Liham Ng Magulang Sa Kaniyang Anak
Mahal kong anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan kapag dala ng kalabuan ng mga mata ay nakabasag ako ng pinggan. O nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan. Huwag mo sana ako kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda.
Naaawa ako sa sarili ko tuwing sisigawan mo, kapag mahina na ang tenga ko at hindi maintindihan ang mga sinasabi mo. Huwag mo sana akong sabihan ng bingi, pakiulit nalang ang sinasabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na talaga anak, matanda na talaga ako.
Kapag mahina ang tuhod ko pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad Pag pasensiyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka, basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong pipilitin maligo, mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan. Huwag mo sana ako pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa?
Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo. Pagpasensiyahan mo sana kung madalas ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo maiintindihan mo rin ako.
Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay. Mag-hapong nag-iisa, Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahi alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtiyagaan kong intindihin aang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong laruan. At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan. Pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi naman na ako magtatagal, kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking mga kamay at bigyan ng laka ng loobna harapin ang kamatayan at huwag kang mag-alala, bago ko ipikit ang aking mga mata, Ipapananlangin ko sa Ama na pagpalain ka dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina.
Laging nagmamahal,
Ang iyong ama at ina
Note: It is an anonymous letter and so the copyright belongs to the rightful author
Sagutin ang mg sumusunod na katanungan:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mong basahin ang liham? Ipaliwanag.
2. Ano ang iyong realisasyon matapos mong maintindihan ang laman ng liham.
3. Ano ang iyong gagawin upang maisabuhay mo nang may katarungan at pagmamahal ang paggalang at pagsunod sa iyong magulang, nkatatanda at sa awtoridad?
Para sa mga sagot, sangguniin ang: Maisabuhay Nang May Katarungan At Pagmamahal Ang Paggalang At Pagsunod Sa Magulang, Nakatatanda At Sa Awtoridad
Kaugnay na Assignment:
Ang Birtud Na Pasasalamat at ang Entitlement Mentality
Ang Halaga ng Paggawa ng Mabuti
Ukol sa Katapatan: Mga Tanong at Sagot
Karahasan at Pambubully sa Paaralan: Essay
Should Abortion be Tolerated or Legalized in the Philippines? Questions and Answers