Mga Epekto Ng Karahasan (Lalo Na Ang Pambubulas o Bullying) Sa Isang Mag-Aaral At Paaralan: Isang Sulatin o Sanaysay

Panuto:

1. Gumawa ng mga talata na nagpapaliwanag kung anu-ano ang mga epekto ng karahasan lalo na ang pambubulas sa isang: mag-aaral, sa paaralan.

2. Ang isang talata ng iyong sulatin ay ukol sa mag-aaral at ang isa pang talata ay ukol naman sa kabuuan ng paaralan.

ANG KARAHASAN tulad ng pambubulas ay isa sa mga isyu at problema sa maraming paaralan sa buong mundo. Kung hindi maagapan, ang pambubulas ay lalaganap sa mga paaralan.

Napakaraming kaso ng ganitong uri ng karahasan na nagdudulot ng mga hindi kanais-nais na balita tulad na lamang ng pagkitil ng buhay ng ilang mga mag-aaral dulot nito.

Bilang isang mag-aaral, isa ito sa mga hamon na kinakaharap sa araw-araw na pagpasok sa mga paaralan.

Ang takot at kawalan ng tiwala sa sarili ang kadalasang nagiging epekto ng pambubulas. Kung dati ay nagagalak ang isang bata na pumasok, dahil sa mga kaso ng pambubulas ay natatakot na siyang pumasok.

Ang dapat na kaalaman na makukuha sa paaralan ay nagiging takot. Tunay ngang malaking panganib ito sa buhay ng isang mag-aaral kaya marapat lamang na maaksiyunan ang isyung ito at magabayan ang mga mag-aaral.

Sa panig naman ng paaralan, napakalaking hamon ito bilang institusyong nagtuturo sa kabataan. Nakalulungkot na ang mga insidente ng mga karahasan gaya ng bullying sa loob mismo ng paaralan ay nagdudulot ng kawalan ng kagustuhan ng isang mag-aaral na pumasok.

Seryosong bagay ang ganitong problema sapagkat kabaha-bahala ang pagkawalang nais ng isang bata na pumasok sa eskwelahan.

Marapat lamang na ang ating mga paaralan ang manguna sa pag-iingat at paggabay sa mga estudyante.

Sa pamamagitan nito ay maibabalik ang paghahangad ng isang kabataan na bumalik sa masayang pag-aaral nang walang pangamba at takot

Copyright © by Senna Micah L. Mañebog

Mga Kaugnay na Assignment:

Ako Bilang Mag-aaral (Laban sa Pambubulas o Pambu-bully): Isang Essay

Paano Makatutulong Sa Magulang Upang Maiwasan o Mabawasan Ang Tinatawag Na “Agwat Teknikal o Teknolohikal: Reflection Paper

Agwat Teknikal (Agwat Teknolohikal): Mga Tanong at Sagot

Ang Mga Tungkulin at Sakripisyo ng mga Magulang para sa mga Anak

Mga Paraan Upang Mapabuti Ang Komunikasyon

Ang Kabutihang Naidudulot ng Pakikipagkaibigan at Halaga Ng Pagpapatawad

Liham Ng Magulang Sa Kaniyang Anak

Maisabuhay Nang May Katarungan At Pagmamahal Ang Paggalang At Pagsunod Sa Magulang, Nakatatanda At Sa Awtoridad

Ang Birtud Na Pasasalamat at ang Entitlement Mentality

Ang Halaga ng Paggawa ng Mabuti

Ukol sa Katapatan: Mga Tanong at Sagot

Karahasan at Pambubully sa Paaralan: Essay

Should Abortion be Tolerated or Legalized in the Philippines? Questions and Answers

Pambubulas o Bullying: Mga Tanong at Sagot