Komunikasyon sa Pamilya: Isang Essay

Komunikasyon, madalas ng nawawala sa isang pamilya. Isang kabalintunaan na ito ay bunga na rin ng makabagong teknolohiya ngayon.

Alam natin na ang komunikasyon ay napakahalaga sa atin lalong lalo na sa ugnayan natin sa ating pamilya. Sa isang pamilya, upang maging matibay at nagkakaisa ito ay lubhang kailangan ang pagkakaroon ng pag-uusap.

Kung ating titingnan ang pinagkaiba ng samahan ng pamilya noon at ngayon, masasabi nating mas masayang bumalik sa nakaraan. Masasabi natin iyon sapagkat noong, mas madalas nagkakausap ang bawat kasapi ng isang pamilya. Ngayon, madalas ay bibihira na lamang.

Panuorin: Gampanin ng Bata sa Tahanan, Gawain sa Pamilya, at Mga Tungkulin ng Bawat Kasapi ng Pamilya

Bakit nga ba bihira na lamang? Habang patuloy na umuunlad ang ating daigdig, ganoon rin ay patuloy na natututok ang mga tao sa makabagong teknolohiya tulad ng ating mga cellphone na nagiging dahilan ng kawalan ng komunikasyon sa ating pamilya.

Pero bakit nga ba mahalaga ang pagkakaroon ng komunikasyon sa isang pamilya?

Para sa akin, napakahalaga ng komunikasyon sa isang sambahayan sapagkat kung mayroong komunikasyon ay maaring malaman ng mga miyembro ng pamilya ang saloobin, iniisip, nadarama ng bawat isa. Sa gayon, mananatili ang pagkakaisa at lalong magiging maunlad ang samahan ng isang pamilya.

Nakakalungkot lamang sapagkat sa panahon natin ngayon ay mas nakararami na ang nakatuktok na lamang sa kani-kaniyang cellphone, lalo na sa panig ng mga kabataan. Ito ay nagiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan sa isang pamilya.

Nagiging dahilan ng pag-usbong ng mga problema sa pamilya ang di maayos na komunikasyon. Kung wala ang tamang komunikasyon sa pamilya, malamang ay hindi magkakaintindihan ang mga miyembro nito. Maaring may mga gustong sabihin, halimbawa, ang isang kasapi ng pamilya, ngunit kung kaunting panahon lamang ang mayroon upang mag-usap sila ay tiyak na hindi na mailalabas ang mga nais sabihin.

Nagpapasalamat rin ako ngayong nagkaroon ng pandemya rito sa mundo. Hindi dahil gusto kong magkaroon ang mga tao ng mga problema at mga may karamdaman. Ang akingi pinagpapasalamat ngayon ay sa pamamagitan ng pinatupad na quarantine ay mas nagkasama-sama ang mga kasapi ng isang pamilya.

Sa pamamagitan nito ay nagkaroon ang bawat pamilya ng bonding sa isa’t isa. Dahil rin dito ay nagkaroon na muli ng komunikasyon ang bawat kasapi ng isang pamilya.

Masaya ako sapagkat atin nang naranasan muling makasama at makapiling ang ating pamilya na lalong nagpapaunlad at nagiging daan sa patuloy pang pagkakilala sa bawat isa na bihira na nating magawa noong pumapasok pa tayong mga kabataan sa paaralan.

Mas natutunan ko ang kahalagahan ng komunikasyon sa isang pamilya dahil sa pandemyang kinakaharap natin ngayon.

Aking napagtanto na ang komunikasyon sa ating pamilya ay tunay na susi sa isang masaya at matatag na pamilya.               

Copyright © by Senna Micah L. Mañebog

Mga Kaugnay na Assignment:

Paglalarawan sa Halaga ng Pamilya: Mga Tanong at Sagot

Pagninilay Tungkol Sa Konsepto Ng Kabutihan o Kagandahang-Loob

Ang “Sekswalidad Ng Tao” Sa Pag-Unlad Bilang Tao Ng Isang Teenager

Mga Epekto Ng Karahasan (Lalo Na Ang Pambubulas o Bullying) Sa Isang Mag-Aaral At Paaralan: Isang Sulatin o Sanaysay

Ako Bilang Mag-aaral (Laban sa Pambubulas o Pambu-bully): Isang Essay

Paano Makatutulong Sa Magulang Upang Maiwasan o Mabawasan Ang Tinatawag Na “Agwat Teknikal o Teknolohikal: Reflection Paper

Agwat Teknikal (Agwat Teknolohikal): Mga Tanong at Sagot

Ang Mga Tungkulin at Sakripisyo ng mga Magulang para sa mga Anak

Mga Paraan Upang Mapabuti Ang Komunikasyon

Ang Kabutihang Naidudulot ng Pakikipagkaibigan at Halaga Ng Pagpapatawad

Liham Ng Magulang Sa Kaniyang Anak

Maisabuhay Nang May Katarungan At Pagmamahal Ang Paggalang At Pagsunod Sa Magulang, Nakatatanda At Sa Awtoridad

Ang Birtud Na Pasasalamat at ang Entitlement Mentality

Ang Halaga ng Paggawa ng Mabuti

Pagninilay Tungkol Sa Konsepto Ng Kabutihan o Kagandahang-Loob

Ukol sa Katapatan: Mga Tanong at Sagot

Karahasan at Pambubully sa Paaralan: Essay

Should Abortion be Tolerated or Legalized in the Philippines? Questions and Answers

Pambubulas o Bullying: Mga Tanong at Sagot

=====
To post comment, briefly watch this related short video: