Karanasan na nagpapakita ng pagkakaiba ng katotohanan at opinyon

© Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio

Importanteng makapagsuri ng karanasan o sitwasyon na nagpapakita ng pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon lamang. Ang “fact” o katotohanan ay isang pahayag na totoo at maaaring maipakitang napatunayan o nakumpirma na. Sa ibang salita, ang fact ay totoo at tama kahit ano pa ang mangyari.

Sa kabilang dako, ang opinion ay isang pahayag na may elemento ng paniniwala lamang. Sinasabi nito, halimbawa, ang nararamdaman ng isang tao ukol sa isang bagay o pangyayari. Ang opinyon ay hindi laging totoo at hindi laging maaaring mapatunayan.

Para sa English discussion ng topic na ito, basahin ang: Distinguish Opinion from Truth

Ayon sa sa Webster’s Dictionary, ang fact ay “anumang ginawa o nangyari; anumang bagay na talagang umiiral; anumang pahayag na istriktong totoo; katotohanan; realidad,” samantalang ang opinyon ay isang bagay na “nagpapakita ng paniniwala, pananaw, saloobin, o palagay.”

Narito ang ilang mga halimbawa ng mga fact at opinyon:

Fact (katotohanan):

May balahibo ang mga aso.

Ang Beatles ay isang banda.

Ang huling araw ng taon ay Disyembre 31.

Opinyon:

Ang balahibo ng aso ay maganda.

Mahuhusay ang mga kantang inawit ng Beatles.

Disyembre 31 ang pinakamagandang araw ng taon.

Kung ang mga fact ay totoong mga pahayag, ang opinyon ay hindi. Ang opinyon, kung gayon, ay isa lamang subhetibong pahayag (subjective statement) at ang fact naman ay obhetibong reyalidad (objective reality).

Sa madalas na mga pagkakataon o sitwasyon na tayo ay nagbubulalas lamang ng emosyon, ang ating nalilikha ay opinyon at hindi katotohanan. (Copyright © 2014-present Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio)

Also Check Out: From Socrates to Mill: An Analysis of Prominent Ethical Theories, also by author Jensen DG. Mañebog

Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:

– 2.2. Nakapagsusuri ng isang karanasan na nagpapakita ng pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon lamang (PPT11/12PP-Id-2.2)

Note: Teachers may share this as a reading assignment of their students. For other free lectures like this (especially for students), visit Homepage: Introduction to the Philosophy of the Human Person

*Free lectures on the subject Pambungad sa Pilosopiya ng Tao

Read also: Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog

Philosophy of Man Articles:

Distinguish Opinion from Truth

Do a philosophical reflection on a concrete situation from a holistic perspective

Realize the Value of Doing Philosophy in Obtaining a Broad Perspective on Life

Distinguish a Holistic Perspective from a Partial Point of View (Holism vs Partial Perspective)

The Blind Men and the Elephant: Attaining a Holistic Perspective

Mga Libreng Lektura para sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao:

Nakikilala ang pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon

Karanasan na nagpapakita ng pagkakaiba ng katotohanan sa opinyon lamang

Ang Pagkakaiba ng Pangkabuuang Pananaw at Pananaw ng mga Bahagi Lamang

Ang Halaga ng Pamimilosopiya sa Pagkakaroon ng Malawakang pananaw

Pagmumuni-muni sa Suliranin sa Pilosopikong Paraan at Pamimilosopiya sa Buhay

Also read: From Socrates to Mill: An Analysis of Prominent Ethical Theories by Jensen DG. Mañebog