Mga gawaing nagpapamalas ng mga talento ng may kapansanan at kapus-palad

© Marissa G. Eugenio

Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:
6.4 Nakapagsasagawa ng isang gawain na nagpapamalas ng mga talento ng mga may kapansanan at kapus-palad

Ang pagsasagawa ng mga gawain na nagpapamalas ng mga talento ng mga may kapansanan at kapus-palad ay marapat proyektuhin kapwa ng mga pribado at pampublikong institusyon.

Mga programa para sa mga may kapansanan at mga kapus-palad

Ang mga sumusunod ay mga suhestiyong gawain at programa na nagbibigay-daan para sa mga PWDs at mga nagmula sa kapus-palad na sektor ng lipunan na linangin at ipamalas ang kanilang talento at kasanayan (ang ilan rito ay hango sa oneyoungworld.com):

a. Pagsusulong ng social inclusion sa mga paaralan

Makatutulong na simulang baguhin sa mababang paaralan ang pangkaraniwang kamalayang-pangkultura ukol sa kung paano natin tinatrato at pinakikitunguhan ang mga PWD at mga nagmula sa kapus-palad na sektor ng lipunan. Dapat na positibo at hindi bilang kapintasan ang pagtingin natin sa kanilang ikinaiiba.

Kapag naituro ito sa mas batang edad, mababawasan ang diskriminasyon at lalong magkakaroon ng social inclusion. Ang mga batang sama-samang nag-aaral, may disability man o wala, at anoman ang estado sa buhay, ay matututong magpahalaga sa mga talento at katangian na taglay ng bawat isa. Matutuklasan nila na ang bawat isa ay may katangian na maaaring ikarangal.

b. Magkaloob ng libreng pag-aaral o scholarship sa mga karapat-dapat

Maaaring pakuhanin ng pagsusulit para sa mga scholarship grant ang mga may potensiyal ay Ang mga may natatanging kakayahan ay maaaring gawing atleta ng paaralan at pagkalooban ng libreng pag-aaral. Sa ganung paraan, magsisilbi rin silang inspirasyon sa marami.

c. Bigyan sila ng trabaho

Makatuwirang bigyan sila ng trabaho lalo pa’t karaniwan na sila ay may mataas na pangarap, handang magtrabaho, at pursigidong umunlad. Ang mga may kapansanan at mga nasa kapus-palad na sektor ay patuloy na nakararanas ng diskriminasyon sa trabaho sa pamamagitan ng hindi pagtanggap sa kanila o di kaya’y pagtanggi sa kanila para sa final interview.

Dapat na makita ng nagpapatrabaho (employer) ang isang tao, kasama ang kaniyang kapansanan at kondisyon, bilang kalakasan at hindi bilang isang otomatikong kahinaan ituloy ang pagbasa

Basahin: Ilang Programa para sa mga May Kapansanan at mga Kapus-Palad

Basahin: EMPATHY: Putting Yourself In Someone Else’s Shoes

© Marissa G. Eugenio

Layunin sa Pampagkatuto:
6.4 Nakapagsasagawa ng isang gawain na nagpapamalas ng mga talento ng mga may kapansanan at kapus-palad