Mga Pamamaraan sa Pagpapataas ng Kalidad ng Edukasyon

PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO:

Nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan na makakatulong sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa pamayanan at bansa

May mga mungkahing mga pamamaraan na makakatulong sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa pamayanan at bansa.

Narito ang ilang halimbawa hango sa lektura ng Propesor na si Jensen DG. Mañebog:

Bago magpatuloy: Pakisuportahan lang ang ating free educational materials sa pamamagitan ng pag-subscribe (kung hindi ka pa naka-subscribe). Salamat!

Pag-aralan na natin ang mga mungkahing pamamaraan:

1. Pagpapabuti ng kurikulum

Makatutulong na tuklasin kung saang aspeto mahina ang kasalukuyang kurikulum at rebisahin batay sa natuklasan. Maaaring subukan ang mga aralin na hindi gaanong marami subalit praktikal at totoong kapakipakinabang.

Ang maayos na kurikulum ay dapat magsimula sa kindergarten at primary education sapagkat ito ang pundasyon ng pag-aaral ng isang mag-aaral.

Ang mga paaralan ay dapat na nakatuon hindi lamang sa pagsukat sa overall student achievement, kundi pati na rin sa tagumpay ng bawat isang mag-aaral. Ang ganito mang prinsipyo ay dapat matugunan ng pinaiiral na kurikulum.

2. Gawing prayoridad ang pagpondo para sa edukasyon

Napag-alaman ng mga ekonomista na ang pamumuhunan sa edukasyon ay may magandang epekto sa pangkalahatang kundisyon ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapataas nito sa gross domestic product (GDP).

Kapag maraming mga mag-aaral ang nakapagtapos at nakapaghanapbuhay, mas marami ang nagbubuwis, mas malaki ang napupunta sa kaban ng bayan.

Kabilang sa pondo para sa edukasyon ang ukol sa sapat na sahod at suporta para sa mga guro, bukod sa pagtatayo ng mga paaralan, pagsasaayos sa mga silid-aralan, at paggugol para sa mga de-kalidad na aklat at iba pang gamit pampaaralan.

Kung pipiliin ng ating mahuhusay na mga guro na magtrabaho sa mga mayayamang bansa para sa mas mataas na pasahod o magagandang kondisyon, ang kalidad ng pagtuturo sa ating mga paaralan ay maaapektuhan.

3. Kilalanin at tugunan ang overcrowding

Ang mga siksikang silid-aralan ay napatutunayang hindi epektibo. Ang mga mag-aaral ay hindi “natututukang mabuti” ng guro.

Nawawalan tuloy ang iba ng interes sa pag-aaral, na siyang nagiging dahilan minsan sa pagda-dropout. Sa siksikang silid-aralan, kapwa ang guro at mga mag-aaral ay nai-stress kung kaya’t ang kalidad ng edukasyon ang naikokompromiso.

Para lumiit ang class size, kailangan ng maraming guro at silid-aralan. Nasa kamay ng pamahalaan ang pagbibigay solusyon sa suliraning ito.

4. Itaas ang mga pamantayan para sa mga guro

Nalaman mula sa mga pag-aaral, at hindi nakapagtataka, na ang pagiging hindi kuwalipikado ng mga guro ay may kinalaman sa hindi magandang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng kanilang mga mag-aaral.

Dapat na linawin ang mga pamantayan para sa mga guro na kumukuha ng lisensya at itaas ang mga pamantayan lalo na para sa mga guro sa mga lugar kung saan mababa ang student outcomes.

Makatwiran lang na itaas ang pamantayan para sa teacher certifications upang matiyak na sila ay tunay na handa para sa kanilang mahalagang gampanin.

Maaaring magkaloob ang gobyerno ng trainings, seminars, o scholarships para sa specialization courses sa mga karapat-dapat na guro.

5. Bigyan ng bahagi ang mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak

Ang pagkakaloob ng bahagi sa mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak, gaya halimbawa sa ilang mga proyekto o takdang-aralin, ay makatutulong sa akademikong pag-unlad ng mga mag-aaral. Sa ganitong paraan ay mamo-monitor pa ng mga magulang ang antas ng pag-unlad sa pag-aaral ng kani-kanilang mga anak … ituloy ang pagbasa

*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pang aralin na nais mong hanapin (e.g. migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:

Copyright © 2014-present by  Jensen DG. Mañebog/MyInfoBasket.com ([email protected])

Also Check Out:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog

TALAKAYAN

1. Batay sa output ng takdang aralin: Sa tingin mo, papaano pa mapauunlad ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas?

2. Anu-ano ang mga suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon sa bansa?

3. Magmungkahi ng mga solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon sa bansa.

4. Magmungkahi ng mga pamamaraan na makatutulong sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa pamayanan at bansa.

TAKDANG-ARALIN

E-Learning Assignment: Paghahanda sa susunod na aralin

a. Mag-online sa www.AlaminNatin.com. Sa pamamagitan ng search engine nito, hanapin ang blog na “Pakikilahok sa Mga Gawaing Pansibiko: Epekto sa mga Kabataan.”

b. Basahin ang lektura.

c. Sa comment section ng artikulo, isulat ang iyong sagot sa tanong na: Anu-anong mga gawaing pansibiko ang dapat lahukan ng katulad mong kabataan? Ipaliwanag ang iyong sagot. Gumamit ng #CivicEngagement #[PaboritongStudentLeader]

e. Mag-imbita ng tatlong kaibigan (mga schoolmate) na maglalagay ng makabuluhang komento sa iyong post.

f. I-screen shot ang inyong naka-post na conversation thread, i-print, at ipasa sa iyong guro.