Mga Ahensiya Ng Pamahalaan Na Responsable Sa Kaligtasan Ng Mamamayan Sa Panahon Ng Kalamidad
© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Natutukoy ang mga ahensiya ng pamahalaan na responsable sa kaligtasan ng mamamayan sa panahon ng kalamidad
Mahalagang natutukoy ang mga sangay ng pamahalaan na may pananagutan ukol sa kaligtasan ng mga tao tuwing may kalamidad. Ito ay bahagi ng paghahanda sa mga trahedya o panganib.
Sa ating bansa, ang mga sumusunod ay ilan sa mga halimbawa ng mga ito. (Ang mga contact information na nakalista ay ng subject to change.)
Kaugnay: Mga Wastong Gawain at Pagkilos sa Tahanan at Paaralan sa Panahon ng Kalamidad
Mga Ahensiya ng Pamahalaan na Tumutugon sa Panahon ng Kalamidad
1. National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
Website: http://www.ndrrmc.gov.ph/
Hotlines: 911-5061 to 65
Facebook Account: facebook.com/NDRRMC/
Ang National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) o Pambansang Tanggapan para sa Pagtugon ng Sakuna ay dating kilala bilang National Disaster Coordinating Council (NDCC). Tungkulin nito na tiyakin ang kaligtasan at kabutihan ng mga mamamayan sa panahon ng sakuna.
Kapag may kalamidad, isa ito sa mga ahensya ng pamahalaan na nangunguna sa paghahanda para maiwasan ang malaking pinsala at pagkasawi.
Bilang implementing arm ng Office of the Civil Defense (OC), ang NDRRMC ay may pananagutang mamahala sa malawakang civil defense at pagpapababa ng disaster risk.
Namamahala rin ang NDRRMC sa mga programa para makabuo ng istratihiko at sistematikong pagpaplano upang mabawasan ang mga panganib at mapamahalaan ang mga maaaring mangyari kapag tumama ang kalamidad.
Ang ilan sa mga pinaghahandaan nito ay ang posibleng pagtama ng mga malalakas na bagyo at ang posibleng pagyanig ng Big One (ang tinatayang 7.2 magnitude earthquake na magaganap sakaling gumalaw ang West Valley Fault sa silangan ng Metro Manila at karatig lugar nito).
2. Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA)
Website: www.pagasa.dost.gov.ph
Hotline: (02) 284-0800
Facebook Account: facebook.com/PAGASA.DOST.GOV.PH/
Kilalang kilala ang ahensiyang ito ng mga mamamayan lalo na kapag may mga balita ukol sa bagyo. Ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) ay tinatawag ding Pangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at Astronomiko.
Malaking tulong ang mga impormasyong ibinabahagi ng PAGASA upang makapag-ingat at manatiling ligtas ang mga mamamayan sa mga panganib na dulot ng matinding mga sakuna, gaya ng pag-ulan at pagbaha.
Itinatag ito noong Disyembre 1972 upang magbigay proteksiyon sa mga Pilipino laban sa mga likas na kalamidad at gamitin ang siyentipikong kaalaman bilang mabisang instrumento sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga mamamayan.
Ito ay isa sa mga ahensiya na nasa ilalim ng Scientific and Technolog-ical Services Institutes ng Department of Science and Technology (DOST) kung saan kabilang din ang Science and Technology Information Institute (STII) at Phivolcs.
Pakay ng Pagasa na maging sentro ng kagalingan sa larangan ng mga serbisyo at impormasyong nauukol sa panahon (weather) upang makatulong sa pagbuo ng isang bansang handa at matatag sa mga hamon ng sakuna at kalamidad.
Sa layuning mababalaan at mabigyan ng impormasyon ang publiko tungkol sa mga paparating na bagyo o masamang panahon, naglalabas ang PAGASA ng mga kaukulang Public Storm Warning Signals. Nagbibigay din ito ng mga babala tungkol sa ulan.
Ukol naman sa baha, mayroon din ang PAGASA ng Flood Forecasting and Warning Section. Makikita ang mga impormasyon ukol sa baha sa isang seksiyon ng website nitong kidlat.pagasa.dost.gov.ph.
3. Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)
Website: phivolcs.dost.gov.ph
Hotlines: (02) 426-1468 to 79; 0905-313-4077
Facebook Account: facebook.com/PHIVOLCS/
Ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) o Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Sismolohiya ay isang institusyong pangserbisyo ng DOST. Itinalaga ang ahensiya upang tumugon at paliitin ang epekto ng mga sakunang dulot ng pagputok ng bulkan, lindol, tsunami, at iba pang heotektonikong penomenon.
4. Department of Transportation (DOTr)
Website: dotr.gov.ph
Hotlines: 790-8300/790-8400
Facebook Account: facebook.com/DOTrPH/
Sa pangangasiwa naman ng mga isyu ukol sa mga pampublikong transportasyon sa Pilipinas lalo na sa panahon ng kalamidad, ang Department of Transportation (DOTr), na tinatawag ring Kagawaran ng Transportasyon, ang may responsibilidad. Ipinagbibigay alam nito sa publiko ang mga kaganapan ukol sa mga pampublikong transportasyon, gaya ng mga biyahe sa karagatan, himpapawid, at kalsada.
5. Philippine Coast Guard
Website: coastguard.gov.ph
Telepono: (02) 527-8482 to 89; 527-3880 to 85
Facebook Account: facebook.com/coastguardph/
Ang Tanod Baybayin ng Pilipinas o Philippine Coast Guard ay isang ahensiya ng pamahalaan na itinatag upang maging tagapagpatupad ng batas sa baybaying karagatan ng Pilipinas. Ito ay katuwang sa pagpapatupad ng batas sa karagatan sa bansa, laban sa mga nagpupuslit ng mga pinagbabawal na bagay (gaya ng droga), iligal na pangingisda, at pamimirata.
Gampanin din nito ang search and rescue operations o ang misyong paghahanap at pagliligtas sa mga tao sa panahon ng mga sakuna at kalamidad, maging ang pagbabantay upang maiwasan ang pagkasira ng likas na karagatan. Sa Philippine Coast Guard din nanggagaling ang mga babala para sa mga bumibiyahe sa dagat at nagbibigay ng ulat ukol sa operasyon ng mga pantalan.
6. Philippine Information Agency (PIA)
Website: news.pia.gov.ph
Telepono: (+632) 920-1224
Facebook Account: facebook.com/pia.gov.ph/
Sa Philippine Information Agency o Ahensiyang Pang-impormasyon ng Pilipinas malalaman ang mga opisyal na balita at updates patungkol sa mga relief and rescue operation at iba pang programa na ginagagawa ng pamahalaan para sa mga dako na naapektuhan ng kalamidad.
Tungkulin nitong ipaalam sa mamamayang Pilipino ang mga impormasyon tungkol sa mga pampublikong programa, proyekto, at serbisyo ng pamahalaan.
7. National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)
Website: www.ngcp.ph
Hotline: (02) 922-9055; 0917-845-9055
Facebook Account: facebook.com/NGCPph/
Ang sangay ng pamahalaan na tumitiyak na maibabahagi nang ligtas ang suplay ng kuryente sa bansa ay ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Ang gampanin nito sa panahon ng kalamidad at mga panganib ay ang magbigay ng mga babala at paalala patungkol sa suplay ng kuryente.
8. Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
Website: mmda.gov.ph
Hotline: 136; Trunkline: 882-4154 to 74
Flooding control: (02) 882-8588; 882-4151 to 77, 882-0925 loc. 1150
Facebook Account: facebook.com/MMDAPH/
Para sa mga mamamayan sa Kalakhang Maynila, kaagapay ng pamahalaan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) o ang Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila tuwing may mga kalamidad.
Dito nanggagaling ang mga ulat ukol sa kapakanan ng mga nasa Metro Manila gaya ng lagay ng mga kalsada sa rehiyon. Kaagapay ito sa paglutas o pagkontrol sa mga pinsalang dala ng kalamidad gaya ng baha.
9. Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Website: dswd.gov.ph
Hotline: (02) 931-8101 to 07
Facebook Account: facebook.com/dswdserves/
Ang sangay ng gobyerno na nakatalaga sa serbisyong panlipunan para sa mga Pilipino na nangunguna sa pamamahagi ng mga reliefs (food packs, emergency kits, etc.) kapag may kalamidad ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) o Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan.
10. Department of Education (DepEd)
Website: deped.gov.ph
Hotline: (+632) 636-1663, (+632) 633-1942
Facebook Account:facebook.com/DepartmentOfEducation.PH/
Ang nagsisilbing awtoridad patungkol sa mga anunsiyong pampaaralan partikular na ang pagsususpinde ng klase ng mga mag-aaral sa panahon ng kalamidad o emergency ay ang Department of Education (DepEd) o Kagarawan ng Edukasyon. Nagbibigay din ito ng balita ukol sa mga anunsiyong mula sa mga lokal na pamahalaan ukol sa edukasyon … ituloy ang pagbasa
Kaugnay: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan Upang Matugunan ang Pangangailangan ng Bawat Mamamayan
*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pang aralin na nais mong hanapin (e.g. migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:
Copyright by © Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap gamit ang search engine ng https://myinfobasket.com/):
Ang Pagkakaroon Ng Disiplina At Kooperasyon Sa Pagitan Ng Mga Mamamayan At Pamahalaan Sa Panahon Ng Kalamidad
Basahin: Mga Paghahanda sa Harap ng Kalamidad
SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”
*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa