Mga Mungkahi Upang Malutas Ang Suliranin Ng Unemployment
© Marissa G. Eugenio and Vergie Eusebio/ MyInfoBasket.com
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang suliranin ng unemployment
Narito ang ilang mga mungkahi upang malutas ang suliranin ng unemployment sa isang bansa batay sa aklat ng Propesor na si Ginoong Jensen DG. Mañebog:
1. Pagkuha ng angkop na edukasyon at pagsasanay
Upang masolusyunan ang hindi pagkakatugma ng trabaho sa kurso o pagsasanay na natatapos ng mga kabataan, may mga paraang nararapat gawin upang makakuha ng angkop na edukasyon at pagsasanay. Maaari nilang alamin kung anong industriya ang nagtatagumpay at umuusbong sa kanilang lugar.
Halimbawa, kung ang bayan o lalawigan kung saan nakatira ay may mga pabrika para sa semikonduktor, maaaring pag-aralan ang ukol sa ganung industriya.
2. Pagpapaunlad sa peace and order sa bansa
Umuurong ang mga investor, dayuhan man o lokal, kapag magulo sa isang bansa. Dapat din maging matalino ang mga unyon sa mga pagpapasya at pagkilos upang hindi mawalan ng gana ang mga namumuhunan, na magdudulot ng pagkawala ng mga trabaho.
3. Paglikha ng gobyerno ng maraming trabaho
Upang patuloy na bumaba ang unemployment rate, kailangang matiyak ng ating gobyerno na lilikha ito ng mas maraming trabaho. Sa rehimeng Duterte, ang programang “Build Build Build” ay inasahang magdudulot ng “Jobs Jobs Jobs,” dahil inasahang magbibigay daan ito sa masiglang kalakalan sa Pilipinas.
Malaking tulong sa ekonomiya ng bansa kung ang mga mamamayan ay mapagkakalooban ng hanapbuhay ng gobyerno.
4. Insentibo sa mga kumpanya
Sa panahon ng krisis, halimbawa, ang pamahalaan ay maaaring magbigay ng mga tax credits sa mga kumpanya na tatanggap ng mga manggagawa. Insentibo ito sa mga kumpanya dahil sa makatitipid sila sa gugol sa buwis at may magandang epekto naman ito sa mga taong magkakatrabaho.
Maaari ring magkaloob ng mga kredito sa buwis sa mga kumpanya na magpapaikli ng oras ng trabaho ng mga empleyado kaysa tanggalin sila sa trabaho sa panahon ng krisis.
5. Pagpapautang sa maliliit na negosyo
Ang mga maliliit na negosyo ay malaking tulong sa paglikha ng hanapbuhay sa bansa. Ganunpaman, ang mga banko ay kadalasang nag-aalinlangan na sila ay pautangin o pondohan. Maaaring gawing proyekto ng gobyerno sa pagpapautang sa ganitong mga negosyo.
6. Pagpokus sa mga eksport
Kung hindi masigla ang pagkonsumo sa sariling lokalidad, maaaring magpokus sa pag-eeksport. Ang hadlang lamang dito ay ang laki ng gastos sa pagpapadala ng mga produkto na makapagpapataas ng presyo at makababawas sa pagiging competitive ng mga ito sa pandaigdigang merkado.
Maaaring i-underwrite ng gobyerno ang gastos ng pagpapadala, lalo na sa mga negosyo na napipilitang mag-alis ng mga manggagawa para hindi malugi … ituloy ang pagbasa
*Kung may paksa na gusto mong hanapin ukol sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pa (hal. globalisasyob, political dynasty, etc.), i-search dito:
Copyright © Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
Read Also:
The Interesting Tales of the Jose Rizal Family by Jensen DG. Mañebog
Basahin: 15 Tips to Become a Successful Entrepreneur
KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap gamit ang search engine ng https://myinfobasket.com/):
Ang Konsepto ng Globalisasyon
SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”
*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa
Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog
NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.
TALAKAYAN
1. Ano ang maimumungkahi mong pamamaraan kung paano malulutas ang unemployment sa Pilipinas?
2. Anu-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng unemployment sa bansa? Bumanggit ng isa at ipaliwanag.
3. Anu-ano ang implikasyon ng unemployment sa pamumuhay ng mga tao?
4. Anu-ano ang implikasyon ng unemployment sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa?
5. Ano ang iyong mungkahi upang malutas ang suliranin ng unemployment? Ipaliwanag ang iyong mungkahi.
TAKDANG-ARALIN PARA SA MAG-AARAL
E-Learning Assignment:
a. Mag-online sa www.MyInfoBasket.com. Sa pamamagitan ng search engine nito, hanapin ang blog na “Globalization: Is it Pro-Philippines?”
b. Basahin ang lektura.
c. I-share ang artikulo sa iyong social media account kasama ng iyong sagot sa tanong na: Batay sa artikulo, angkop ba ang globalisasyon sa Pilipinas? Sang-ayon ka ba sa may-akda? Bakit? Gumamit ng #Globalisasyon #[PangalanNgIyongBayan]
e. Mag-imbita ng tatlong kaibigan (mga nasa kolehiyo) na maglalagay ng makabuluhang komento sa iyong post.
f. I-screen shot ang inyong naka-post na conversation thread, i-print, at ipasa sa iyong guro.
=====
Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Ang Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Panlipunan, Pampulitika, at Pangkabuhayan