Mga Paraan Ng Paglutas Sa Mga Paglabag Ng Karapatang Pantao
© Marissa G. Eugenio & Vergie Eugenio/ MyInfoBasket.com
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Nakapagmumungkahi ng mga paran ng paglutas sa mga paglabag ng karapatang pantao
Mga Mungkahing Paraan ng Paglutas sa mga Paglabag sa Karapatang Pantao
Marapat na kabisado ng mga mamamayan ang kahulugan at halimbawa ng Mga Karapatang Pantao at Karapatang Sibil.
Nakatala sa ibaba ang ilang mungkahing paraan upang malunasan o malutas ang mga paglabag sa karapatang pantao, hango sa aklat na sinulat ni Propesor Jensen Mañebog:
1. Pagbuo ng public assistance programs
Ito ay upang matiyak na ang lahat ay may akses sa katarungan. Ang programang ito na popondohan ng gobyerno ay magbibigay ng mga paraan para sa mga taong biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao na makahingi ng mga remedyong ligal mula sa mga lokal at internasyonal na korte.
2. Paglikha ng mga napapanahong batas
Sapagkat ang panahon ay nagbabago at maraming mga bagong elemento sa lipunan na maaaring pasukin ng paglabag sa karapatang pantao, tama lamang na magkaroon ng angkop at napapanahong mga batas na poprotekta sa mga karapatang pantao. Ang halimbawa nito ay ang ukol sa mga pakikisalamuha at mga transaksiyon gamit ang internet (social media, online banking, commercialized apps, at iba pa).
3. Istriktong implementasyon ng mga batas
Marami nang eksistidong batas na nakaukol sa karapatang pantao gaya ng RA 7877 (Anti-Sexual Harassment Law of 1995), RA 8358 (Anti-Rape Law of 1997), RA 8369 (Family Courts Act of 1997), RA 8505 (Rape Victims Assistance & Protection Act of 1998), RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003), at RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Children of 2004). Dapat ay maging istrikto ang pamahalaan sa implementasyon ng mga umiiral na batas.
4. Mabilis at makatarungang paglilitis
Ang mga kaso ay karaniwang nagtatagal at mayroon pang hindi nareresolba. Kinakailangang makalikha ng mabibisang pamamaraan at rebisahin, kung kinakailangan, ang mga eksistidong proseso upang malunasan ang mga kaso sa paglabag ng karapatang pantao. Makatutulong din na pondohan ang ukol halimbawa sa forensic science para sa mabilis at tamang paglilitis ng mga kaso.
5. Paglagda ng bansa sa mga internasyonal na tratado
Makatutulong na ang gobyerno ay magkaroon ng inisyatibo na pumirma sa mga internasyonal na tratado para sa karapatang pantao. Ito ay upang mapaalalahanan ng estado ang sarili nito, maging ang mga susunod na maluluklok sa pamahalaan, laban sa pang-aabuso sa kapangyarihan at sa pagtatalaga sa pagpoprotekta sa karapatan ng mga mamamayan.
6. Pagpapalakas at pagdisiplina sa sandatahang lakas
Upang epektibong matugunan ang terorismo at rebelyon, dapat isagawa ng gobyerno ang pagpapahusay ng kapulisan at sandatahang lakas at tiyaking mas mahusay sila kaysa mga rebelde at terorista. Sa kabilang banda, dapat na mayroon ding malinaw na guidelines at mga proseso ng pagpapanagot kapag ang mga pulis at sundalo naman ang lumabag sa karapatang pantao … ituloy ang pagbasa
© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
Also Check Out:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog
TALAKAYAN
1. Sa tingin mo, aling halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao ang pinakamalala sa iyong bayan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Talakayin ang mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.
3. Anu-ano ang mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa daigdig?
4. Magmungkahi ng ng mga pamamaraan sa pangangalaga ng karapatang pantao. Talakayin ang iyong mungkahi.
5. Magmungkahi ng mga paran ng paglutas sa mga paglabag ng karapatang pantao.
TAKDANG-ARALIN PARA SA MAG-AARAL
E-Learning Assignment: Paghahanda sa susunod na aralin
a. Sa search engine ngMyInfoBasket.com, hanapin ang blog na “Reason and Impartiality on Same-Sex Marriage.”
b. Basahin ang lektura.
c. I-share ang artikulo sa iyong social media account kasama ng iyong sagot sa tanong na: Sa tingin mo, angkop ba ang Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) Equality Bill sa Pilipinas? Depensahan ang iyong sagot gamit ang natutunan sa artikulo. Gumamit ng #SOGIEBill #NoHateSpeech
e. Mag-imbita ng tatlong kaibigan (mga kamag-anak) na magpo-post ng makabuluhang katwiran na umaayon o tumututol sa iyong post.
f. I-screen shot ang inyong naka-post na conversation thread, i-print, at ipasa sa iyong guro.
=====
Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Mapanagutang Pagtugon sa Iba’t Ibang Emosyon ng Kapuwa