Klimang Tropikal: Klima at Panahon sa Mga Rehiyon
May mga salik heograpikal na nakakaimpluwensiya sa pagbuo at paghubog ng uri ng pamumuhay ng mga lalawigan at rehiyon. Kabilang dito ang klima at panahon sa iba’t ibang lugar.
Ang panahon at kalamidad na nararanasan sa sariling komunidad
Marahil ay nasubukan mo nang makapanuod ng balita na may bahaging pag-uulat ng lagay ng panahon. Tinatalakay sa pag-uulat ang kasalukyang panahon at magiging taya nito sa mga paparating na araw.
Subalit ano ba ang panahong ito? At ano kaya ang uri ng panahon sa iyong komunidad?
Klima at Panahon: Kahulugan
Ano ang panahon?
Ito ay ang pang-araw-araw na kalagayan ng kapaligiran, o hangin sa isang lugar sa maikling panahon.
Ang klima naman ay ang karaniwang kondisyon ng panahon sa isang lugar sa loob ng mahaba habang panahon.
Mahalagang maisaalang-alang ang panahon sa komunidad. May epekto ito sa kaginhawahan, suplay ng pagkain at kaligtasan ng mga nasa komunidad.
Ang iba’t-ibang uri ng klima o panahong nararanasan sa komunidad
Sa Pilipinas, ang panahon sa pangkalahatan ay mainit at medyo mahalumigmig. Sa araw-araw, may mga pagbabago sa panahon. Ito ay maaaring maaraw, maulap, mahangin, maulan at mabagyo.
MAARAW
– mataas ang sikat ng araw
– walang ulap o halos hindi makita ang ulap sa kalangitan
– masarap maglaba dahil madaling matuyo ang sinampay
– maaaring magpatuyo ng isda, palay at iba pa
MAULAP
– mas maraming ulap kaysa sikat ng araw
– halos di makita ang araw
MAHANGIN
– malakas ang hangin sa paligid
– makikita ang pag-ugoy ng mga puno sa lakas ng hangin
– magandang magpalipad ng saranggola
MAULAN
– may malakas na pagbuhos ng ulan dahil hindi na kaya ng mga ulap ang napunong tubig dito
– nagkakaroon ng mga pagbaha sa ilang lugar
MABAGYO
-malalakas na pag-ulang kasama ng malalakas na hangin
– may mga babalang ipinararating ang PAGASA
– nabubuwal ang puno at lumilipag ang mga y ero
– minsan ay nagdudulot ng pagkawala ng kuryente
– maraming nasisirang kabahayan at ari-arian
Sa kabilang banda, sa ating bansa ay may dalawang uri ng klima o panahong nararanasan sa mahaba habang panahon, ito ay ang tag-init at tag-ulan.
Klimang Tropikal
TAG-INIT
Ang tag-init ay panahon kung saan nararanasan ang mainit o maalinsangang temperatura. Sa mga panahong ito ay mataas ang tirik ng araw. Madaling matuyo ang mga damit na nilabhan. Magandang maglaro ang mga bata sa labas. Ang sakop na mga buwan ng tag-init ay Disyembre hanggang Mayo.
Bagamat sa panahong ito ay mararanasan din ang malamig na panahon dulot ng hanging amihan. Ang hanging amihan ay isang malamig na temperatura ng hanging galing sa mga bansa sa hilagang silangan tulad ng Japan, South Korea, China at Siberia.
Sa panahong ito ay maaring makaranas ng El Niño na sanhi ng pag-init ng temperatura ng ibabaw ng dagat sa Pasipiko na may epekto sa mga alon ng hangin at dagat. Ang El Niño ay nagbubunga ng dry spell at tagtuyot dahil sa pagkabawas ng ulan.
TAG-ULAN
Ang tag-ulan ay panahong mararanasan ang maraming pagpatak ng ulan at pagdating ng mga bagyo. Malamig ang temperatura sa panahong ito. Ang sakop na mga buwan ng tag-ulan ay mula Hunyo hanggang Nobyembre.
