Likas na Yaman ng Pilipinas: Mga Produkto at Hanapbuhay na Nagmumula sa mga Yamang Lupa at Tubig

Ang likas na yaman ay bagay na makikita sa kalikasan at maaaring gamitin ng mga tao tulad ng sikat ng araw, hangin, tubig, mga halaman, mga isda, mga hayop sa kagubatan, bato, mineral at fossil fuel.

Ang mga uri nito ay yamang lupa, yamang mineral, yamang kagubatan at yamang tubig.

Ang mga natatanging likas na yaman ng mga komunidad ay pinagkukunan ng produkto na kaugnay naman ng mga nagiging hanapbuhay rito.

Ang talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng mga ilang halimbawa ng produkto at hanapbuhay na nagmumula sa mga likas na yaman ng komunidad.

YAMANG LUPA

KOMUNIDAD/LUGARPRODUKTOHANAPBUHAY
Gitnang Luzonbigas, gulay at prutaspagsasaka/pagtatanim  
Baguio, Benguetmga sariwang gulay at prutas   broccoli, pipino, lettuce, carrots, sayote, patatas bell pepper, baguio beans, celery at kamatis, strawberries   iba’t-ibang uri ng mga bulaklakpagsasaka/pagtatanim  
Ilocosbigas, tabako, bawangpagsasaka/pagtatanim  
Antipolosuman, mangga, kasuypagsasaka/pagtatanim  
Pampangabigas, tubo, maispagsasaka/pagtatanim  
Negros Occidentalsaging, tubo, kahelpagsasaka/pagtatanim  
Tagaytay at Cavitepinya, sagingpagsasaka/pagtatanim  
Batangaskape, niyog, palay, maispagsasaka/pagtatanim  
Lagunalanzones, rambutanpagsasaka/pagtatanim  
GuimarasManggapagsasaka/pagtatanim  
N. Ecijabigas, sibuyaspagsasaka/pagtatanim  
Bicolabaka (ginagawang bag, pamaypay, tsinelas sombrero) sili pili nutspagsasaka/pagtatanim  
Quezonniyog (nagmumula ang buko juice, nata de coco)  pagsasaka/pagtatanim  
Davaomga prutas gaya ng suha, durian, marang   mga bulaklak, orchidspagsasaka/pagtatanim  
Bukidnon at Cotabatopinya *Dito matatagpuan ang malawak na taniman ng pinya na Dole Philippines at Del Monte Philippinespagsasaka/pagtatanim  
CALABARZON (Calamba, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon)karneng bakapaghahayupan
Gitnang Visayaskarneng baboypaghahayupan
Gitnang Luzonkarneng manokpaghahayupan
Paterosbalut, penoypaghahayupan
   

YAMANG GUBAT

KOMUNIDAD/LUGARPRODUKTOHANAPBUHAY
Basilan, Zamboanga del Sur, Cotabato, Agusan, Surigao, Bukidnon and Misamis Orientalrubber tree o punong gomapagtotroso
Agusanplywood, lawanitpagtotroso
Negros Occidentalkamagongpagtotroso
La Union, Pampanga, Capiz, Cebu, Bukidnon, Surigao del surkawayanpagtotroso
Samar, Palawanbakawanpagtotroso
Bicol, Mindanao, Cagayan Valleynarrapagtotroso

YAMANG MINERAL

KOMUNIDAD/LUGARPRODUKTOHANAPBUHAY
Surigao Del Norte, Davao, Palawan, Romblon at SamarnickelPagmimina
Ilocos norte, N. Ecija, Cam Norte, CotabatoironPagmimina
Ilocos Norte, Zambales, Cebu, Batangas, Mindoro, Panay, Negros OccidentaltansoPagmimina
Mt. Province, Cam Norte, Baguio, Masbate, Surigao, BulacangintoPagmimina
ZambaleschromitePagmimina
Pangasinan, Tarlac, Masbate, Cam SurmanganesePagmimina
Cam Norte, Ifugao, Bataan,CagayanbakalPagmimina
RomblonmarmolPagmimina
Zambales, Palawan, PanayguanoPagmimina
Negros Occidental,Cebu, Mt. Province, Zambales, at Mindanao.pilakPagmimina

YAMANG TUBIG

KOMUNIDAD/LUGARPRODUKTOHANAPBUHAY
Navotasseafoodspangingisda
Pangasinanbangus at seafoods, asin, bagoongpangingisda
Pampangatilapia, hiponpangingisda
Cavitetahong, talabapangingisda
Pangasinanasin, bagoongpangingisda
Gen SantosTunapangingisda
Sorsogonbutandingpangingisda
Palawanperlaspangingisda
Cebudried fish, danggit, pusitpangingisda
Bataantinapa, tuyo, de latang isdapangingisda
Roxas City, Capizseafoods * seafood capital of the Philippinespangingisda

Ang pagsasaka at pangingisda ay mga pangunahing hanapbuhay sa ating bansa. Sa mga ito nagmumula ang pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain, damit, kagamitan, at tirahan.

May malaking kontribusyon sa pambansang kita ang pagsasaka at pangingisda.

Copyright © by Celine de Guzman/MyInfoBasket.com

=====
To post comment, briefly watch this related short video:

SA MGA MAG-AARAL:
Ilagay ang inyong assignment/comment dito: Pangkalikasan: Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu