Mga Paraan Upang Maiwasan ang Graft And Corruption sa Lipunan
© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang maiwasan ang graft and corruption sa lipunan
Mga Mungkahing Paraan upang Maiwasan ang Graft and Corruption
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga mungkahing paraan upang maiwasan ang graft and corruption sa lipunan, hango sa aklat na sinulat ni Propesor Jensen DG. Mañebog:
1. Wakasan ang iksempsiyon sa parusa
Mahalaga ang mabisang pagpapatupad ng batas upang masiguro na ang mga kurakot ay mapaparusahan at matitigil na ang siklo ng iksempsiyon sa parusa, o pagiging ligtas mula sa paglilitis at pagpaparusa.
Sa matagumpay na pagpapatupad ng batas, kailangan ang matatag na legal framework, mga responsableng sangay ng law enforcement at independent and effective court system. Kailangan ng mga ito ang suporta ng mga mamamayan gaya ng pag-uulat sa nalalaman nilang katiwalian.
Kaugnay nito, makatutulong na maging istrikto sa pagsusuri at pagmomonitor sa mga isusumiteng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng mga opisyal at empleyado sa pamahalaan.
2. Ireporma ang pampublikong administrasyon at ang pangasiwaan ng pananalapi
Ang mga pagbabagong nakasentro sa pagpapabuti ng pangangasiwang pinansiyal at pagpapatatag sa gampanin ng mga ahensiyang nag-o-audit ay napatunayang mabisa sa maraming bansa sa paghadlang sa korapsyon.
Ang isa sa gayong mga reporma ay ang paglalantad ng mga impormasyon ukol sa badyet, na pumipigil sa pag-aksaya at di tamang paggamit ng pondo.
Halimbawa, ang Transparency International Sri Lanka ay nagtataguyod ng transparent at participatory budgeting sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga lokal na komunidad na magkomento sa mga iminungkahing badyet sa lokal na pamahalaan.
3. Itaguyod ang transparency at akses sa impormasyon
Ang mga bansang matagumpay sa paghadlang sa korapsyon ay may mahabang tradisyon ng pagiging transparent ng gobyerno, freedom of the press, at may akses sa impormasyon.
Ang pagkakaroon ng akses sa impormasyon ay nagtutulak sa sa mga kinatawan ng gobyerno na maging responsable, at may positibong epekto ito sa antas ng pakikilahok ng publiko sa mga programa ng gobyerno.
Matagumpay na naisulong ng Transparency International Maldives ang pagkakaroon ng rights to information law sa pamamagitan ng pagkampanya gamit ang mga SMS text message na nagdulot ng presyur sa mga nasa pamahalaan.
Sa Pilipinas, sinasabi ng marami na dapat suportahan ang freedom of information bill.
4. Bigyang kapangyarihan ang mga mamamayan
Ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga mamamayan (empowering citizens) na papanagutin ang pamahalaan sa korapsiyon ay makatutulong upang mabuo ang tiwala sa pagitan ng mga mamamayan at ng gobyerno.
Halimbawa, ang mga inisyatibo na naghihikayat sa komunidad na magmanman laban sa korapsiyon ay nagbubunga ng pagtuklas ng korapsyon, pag-iwas sa mga pagkalustay ng mga pondo, at pagdami at paghusay pa ng mga serbisyo publiko.
Halimbawa, upang masubaybayan ang lokal na halalan, ang Transparency International Slovenia ay gumawa ng isang interactive na mapa na pinuno ng publiko ng mga larawan at ulat ng mga potensyal na iregularidad sa halalan.
Dahil dito, nakita ang mga kaso ng maling paggamit ng pampublikong pondo upang suportahan ang kandidatura ng ilang pulitiko.
Kaugnay nito, makatutulong na pagkalooban ng insentibo at bigyan ng proteksiyon ang mga tutulong sa pagsugpo sa graft and corruption gaya ng mga magsisilbing whistleblowers at statewitnesses.
5. Magkaroon ng dayalogo ang mga mamamayan at gobyerno
Makatutulong sa pagpuksa ng korapsiyon ang pagkakaroon ng regular na dayalogo sa pagitan ng mamamayan at gobyerno. Maaaring lumikha ng sistema kung paano maihahayag nang maayos ng mga tao ang kanilang mga hinaing, pagdududa, at suhestiyon ukol sa paggamit ng mga pondo ng bayan.
6. Mag-ulat sa bayan
Maaaring magkaroon ng regular na pag-uulat sa bayan ang gobyerno ukol sa badyet, mga pinaglalaanan nito, at paano ito nagugol. Maaari ring gumawa ng lathalain ukol rito upang maberipika ng mga mamamayan ang mga nakalathalang ulat ng pamahalaan.
7. Magkaroon ng sistema ng gantimpala at parusa
Lumikha ng makatarungang sistema ng gantimpala at parusa sa mga naglilingkod sa pamahalaan. Kung may akmang pasahod, premyo, at insentibo sa mga tapat at maayos na gumagawa ng kanilang tungkulin, maaaring maiwasan ang pandaraya, kapabayaan, at korapsiyon.
8. Tumulong ang mahahalagang institusyon
Makatutulong ang mga pamilya, relihiyon, at paaralan sa pagtuturo ng ukol sa kasamaan ng graft and corruption. Maaaring isama sa kurikulum ng mga paaralan ang pagtuturo ukol rito.
9. Simulan sa sarili ang pagbabago
Ang pagsugpo sa korapsiyon ay nangangailangan ng pagtutulungan ng lahat ng sektor ng lipunan. Ganunpaman, ang mabuting layunin na ito ay makakamit lamang kung ang pagbabago tungo sa integridad ay magsisimula sa kani-kaniyang sarili. Ang sabi nga, “I am the Change, Be the Change.” Matuto pa
*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pang aralin na nais mong hanapin (e.g. migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:
Copyright © Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap sa search engine ng https://myinfobasket.com/):
Symposium na Tumatalakay sa Kaugnayan ng Karapatang Pantao at Pagtugon sa Responsibilidad Bilang Mamamayan
SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”
*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa
Also Check Out:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog
=====
TO STUDENTS: Write your assignment/comment in the comment section of Moral Standards and Non-Moral Standards (Difference and Characteristics)