Koneksiyon ng Kaisipan, Damdamin, at Gawi: Ang Sariling Iniisip, Nadarama, at Kinikilos

Ang lekturang ito ay tumutugon sa Kasanayang Pampagkatuto na: Natataya ang sariling iniisip, nadarama, at kinikilos.

Tunay na magkakaugnay ang iniisip (thought), nadarama (feeling), at kinikilos (behavior) ng isang indibidwal.

Ang pag-iisip, damdamin, at pag-uugali ay tatlong magkakaibang konsepto ngunit may kaugnayan sa isa’t isa. (Kaugnay: Pagkilala sa Sarili: Mahalaga sa Pansariling Kaunlaran (Personal Development))

Halika’t isa-isahin nating pag-aralan ang tatlong konseptong ito:

1. Mga Saloobin o Iniisip

Ang mga iniisip o saloobin ay tumutukoy sa mga kaisipan o ideya na bunga ng pag-iisip. Gayunpaman, maaari rin itong tumukoy sa mismong akto ng paglikha ng mga kaisipan, o sa proseso ng paglikha ng mga saloobin.

Dahil sa sila ay sa isip nililikha at pinoproseso, ang mga saloobin o iniisip ay itinuturing na kognitibo.

Karaniwan nang nasa anyo ng pangungusap ang mga saloobin kapag ipinahahayag. Halimbawa ay kapag sinabing: “Sa tingin ko ay mahalaga ang paniniwala sa Manlilikha.” O kaya naman ay: “Sa tingin ko ay dapat maglaan ng panahon para sa pamilya.”

Bagamat kognitibo o nasa isip, ang mga iniisip o saloobin ay karaniwang malinawag sa isang tao kapag kaya niyang ipahayag o ibahagi ito. Ang mga ito ay ipinahahayag sa pamamagitan ng salita o pangungusap—nakasulat man o binibigkas.

Ang mga saloobin ng isang tao ay maaaring makaimpluwensiya, makapukaw ng damdamin, at makapagpakilos sa ibang tao. Ito ay totoo lalo na kapag maayos at mabisa silang naipahahayag.

Tunay nga, ang isa sa mga katangian ng mga magagaling na lider ay ang kakayahang mag-isip ng magagandang ideya. Kasama rin dito ang kapasidad na ipahayag ang mga ito sa mabisang paraan. 

2. Ang Nadarama o Damdamin

Ang nadarama (pakiramdam o damdamin) naman ay nagpapahiwatig ng isang estado ng kamalayan (consciousness) na nagmumula sa mga emosyon, sentimiyento, o pagnanasa.

Ang mga damdamin (feelings) ay mga estado ng emosyon.

Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang galit, kalungkutan, takot, at kaligayahan.

Tunay na ang saloobin at damdamin ay magkaugnay. Ang magandang iniisip ay maaaring magpaligaya sa isang tao.

Kaya naman kung nais mo na huwag masira ang iyong araw, halimbawa, iwasang isipin ang mga bagay na hindi maganda o wala sa ayos.

Ukol sa damdamin ng isang nagdadalaga o nagbibinata (adolescents), maaaring basahin ang: Adolescence in Tagalog: Kahulugan (meaning and definition), Pagbabago (changes) at Syndrome

3. Ang Pag-uugali o Kinikilos

Ang pag-uugali ay tumutukoy sa hanay ng mga aksyon at gawi na pangkaraniwang ginagawa ng isang indibidwal.

Pangkaraniwan nang makikita ang mga pag-uugali o kinikilos, samantalang ang mga pag-iisip at damdamin ay hindi.

Ang ilang mga halimbawa ng kinikilos o pag-uugali ay: isang ama na niyayakap ang maliit na anak; isang ina na sinusubuan ng pagkain ang anak; at anak na nagmamano sa lolo at lola o sa kaniyang mga magulang.

Pagkakaugnay ng kaisipan, damdamin, at gawi

Mapapansin mo na magkakaugnay ang kaisipan, damdamin, at gawi.

Ang totoo, maraming gawi ang nangyayari kasabay o bilang epekto ng ilang mga kaisipan at damdamin.

Bilang halimbawa, ang magandang iniisip ay nagbubunga ng masayang pakiramdam na kadalasan namang may kasamang ngiti o pagtawa.

Subalit sa kabilang dako naman, ang hindi magandang kaisipan ay nagbubunga ng kalungkutan at maaaring samahan ng pag-iyak o pagsimangot.

Tandaan lamang na ang ilang mga gawi ay hindi repleksiyon ng tunay na damdamin. Ang isang tao ay maaaring sadyang magpakita ng isang pag-uugali na hindi tumutugma sa kanyang tunay na pakiramdam. Halimbawa, maaaring nakangiti siya sa isang kausap subalit sa totoo ay kinaiinisan niya ito … ituloy ang pagbasa.

© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com

*Mahahanap ang mga kaugnay na lektura sa search engine sa itaas.

Ilang mga Kaugnay na lektura:

Kagandahang Asal Sa Kabataan: Isang Tula
Philippine Sangguniang Kabataan (SK): Abolition or Reformation?

Dyornal: Kahulugan at Halimbawa para sa mga Estudyante at Kabataan

PARA SA MGA GURO:
Ang artikulong ito ay maaaring ipa-online reading assignment o e-learning activity sa mga mag-aaral. Halimbawa ng panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang lektrang [complete title ng artikulo]. Basahin. I-share sa iyong social media account* kasama ng iyong short summary sa assignment. I-screen shot ang iyong post at isumite sa iyong guro.”

*Maaaring i-share ang lekturang na ito sa mga social media tulad ng Telegram, Twitter, Instagrame-mail, at iba pa.