Kasaysayan ng Pagkabuo ng Konsepto ng Sustainable Development
© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Natatalakay ang kasaysayan ng pagkabuo ng konsepto ng sustainable development
Sinasabi ng website na SustainableDevelopmentInfo.com na ang sustainable development bilang konsepto ay nagsimula noong 1969 bilang bahagi ng National Environment Policy Act (NEPA), batas pangkapaligiran ng Estados Unidos na pinagtibay noong Enero 1, 1970. Ang NEPA ay tinatawag ding “Environmental Magna Carta” ng kanilang bansa.
Ang ibang sanggunian naman ay nagsasaad na ang sustainable development ay pormal na nagsimula sa World Commission on Environment and Development (WCED).
Nabuo noong 1983, ito ay tinatawag din na Brundtland Commission, sunod sa pangalan ng chair nito nuon na si Gro Harlem Brundtland. Layon ng komisyon na tugunan ang lumalawak at bumibilis na pagkasira ng kalikasan bunga ng kaunlaran.
Ang Brundtland Commission ay nagbigay-daan upang kilalanin ng United Nations General Assembly ang suliraning pangkapaligiran dulot ng pag-unlad bilang isang pambuong-daigdig na suliranin.
Noong 2005, nagkaroon ng United Nations Division for Sustainable Development. Ipinahayag ng UN na makatwirang lumikha ang lahat ng nasyon ng mga programa at polisiya ukol sa likas-kayang kaunlaran.
Noong 1992, sinang-ayunan ng iba’t-ibang bansa ang konseptong likas-kayang kaunlaran sa idinaos na Conference on the Environment o ang Earth Summit, sa Rio de Janeiro, Brazil.
Binuo at pinagtibay sa kumperensyang ito ang Agenda 21, na naglalayong isama sa mga pangunahing patakarang pangkaunlaran ang mga isyung pangkalikasan … ituloy ang pagbasa
© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
Also Check Out: Why I Am Not an Evolutionist
KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap gamit ang search engine ng https://myinfobasket.com/):
Ang Kaugnayan Ng Mga Gawain At Desisyon Ng Tao Sa Pagbabagong Pangkapaligiran
Kaugnay: Nuclear Power as Philippines’ Main Source of Electric Energy: Better or Danger?
SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”
*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa
ALSO CHECK OUT:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog
NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.