyon–maging sa Pilipinas.

Kaugnay: Mga Dahilan ng Globalisasyon

Sinasabi ng mga hindi sang-ayon sa globalisasyon na ito ay pananalakay ng mga kapitalistang bansa ng Kanluran na naghahanap umano ng pamilihan para sa kanilang mga surplus o sobrang nalikhang produkto.

Diumano ay pinapapasok kunwari ng malalakas na bansa sa kanilang pamilihan ang mga produkto ng mahihinang bansa, subalit ito ay patibong diumano dahil hindi naman talaga kayang makipagkompetensiya sa kanila ng mahihinang ekonomiya, gaya ng Pilipinas.

Sa kahulihulihan umano ay nilalamon lang at pinakikinabangan ng malalakas ang maliliit na ekonomiya, gaya ng ating bansa.

Ayon pa sa iba, ang Pilipinas ay naging bukas sa eksploytasyon ng kapitalismong global dahil sa globalisasyon. Ang teritoryo nito ay binubuksan umano ng ating pamahalaan sa mga kompanyang multinasyonal.

Bukod dito, ang mga kabataang Pilpino umano ay nakalusong sa kulturang global na nagpapalabo sa mga tradisyong kanilang kinagisnan at sa kanilang identidad bilang mamamayan ng kanilang tinubuang lupa.

Kaugnay: Ang Globalisasyon ng Kultura: Ang Dimensiyong Kultural ng Globalismo

Ito ay kasang-ayon ng pahayag ng iskolar na si Roland Robertson: “Sa pamamagitan ng globalisasyon, ang pagiging natatangi (uniqueness) ng mga panlipunan at pangkulturang pagkakakilanlan at tradisyon (societal and ethnic identities and traditions) ay waring hindi na napapansin dahil sa mabilis na pagkalat ng mga ideya sa mundo.” (Kaugnay: Mga Proyekto o Gawaing Nagpapaunlad sa Natatanging Pagkakilanlan ng Komunidad)

Idagdag pa na para sa globalisasyon, ang kapangyarihang politikal ay kusang isinusuko umano ng ating gobyerno upang akitin ang mga dayong puhunan. Ang konklusyon ng iba, ang epekto ng globalisasyon sa Pilipinas ay ibinalik tayo nito sa yugto ng kolonyal na pagkasakop at ang kapitalismong globalisasyon umano ay bagong maskara lamang ng imperyalismo.

Iniulat naman ng International Monetary Fund (IMF) na sa panahon ng globalisasyon ay napalaki ng mga papaunlad at umuunlad na bansa ang kanilang pag-export ng mga kalakal at serbisyo. Sa ganitong paraaan, nakatulong at patuloy na nakatutulong umano ang globalisasyon sa ekonomiya ng mga bansa gaya ng Pilipinas.

Sa madaling salita, sinasabi na nakatulong nang malaki ang globalisasyon sa Pilipinas gaya sa larangan ng paglikha ng mga trabaho at pagbuo ng mga bagong mekanismo at konsepto sa pangangalakal at pagnenegosyo.

Para sa iba pang mga epekto ng globalisasyon, basahin ang: Ang Mga Epekto ng Globalisasyon

*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pang aralin na nais mong hanapin (e.g. migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:

Copyright © Jensen DG. Mañebog/ Marissa G. Eugenio (MyInfoBasket.com)

Kaugnay:
Mga Dahilan ng Globalisasyon