Kultura ng Pilipinas: Ang Pagkakakilanlang Kultural at mga Produkto ng Komunidad

Ang bawat komunidad sa Pilipinas ay may sariling kultura. Pag-aralan natin ang tungkol sa Kulturang Pilipino.

Ano nga ba ang kultura? Ano ang tinatawag na Kulturang Pilipino?

Ang Kultura ng Pilipinas

Ang kultura ay ang mga katangian o paraan ng pamumuhay ng mga grupo ng tao sa isang komunidad. Ito ang paraan ng paggawa nila sa mga bagay tulad ng kanilang mga kaugalian, paniniwala, tradisyon. Kasama rin dito ang mga produkto, lutuin, tanyag na anyong lupa at anyong tubig at tanyag na kasapi ng komunidad.

Pagkakakilanlang Kultural Ng Komunidad

Ano naman ang pagkakakilanlang kultural ng komunidad?

Ito ay ang hanay ng mga natatangi o kakaibang katangian ng kultura ng mga tao sa isang komunidad. Ang mga pagkakakilanlang kultural ang nagpapatangi sa isang komunidad at nagpapakilala rito.

Pag-aralan natin ang ilan sa pagkakakilanlang kultural ng isang komunidad. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga produkto na tanyag sa isang lalawigan, rehiyon, o bayan. (Kaugnay: Ang Mga Bumubuo ng Komunidad)

Mga Produktong Naiuugnay sa Komunidad o Lugar

Narito ang ilang halimbawa ng mga produktong naiuugnay sa komunidad o lugar sa Pilipinas:

Mga Halimbawa ng Produkto sa Luzon

AuroraNiyog, bigas, mais, kape, abaka at ibang pananim
BataanTuyo, tinapa, mga kakanin tulad ng buko pie, suman at iba pa
BulacanMarmol, alahas, mga kasangkapan sa bahay, kakanin
N. EcijaLongganisang batotay, sibuyas, kakanin, sorbets at iba pa
PampangaBringhe, lechon kawali, tocino, longganisa, sisig, palaka, buro
TarlacAsukal, plantasyon ng bigas
ZambalesMais, bigas, gulay, mangga
QuezonLambanog, longganisang Lucban, Pancit lucban, yema cake
BicolLaing, bicol express, ibang lutuin sa gata, bukayo, kinunot, pancit bato
BatangasBulalo, loming batangas, tapang taal, bagoong balayan, tawilis, balisong

Mga Produkto sa Visayas

IloiloLapaz batchoy, pancit molo, biscocho
CebuLechon cebu,  danggit, tuyo, inasal, mais, dried mangoes
NegrosTubo, asukal
  
  

Mga Produkto sa Mindanao

DavaoDurian, marang, suha, mangosteen Kakaw, niyog, kape, goma
Bukidnon, CotabatoPinya
General SantosTuna

Kaugnay: Likas na Yaman ng Pilipinas: Mga Produkto at Hanapbuhay na Nagmumula sa mga Yamang Lupa at Tubig

Copyright © by Celine de Guzman/MyInfoBasket.com

To STUDENTS:
If the comment section here FAILS to function, COMMENT here instead:
Ang Kahalagahan ng Pag-Aaral Ng Kontemporaryong Isyu

=====

To post comment, briefly watch this related short video: