Mga Batayang Impormasyon Ng Komunidad

Ang bawat komunidad ay may mga batayang impormasyon o sariling katangian tulad rin ng isang tao. Ang komunidad ay may pangalan, taon ng pagkakatatag, namumuno at iba pa.

Ang mga sumusunod ay ang mahahalagang impormasyon sa isang komunidad.

Pangalan

Ang pangalan ng komunidad na iyong kinabibilangan.

Lokasyon

Ang lugar kung saan matatagpuan ang iyong komunidad

Taon ng Pagkatatag

Ang petsa kung kailan naitatag ang iyong komunidad.

Namumuno

Ang mga pangalan ng mga taong namumuno sa iyong komunidad.

Populasyon

Ang bilang o dami ng mga tao sa iyong komunidad

Wikang sinasalita

Ang wika o mga lengguwaheng ginagamit ng mga tao sa yong komunidad

Relihiyon

Mga pangkat ng relihiyong kinabibilangan ng mga tao sa iyong komunidad.

Mga Grupong Etniko

Mga uri o grupo ng tao na nakatira sa iyong komunidad. (eg.Ilokano, Kapampangan)

Halimbawa 1:

Pangalan: Barangay Batasan Hills

Lokasyon: Lungsod ng Quezon (bayan)

Taon ng Pagkatatag: Pebrero 25, 1983

Namumuno: John Jojo Mercado Abad

Populasyon: 166,572 batay sa 2020 Census

Wikang sinasalita: Tagalog, Ingles, halo-halong diyalekto

Relihiyon: Katoliko, Iglesia Ni Cristo, at iba pang mga relihiyon

Mga Grupong Etniko: Iba-iba (Tagalog, Ilokano, Kapampangan atbp) kasama rin ang ibang lahi/dayuhan

Halimbawa 2:

Pangalan: Buena Suerte

Lokasyon: El Nido, Palawan (malapit sa baybayin)

Taon ng Pagkatatag: Di tiyak

Namumuno: Ricky Ballena    

Populasyon: 2,455 (2020 Census)

Wikang sinasalita: Wikang Palawano, Wikang Tagalog

Relihiyon: Katoliko, Iglesia Ni Cristo, Baptist, atbp.

Mga Grupong Etniko: Iba-iba (Tagalog, Ilokano, Kapampangan, atbp) kasama rin ang ibang lahi/dayuhan

Ang nasa itaas ay halimbawa ng batayang impormasyon sa komunidad. Mahalaga na may kaalaman ka tungkol sa iyong sariling komunidad.

Madalas na makukuha ang mga impormasyong ito sa mga tanggapan sa iyong komunidad tulad ng barangay hall, public library o sa tanggapan ng munisipyo o pamahalaang lungsod. (Kaugnay: Ang Pamahalaan: Mga Katangian ng Mabuting Namumuno sa Gobyerno)

Ang Halaga ng Mga Batayang Impormasyon Ng Komunidad

Bilang bata, mahalagang malaman at matandaan mo ang mga batayang impormasyong ito sa iyong sariling komunidad. Ito ay makatutulong sa iyo upang mas makilala mo ang mga bumubuo ng iyong komunidad. Mapapadali rin nito ang pakikipag-ugnayan mo sa mga kasapi ng iyong komunidad.

Copyright © by Celine de Guzman/MyInfoBasket.com