Kapitalismo: Kahulugan, Dahilan, at Epekto

Ano ang Kapitalismo?
© Jensen DG. Mañebog at Marissa G. Eugenio

Ang kapitalismo ay isang uri ng sistemang panlipunan at pampulitika (socio-political system).

Ang teoriyang purong sistemang kapitalista ay nagpapahayag na ang malayang kompetisyon ay magbubunga ng pinakamabuting alokasyon ng kakaunting pinagkukunan, pinakamalaki at episyenteng produksiyon, at pinakamababang presyo ng kalakal at serbisyo.

Sa sistemang ito, ang mga pasya kung ano ang mga dapat gawin ay likas na nabubuo habang ang mga mamimili at mga negosyo ay nagkakaroon ng ugnayan sa pamilihan, kung saan ang presyo ng isang bagay ay labis na naiimpluwensiyahan ng kung magkano ang ginugol para gawin ito at kung magkano payag ang tao na magbayad para rito.

Dito, ang mga negosyo ay karaniwang sinisimulan ng mga indibidwal o boluntaryong grupo ng mga tao.

Kapag kailangan ng isang tao ang mas malaking puhunan kaysa sa mayroon siya (gaya ng para sa pagtatayo ng pabrika), ang mga ito ay maaaring makuha sa iba, sa pamamagitan man ng pangungutang sa bangko o pagbebenta sa ibang tao ng pag-aaring shares sa negosyo.

Sa sistemang ito, ang mga tao ay nauudyukan ng matinding personal na motibasyon na makipagkumpetensiya.

Kaya naman sa sistemang ito, naghahangand ang mga negosyante na magkaroon ng pribadong pagmamay-ari ng mga produktibong mapagkukunan (gaya ng lupa, pabrika, at mga barko) at kaunti lamang na pakikialam ng gobyerno sa produksiyon at pagpapalitan.

Sa teoriyang kapitalista, sinasabing ang inisyatibo, talento, at sipag ay ginagantimpalaan ng pagtatagumpay at yaman, at ang karapatang pampulitika at pang-ekonomiya ng mga indibidwal ay napuprotektahan.

Ganunpaman, sinasabing bihira na ang kompetisyon ay maging totoong pantay sa purong sistemang kapitalismo dahil para sa alinmang pinagkukunan, produkto, o serbisyo, may tendensiya na ang iilang malalaking korporasyon o unyon ang may monopolyo ng pamilihan na silang nagpapataw ng presyo nang higit sa pahihintulutan sa malayang kompetisyon.

Idagdag pa na ang ilang diskriminasyon sa lipunan (halimbawa, laban sa minorya at kababaihan, pabor sa mga kaibigan at kamag-anak) ay lalong nagpapalabo ng idealism ng malayang kopetisyon.

At kahit pa episyente ang sistema, nagdudulot ito ng pagiging sobrang mayaman ng iilang indibidwal samantalang ang iba naman ay sobrang mahirap … ituloy ang pagbasa

*May hinahanap ka bang assignment o ibang paksa (Tagalog or English)? Hanapin dito:

Copyright © Jensen DG. Mañebog at Marissa G. Eugenio

Also Check Out: The Worldview of Atheism by Jensen DG. Mañebog

Kaugnay na lektura (mahahanap sa search engine ng MyInfoBasket.com):
Sosyalismo: Kahulugan, Epekto, at Kahinaan

Read: Marxism and Communism: The Real Score