Mga pamamaraan sa pangangalaga sa kapaligiran
© by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio
Totoong mahalaga na ating gawin ang ating bahagi sa pagpapanatili ng ating kalikasan sa anumang paraan na ating magagawa. Narito ang ilang mungkahing pamamaraan para mapangalagaan ang kapaligiran:
1. Mag-recycle
Ang pag-recycle ay isa sa mga pinaka-popular at pinakamabisang paraan ng pagtulong sa kalikasan.
2. Patayin ang mga ilaw kung hindi ginagamit
Bagama’t napakadali nitong gawin, ito ang pinaka-karaniwang hindi napapansin na paraan para mapababa ang konsumo ng kuryente.
3. Gamiting muli ang mga botelyang pinaglagyan ng tubig
Ang krudo at langis ay kailangan para makagawa ng mga botelyang yari sa plastik, kaya ang paggamit ng mas kakaunting mga botelyang plastik ay makatutulong nang malaki sa pagtitipid ng mga napakahalagang yaman na ito.
4. Gamitin ang mga bagay sa ibang paraan
Napakaraming bagay sa tahanan ang maaaring i-repurpose o gamiting muli sa ibang paraan. Ang mga plastic bag, halimbawa, ay pwedeng gamiting muli sa palengke or gamitin bilang basurahan.
5. Gumamit ng mga organikong produkto
Karamihan sa mga produktong may halong kemikal gaya ng sabon ay masama sa kalikasan. Gumamit ng mga natural na sabon panligo, shampoo, body wash, at sabon panlaba para makatulong na mapanatiling malinis ang suplay ng tubig.
Makatutulong rin tayo sa pamamagitan ng paglahok sa konserbasyon, pagbuboluntaryo, at pakikipag-ugnayan sa mga ahensiyang pangkalikasan ng lokal na pamahalaan.
Marapat na tayo ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kalikasan at kaalinsabay nito ay ang pagtataguyod ng kalusugan at likas-kayang pag-unlad (sustainable development). Kung gawin natin ito, masasabi nating nagawa nating ayusin ang mga bagay sa kalikasan. (© 2013-present by Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio)
Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:
– 4.3. Napatutunayan na ang pagkalinga sa kapaligiran ay nakatutulong sa pagkamit ng kalusugan, kagalingan, at likas-kayang kaunlaran (PPT11/12PP-Ij-4.3)
SA MGA GURO: Maaaring ipabasa ang lekturang ito sa mga estudyante sa pamamagitan ng pag-share o pag-link nitong webpage
ALSO CHECK OUT:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog
To STUDENTS:
If the comment section here FAILS to function, COMMENT here instead: Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu
====
To post comment, briefly watch this related short video: