Iba’t Ibang Salik Na Nagiging Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Diskriminasyon Sa Kasarian
© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Nasusuri ang iba’t ibang salik na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng diskriminasyon sa kasarian
Nangyayari sa ilang sektor ng lipunan ang diskriminasyon sa gender. Ang mga sumusunod ay ilang mga salik na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng diskriminasyon sa gender at sex:
1. Kultura
Sa maraming kultura, ang mga babae ay karaniwang itinuturing na mas mababa kaysa mga lalaki. Ang tawag sa mga ito ay male-dominated culture. May mga kultura rin na hindi tanggap ang anomang uri ng “third sex” o ang mga miyembro ng LGBTQ.
Ang paglihis sa tradisyonal na paniniwala na dalawa lang ang marapat na sekswalidad ay nagbubunga ng diskriminasyon.
2. Relihiyon
Ang mga banal na kasulatan ng maraming relihiyon ay tila ipinakikilala rin ang kababaihan na mas mababa sa kalalakihan. Lalo na sa pamilya, ang mga lalaki ang dapat mamuno at sundin at bahagi ng panrelihiyong pananagutan ng mga babae ang sumunod at magpasakop.
Ang mga gawaing sekswal ng mga homosekswal ay tuwirang ipinagbabawal sa maraming relihiyon.
3. Pisikal na anyo
Ang mga kababaihan ay karaniwang nakikitang mas maliliit, mababagal, at mahinhin kumpara sa mga kalalakihan. Dahil dito, may kaisipan na mas mahinang kasarian ang babae.
Ito ay nagiging sanhi ng diskriminasyon, at kung minsan ay pang-aabuso, sa mga kababaihan.
4. Oportunidad sa edukasyon
Sa ilang dako at yugto ng panahon, may mga kurso na itinuturing na nababagay lamang sa mga lalaki at hindi maaaring pasukin ng mga babae.
Halimbawa, ang abogasya at pag-iinhinyero ay dating panglalaki lamang sa ilang bansa (samantalang ang nursing naman ay para sa kababaihan lamang). Ito ay taliwas sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian at nagiging sanhi ng diskriminasyon.
5. Oportunidad sa trabaho
May mga uri ng propesyon o hanapbuhay na kinikilalang nababagay lamang sa isang kasarian. Ang mga trabahong mabibigat, mahihirap, at kumplikado ay kinikilala na pang-lalake lamang dahil sila umano ang malalakas.
Kung ang kaakibat ng mga ito ay mataas na sahod, nagpapalaki ang sistemang ito sa pangkabuhayang agwat sa pagitan ng mga kasarian … Ituloy ang pagbasa
Read: Why Boyfriends and Girlfriends find it hard to talk to each other
*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu na nais mong hanapin (e.g. migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:
Copyright © by Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
Also Check Out: From Socrates to Mill: An Analysis of Prominent Ethical Theories, also by author Jensen DG. Mañebog