Sa panahon naman ng tag-ulan ay maaring maganap Ang La Niña. Ito naman ang kabaligtaran ng El Niño. Maaaring makapagdulot ito ng malalakas na bagyo sa iba’t-ibang lugar.
Mga wastong gawain o pagkilos sa tahanan at paaralan sa panahon ng kalamidad
Ang masamang panahon ay nagdudulot ng kalamidad. Hindi natin alam kung kailan darating ang kalamidad o sakuna. Kaya mahalagang laging maging upang hindi maging mahinahon tayo sakali mang dumating ito.
Ano kaya ang wastong gawin sa ating mga tahanan at paaralan sa panahon ng kalamidad?
TAHANAN
Bago pa man dumating ang mga kalamidad o sakuna, tiyakin ang mga sumusunod
– maayos ang pagkakakabit ng mga bahagi ng bahay tulad ng bubong upang maiwasang matanggal ito ng malakas na hangin o ulan.
– maayos ang linya ng mga kuryente at tiyaking maayos ang switch bago gamitin
– sinupin ang mahahalagang dokumento at gamit sa lalagayang hindi mababasa
– makilahok sa paglilinis ng mga estero at kanal sa komunidad na nagdudulot ng pagbaha
– nakikinig sa radyo at telebisyon upang maging maalam sa mga nangyayari
– maghanda ng emergency kit na may pagkain, tubig, gamot, at iba pang kailangan
– nakahanda ang flashlight, kandila at first aid kit
– alam ang mga emergency o hotline numbers na maaaring tawagan
– manatili sa tahanan at makinig sa nakakatanda, sa payo ng barangay sa komunidad tungkol sa paglikas o evacuation
– maging laging alerto at handa
PAARALAN
– makilahok sa mga isinasagawang drill o sa mga programang isinasagawa sa paaralan na may kaugnayan sa paghahanda sa panahon ng kalamidad
– masinop ang mga kalat at ilagay ang mga basura sa tamang lagayan
– makinig sa mga pahayag o anunsyo ng mga opisyal sa paaralan ukol sa nagbabadyang kalamidad
– alam ang mga emergency o hotline numbers na maaaring tawagan
Paano ibinabagay ng mga tao sa panahon ang kanilang kasuotan at tirahan
Dapat maibagay ng mga tao sa komunidad ang kanilang mga kasuotan/kagamitan ayon sa uri ng panahon. Ito ay upang mapangalagaan at maproteksyunan siya sa maaaring idulot ng mga uri ng panahon.
KASUOTAN/ KAGAMITAN
TAG-INIT
– maninipis na damit
o tela na gawa sa cotton o linen
– payong
– sombrero/cap
– pamaypay
– shades o sunglasses
– sandals o tsinelas
– sunscreen/sunblock lotion
TAG-ULAN/TAGLAMIG
jacket o makapal na damit
bota o boots
payong
kapote o coat
Sa lugar na malamig tulad ng Baguio at Tagaytay, ang mga tao ay nagsusuot ng makapal na damit upang hindi ginawin at magkasakit. Manipis at maluwang naman ang dapat isuot kapag nasa mainit na lugar tulad ng Tuguegarao, Isabela at Nueva Ecija.
TIRAHAN
Tag-init
– gumagamit ng electric fan, cooler o airconditioner
– gumagamit ng manipis na kurtina
– gumagamit ng maninipis na kumot
Tag-ulan/Taglamig
– naglalagay ng makapal na kurtina
– gumagamit ng makakapal na kumot
– Inaayos ang mga bubong at ibang bahagi ng tahanan
Sa mga lugar na laging dinadaanan ng bagyo tulad ng Batanes, Masbate at Catanduanes, ang mga tao ay ibayo ang ginagawang paghahanda. Ang kanilang bahay ay mababa at yari sa bato at kogon … (Ituloy ang pagbasa sa “Kalamidad sa Pilipinas: Kahulugan, Mga Halimbawa, at Mga Epekto“)
Copyright by Celine De Guzman/MyInfoBasket.com