Mga Dahilan ng Globalisasyon

Batay mismo sa depinisyon ng globalisasyon, ang pangunahing dahilan nito ay ang pagpapalitan ng mga pananaw, produkto, ideya, at iba pang mga aspeto ng kultura ng mga tao mula sa iba’t ibang bansa.

Basahin: Ang Konsepto ng Globalisasyon

Dahil sa pagpapalitang ito, nabuo ang konsepto at prosesong tinawag na “globalisasyon.”

Kaugnay: Ang Pangkasaysayan, Pampulitikal, Pang-Ekonomiya, At Sosyo- Kultural Na Pinagmulan Ng Globalisasyon

Ang paglago ng teknolohiya, partikular ang pagkakaroon ng mga makabagong kasangkapang pantransportasyon (gaya ng eroplano) at pangkomunikasyon (gaya ng smart phones at Internet) ay isa sa mga pangunahing dahilan o salik sa globalisasyon.

Dahil sa mga ito, nagkakaroon ng mabilis at madaling pagpapalitan at pagtutulungan (interdependence) sa mga gawaing pangkultura, panteknolohiya, at pang-ekonomiya.

Nakatulong din nang malaki sa globalisasyon ang bumabang gastos (reduced cost) sa paglikha ng mga transaksiyon o palitan (exchange), pati na rin ang pinabilis na pagkilos ng kapital (increased mobility of capital).

Kaugnay: Ano ang Migrasyon?

Kapag pinag-uusapan ang mga dahilan ng globalisasyon, hindi rin maiiwasan na talakayin ang mga pangunahing institusyong may bahaging ginagampanan sa globalisasyon.

Ang pamahalaan, paaralan, mass media, multinational na korporasyon, NGO, at mga internasyonal na organisasyon ay kabilang sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng globalisasyon at nanatiling mga salik sa patuloy na pag-iral ng prosesong globalisasyon.

Basahin rito ang pagtalakay: Ang Mga Pangunahing Institusyon Na May Bahaging Ginagampanan Sa Globalisasyon

Copyright © by Jensen DG. Mañebog & Marissa E. Eugenio

Kaugnay:
Ang Mga Epekto ng Globalisasyon