Ilang Paraan Upang Malutas ang Unemployment
Copyright by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
Ang unemployment ay ang kawalan ng isang tao ng trabaho o hanapbuhay.
Ang unemployment ay maaaring voluntary o involuntary. Ang voluntary unemployment ay nagaganap kapag kusang iniwanan ng isang indibidwal ang kanyang kasalukuyan trabaho, halimbawa ay upang maghanap ng iba pa. Ang involuntary unemployment naman ay isang sitwasyon kung saan ang isang tao ay inalis sa kanyang trabaho.
Narito ang ilan sa mga mungkahi upang malutas ang suliranin ng unemployment:
1. Angkop na edukasyon at pagsasanay
Upang masolusyunan ang hindi pagkakatugma ng trabaho sa kurso o pagsasanay na natatapos ng mga kabataan, may mga paraang nararapat gawin upang makakuha ng angkop na edukasyon at pagsasanay. Maaari nilang alamin kung anong industriya ang nagtatagumpay at umuusbong sa kanilang lugar.
Halimbawa, kung ang bayan o lalawigan kung saan nakatira ay may mga pabrika para sa semikonduktor, maaaring pag-aralan ang ukol sa ganung industriya.
2. Pagpapaunlad sa peace and order sa bansa
Umuurong ang mga investor, dayuhan man o lokal, kapag magulo sa isang bansa. Dapat din maging matalino ang mga unyon sa mga pagpapasya at pagkilos upang hindi mawalan ng gana ang mga namumuhunan, na magdudulot ng pagkawala ng mga trabaho.
3. Paglikha ng gobyerno ng maraming trabaho
Kailangang matiyak ng ating gobyerno na lilikha ito ng mas maraming trabaho. Sa rehimeng Duterte, ang programang “Build Build Build” ay inasahang magdudulot ng “Jobs Jobs Jobs,” dahil inasahang magbibigay daan ito sa masiglang kalakalan sa Pilipinas.
Malaking tulong sa ekonomiya ng bansa kung ang mga mamamayan ay mapagkakalooban ng hanapbuhay ng gobyerno.
Para sa talakayan ng mga estudyante ukol sa paksa, sangguniin ang nasa link.