Mga Alalahanin at Mga Pinagmumulan Nito Sa Panahon Ng Pagdadalaga o Pagbibinata
Kasanayang Pampagkatuto:
Natatalakay na ang pag-unawa sa mga alalahanin at mga pinagmumulan nito sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay maaaring makatutulong na matukoy ang mga paraan upang matugunan ang mga ito para sa malusog na pamumuhay
Ang Pag-Unawa sa Mga Alalahanin at Mga Pinagmumulan Nito
Kung ikaw ay nasa gitna at huling yugto ng pagbibinata/pagdadalaga, hindi mo maiiwasan na makakaranas ka ng mga pagbabago, hamon, at iba pang potensyal na nakakaistress.
Siguro ay madalas mong naririnig ang mga kabataang gaya mo na nagsasabing sila ay nai-stress. Ngunit ano nga ba ang stress?
Kung ikaw ay nagdadalaga/nagbibinata, ang pag-unawa mo sa mga alalahanin at mga pinagmumulan nito ay may malaking maitutulong upang matukoy mo ang mga paraan upang matugunan ang mga ito tungo sa malusog na pamumuhay.
Gaya ng isang problema, ang isang stress ay hindi matutugunan nang tama kung hindi ito lubos na naiintindihan at kung walang sapat na kabatiran sa ugat o pinagmumulan nito.
Upang makayanan mo ang iba’t ibang mga stress na dulot ng pagiging adolescent, mahalagang malaman mo kung ano nga ba ang stress at ang mga pinanggagalingan nito.
Sinasabing ang stress ay kabaligtaran ng mga bagay na nagpapalakas at nagpaparelaks sa tao. Sa gaya mong nagbibinata/nagdadalaga, ang stress ay maaaring resulta ng iyong tugon sa mga hamon, at reaksyon sa mga inaasahan, ng mga taong nakapaligid sa iyo.
Sa usaping medikal, ito ay tumutukoy sa isang malawak na hanay ng malakas na panlabas na estimulo, physiological o sikolohikal man, na maaaring maging sanhi ng isang physiological na tugong tinatawag na “general adaptation syndrome.”
Normal lamang sa tao ang pagiging “stressed” dahil ito ay bahagi at malaking bahagi ng ating buhay. Ang stress ay hindi nagtatangi—nakakaapekto ito sa mga tao anuman ang edad, lahi, at kalagayan.
Ang anumang bagay ay maaaring maging stress, depende sa pagtingin ng isang tao sa mga bagay. Maaaring ito ay isang simpleng banta sa karangalan ng isang tao, pag-aalala kung pumasa o hindi sa isang pagsusulit, o isang sitwasyong nagbabanta sa buhay.
Sapagkat maaari silang maging kapaki-pakinabang o nakakapinsala, ang mga stress ay maaaring ikategorya bilang mabuti o masama.
Ang mga mabubuting stress ay ang mga tumutulong upang maipalabas ang ating kagalingan at nagbubunsod sa ating gawing mabuti ang ating mga gawain.
Sa kabilang dako, ang mga masasamang stress ay ang mga humahadlang sa atin sa mahusay nating paggana. Kapag nagagapi ng isang partikular na stress (o grupo ng mga stresses) ang ating kakayang pamahalaan ito, ito ay itinuturing na masama.
Ang mga masamang stress ay maaaring magresulta sa pagkabalisa, o sa isang kalagayan kung saan ang tao ay hindi na makatugon sa mga hamon sa buhay.
ACTIVITY: “Write one important thing that you learned about staying mentally healthy during adolescence and explain it briefly.”
Nota: Maaaring ilagay ang sagot sa comment section sa ibaba o rito sa: Ways to Become a Responsible Adolescent
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
SA MGA GURO: Maaari itong gawing reading assignment ng inyong mga mag-aaral
Kaugnay:
Ang Mga Pinagmumulan Ng Mga Alalahanin At Ang Mga Epekto Nito Sa Buhay Ng Tao
Personal Na Paraan Ng Pagtugon Sa Mga Alalahanin Para Sa Malusog Na Pamumuhay
Ang Pag-Unawa Sa Kaliwa At Kanang Bahagi Ng Utak Ay Nakatutulong Sa Pag-Unlad Ng Pagkatuto
Ang Mind-Mapping Techniques Na Nararapat Sa Dalawang Uri Ng Pagkatuto Ng Tao
Plano Upang Mapaunlad Ang Pagkatuto Gamit Ang Mga Gawain Sa Mind Mapping
Kalusugang Pangkaisipan At Sikolohikal Na Kaayusang Pangkatauhan (Well-Being)
Ang Mga Sariling Kahinaan at Ang Mga Sakit sa Kalusugan ng Isip (Mental Health Disorders)
Basahin din:
Mga Hamon sa Pagdadalaga at Pagbibinata: Mga Halimbawa at Pagharap sa mga ito
Sanaysay Essay tungkol sa Pagdadalaga at Pagbibinata (Adolescence)
Mga Paraan Upang Maging Mapanagutan Bilang Nagdadalaga o Nagbibinata
To STUDENTS:
Write your ASSIGNMENT here: Comments of RATIONAL STUDENTS or here: Mga Komento ng MASISIPAG MAG-ARAL