Mga Halimbawa Ng Paglabag Sa Karapatang Pantao Sa Pamayanan, Bansa, At Daigdig
© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Nasusuri ang mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa, at daigdig
Ilang halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao
Mahalagang malaman at masuri ang mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa pamayanan, bansa, at daigdig. Ang sumusunod ay isang pagsusuri sa mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao, hango sa lektura ng Propesor na si Jensen DG. Mañebog.
Bago magpatuloy: Pakisuportahan ang ating free educational materials sa pamamagitan ng pag-subscribe (kung hindi ka pa naka-subscribe). Salamat!
Balikan na natin ang paksa. May mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng digmaan o giyera at iba pang uri ng labanan.
Ang totoo, ang bilang ng mga pagkamatay na may kaugnayan sa labanan at ang collateral damage sa mga armadong salungatan ay maliit lamang na bahagi ng matinding pagdurusa at pagkawasak na dulot ng mga salungatan at digmaan.
Habang ang mga salungatan ay nagtatagal, dumarami ang kaso ng paglabag sa pangunahing karapatang mabuhay.
Ang ilan sa mga malubhang paglabag sa karapatan sa buhay ay ang masaker, pagkagutom ng buong populasyon, at pagpatay ng lahi o genocide.
Ang genocide ay ang sinasadyang pagpuksa ng isang etniko, rasa, o grupong panrelihiyon.
Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpatay sa mga miyembro ng grupo, pagdudulot sa kanila ng malubhang pinsala sa katawan o kaisipan, pagpapataw ng mga hakbang upang maiwasan nila ang panganganak, o sapilitang pagkuha sa kanilang mga anak.
Ang genocide ay madalas na itinuturing na pinakamalalang krimen laban sa sangkatauhan.
Read Also:
The Interesting Tales of the Jose Rizal Family by Jensen DG. Mañebog
Ang war crime naman ay tumutukoy sa isang paglabag sa mga patakaran ng jus in bello (hustisya sa digmaan) ng sinumang indibidwal, militar man o sibilyan.
Ang mga batas sa armadong labanan ay nagbabawal sa pag-atake sa mga sibilyan at sa paggamit ng mga sandata na nagdudulot ng hindi kinakailangang paghihirap o ng pangmatagalang pinsala sa kalikasan.
Kabilang sa iba pang mga krimen sa giyera ay ang pagkuha ng mga hostage at pagpapaputok sa mga lokalidad na walang depensa at walang military significance, tulad ng mga ospital o paaralan.
Nabibilang din dito ang hindi makataong pagtrato sa mga bilanggo, gaya ng paggamit sa kanila sa mga eksperimentong biyolohikal; at ang walang kabuluhang pagwasak ng mga pag-aari.
Bagaman malinaw na ipinagbabawal ng internasyonal na batas, ang mga krimen sa giyera ay karaniwan. Ang mga kababaihan at mga batang babae ay karaniwang ginagahasa ng mga sundalo o pinipilit sa prostitusyon.
Sa loob ng mahabang panahon, nabigong lutasin ng internasyonal na pamayanan ang problema sa karahasang sekswal sa panahon ng armadong labanan.
Read Also:
The Interesting Tales of the Jose Rizal Family by Jensen DG. Mañebog
Ang mga tinatawag na comfort women ay isa pang halimbawa ng sekswal na karahasan laban sa mga kababaihan sa panahon ng digmaan. At kahit hindi panahon ng digmaan, ang mga sexual assault, kung saan nakapaloob ang sexual mutilation, sexual humiliation, at forced pregnancy ay tila karaniwan.
Ang pangangalakal sa mga kababaihan (women trafficking) ay isang uri ng sekswal na pagkaalipin kung saan ang mga kababaihan ay dinadala sa ibang lugar at ipinagbibili para sa prostitusyon.
Ang karahasang sekswal ay minsang itinuturing bilang isang paraan upang sirain ang pride ng kalabang bansa o upang ipahiya ang mga kalalakihan na hindi napoprotektahan ang kanilang mga kababaihan. Ginagamit din ito upang patahimikin ang mga kababaihan na aktibo sa pulitika, o upang magdulot ng takot sa komunidad.
Paglabag din sa karapatan ang torture, ang pisikal o sikolohikal na pagpapahirap na nagdudulot ng kahihiyan o pagkawasak ng dangal ng tao.
Kasama sa sikolohikal na pagpapahirap ang mutilation, pambubugbog, at pagkuryente sa labi, gilagid, at ari.
Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog
Kasama rin dito ang pagkakait ng pagkain at tubig sa loob ng mahabang panahon, pinapanatiling nakatayo ang biktima nang maraming oras, pinagkakaitan ng tulog, o pinahihirapan sa pamamagitan ng nakatutulig na ingay.
Ang torture ay ginagamit sa ilang mga kaso bilang paraan upang isagawa ang mga interogasyon at para “pakantahin” o magbigay ng impormasyon ang biktima.
Ginagamit din ito bilang paraan ng pagsugpo sa ibang pampulitikang ideolohiya o pagpaparusa sa mga kalaban sa politika ng naghaharing grupo.
May mga kaso rin ng disappearance—mga taong “nawawala” na karaniwang dinudukot, itinatago, pinapatay, at inililibing nang lihim.
Ang ganitong pagdukot ng mga tao ay karaniwang ginagawa upang sapilitang makakuha ng impormasyon at magkalat ng takot.
Sa karamihan ng mga kaso, sa mga interogasyon ay may mga pagbabanta at pagpapahirap, at pagkatapos ay pinapatay ang biktima.
Ang mga bangkay ay inililibing sa mga walang markang libingan o iniiwan sa mga dumpsites. Dahil ang mga biktima ay nawala nang walang bakas, hindi alam ng kanilang pamilya kung buhay o patay na ang kanilang mga mahal sa buhay.
Also Check Out: From Socrates to Mill: An Analysis of Prominent Ethical Theories, also by author Jensen DG. Mañebog
May mga kaso rin ng pampulitikang pang-aapi o political oppression. Ang mga indibidwal na banta sa mga nasa kapangyarihan o may ibang pananaw sa politika ay maaaring mabilanggo nang walang due process o ipapailalim sa hindi makatarungang mga pamamaraan ng paglilitis.
May mga tao rin na pinagkakaitan ng karapatan sa pagboto o ng karapatan sa pakikilahok sa politika, o kaya’y ipinatutupad ang mga hakbang na nagsisiil sa kalayaan. Kabilang dito ang mga sapilitang relokasyon, maramihang pagpapalayas, at pagtanggi sa karapatang maghangad ng asylum o bumalik sa tahanan.
*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu na nais mong hanapin (e.g. migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:
ALSO CHECK OUT:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog
Also Check Out: The Worldview of Atheism by Jensen DG. Mañebog
Para sa updated na listahan ng mga halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas (gaya ng diumano’y extrajudicial killing), sangguniin ang artikulong, “Mga Halimbawa ng Paglabag sa Karapatang Pantao sa Pilipinas” na matatagpuan sa search engine ng AlaminNatin.com. o OurHappySchool.com (© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com)
BASAHIN ANG KARUGTONG: Mga Paglabag sa Karapatang Pantao sa Pilipinas
Read Also:
The Interesting Tales of the Jose Rizal Family by Jensen DG. Mañebog