Mga Pandaigdigang Krisis: Dahilan ng Unang Digmaang Pandaigdig

May ilang krisis na naganap sa mga bansa bago pa ang 1914. Ang mga ito ay kabilang sa naging sanhi sa agarang pagsiklab ng Unang Digmaang Pagdaigdig.

a. Ang krisis sa Bosnia (1908-09)

Ang Bosnian crisis ay naganap noong 1908-09. Kilala rin ito sa kasaysayan bilang Annexation Crisis o The First Balkan Crisis.

Idineklara ng Austria-Hungary ang pagsakop nito sa Bosnia at Herzegovina noong Oktubre 8, 1908. Ang mga teritoryong ito na nasa loob ng soberanya ng Imperyong Ottoman ay hinangad din ng Serbia, na nang magalon ay kinampihan ng Russia sa hidwaan nito sa Austria.

b. Mga krisis sa Morocco (1905-06, 1911)

Ang Moroccan crisis ay tumutukoy sa dalawang magkahiwalay na panahon na internasyunal na krisis (1905-06, 1911). Ito ay ukol sa tangka ng Pransiya na kontrolin ang Morocco. Tutol ditto ang Alemanya kaya nagkaroon ng alitan o krisis, na dahilan din upang maglaban ang dalawa sa WWI.

c. Panslavism

Ang Panslavism ay kilusang makabatay sa prinsipyong ang lahat ng mga nagsasalita ng wikang Slaviko ay kabilang sa iisang bansa. Ito ay naghahangad na magtayo ng pinag-isang estado ng Slav o isang pederasyon ng Slav. Bahagi ng Panslavism ng mga programa at gawaing nagnanais paglapitin ang mga wika at kulturang Slav at gawing establisado ang nasyonalismong Panslav.

Ang Panslavism ay reaksiyon ng Slavic people sa nangyari sa Balkan sa kasaysayan. Sa maraming siglo ay pinamunuan ito ng mga imperyong hindi naman Slavic, gaya ng Byzantine Empire, Austria-Hungary, Ottoman Empire, atVenice.

Ang Pan-slavism at ang hinahangad na kalayaan ng Bosnia mula sa kamay ng Austria-Hungary ang nag-udyok kay Gavrilo Princip na paslangin si Franz Ferdinand, archduke ng Austria.

Ang Panslavism ay sanhi ng mga hidwaan sa mga rehiyon ng Balkan. Ang Panslavism at ang Balkan wars ay ilan sa nagpasiklab sa Unang Digmaang Pandaigdig.

d. Ang Balkan Wars (1912-13)

Ang Ottoman Empire ay inalis sa mga rehiyon ng Europa ng Balkan League (Serbya, Bulgarya, Gresya, at Montenegro) sa unang Balkan war.

Subalit ang dating magkakasangga na mga kapangyarihan ay naglaban-laban sa Ikalawang Digmaang Balkan, dahil sa agawan sa mga naiwang teritoryo ng Ottoman. Nakipaglaban ang Serbya, Gresya, at Rumanya sa Bulgarya, dahil sa hatian sa kanilang magkakasamang pananakop sa Macedonia.

Dahil sa Balkan Wars, nahiwalay ang Bulgarya sa Rusya. Mahalagang kaalyado dati ng Russia ang Bulgarya sa Balkan hanggang 1913. Malapit lang ang Bulgarya sa Konstantinopla, kaya naman ang base ng Russia rito ay nakapagbibigay ng presyur sa rehiyong ito.

Lamang, nabigo ang Rusya na mamagitan sa sigalot ng Bulgaria at Serbia ukol sa hatian sa Macedonia. Nang matalo ang Bulgarya sa Ikalawang Digmaang Balkan, kumalas ito sa kaugnayan nito sa Russia at kumampi sa Triple Alliance.

Dahil dito, ang Serbya na lamang ang natirang alyado ng Rusya sa rehiyong Balkans. Kaya nang magbanta ang Austria-Hungary sa Serbia noong Hulyo 1914, kinailangang kampihan ito ng Russia sa takot na tuluyan itong mawalan ng kaalyado sa rehiyon.

Dati na ring may sigalot ang Austria-Hungary at Serbia. Gusto ng mga Slavs na ihiwalay ang mga South-Slav na lalawigan ng Austria-Hungary upang maisama ang mga ito sa Yugoslavia. Natural na ayaw ito ng Austria.

 Nais nuon ng Montenegrins at Serbs  na sakupin ang Albanya. Tumutol ang Austria-Hungary sa hangarin ng dalawang estadong Slavic na ito. Napilit ng Austria na isuko ng Serbia ang layong pananakop sa Albanya, subalit dahil dito ay labis na nagtanim ng galit ang Serbia sa Austria.  

Ang mga sigalot na ito sa Balkan ay humantong sa Unang Digmaang Pandaigdig, na sumiklab matapos patayin ng isang Serbiano ang Austriyanong tagapagmana ng trono noong Hunyo 28, 1914. Ang asasinasyon ay nagbigay-dahilan sa Austria-Hungary sa matagal na nitong gusto na pandirigma sa Serbia. Ang resulta ay ang Unang Digmaang Pandaigdig … ituloy ang pagbasa

Kaugnay: Mga Dahilang Nagbigay-daan sa Unang Digmaang Pandaigdig

Read Also:
The Interesting Tales of the Jose Rizal Family
 by Jensen DG. Mañebog