Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig

Anu-ano ba ang mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig? Talakayin natin ang epekto nito sa mga tao, sa politika, mga bansa, at buong mundo.

Natapos ang Unang Digmaang Pandaigdig nuong Nobyembre 11, 1918.

Nagsimula ang World War I (WW1) na ito noong ika-27 ng Hulyo, 1914, matapos paslangin si Archduke Franz Ferdinand, na nagsilbing tuwirang mitsa ng pandaigdigang giyera.

Isang pangmundong sagupaan at labanan na nagpasimula sa Europa ang Unang Digmaang Pandaigdig (WWI). Ito ay tinawag rin bilang Dakilang Digmaan, at Ang Digmaan upang Wakasan ang Lahat ng mga Digmaan).

Epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa tao

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay gumamit ng mga makabagong teknolohiyang pangmilitar at ng trench warfare, kaya naman marami ang taong namatay.

Higit sa 70 milyong tauhang militar, kasama ang 60 milyong taga-Europa, ang nasangkot sa malaking digmaang ito. Pagkatapos ng labanan, humigit-kumulang 9 na milyong mga sundalo at pitong milyong mga sibilyan ang namatay sa nasabing WWI, kasama ang mga bikitma ng genocides.

Naging malaganap ang sakit at gutom na nagpasidhi sa paghihirap ng mga tao. Sa kabuoan, mahigit na 16 milyong mga tao ang namatay sa digmaan.

Bukod dito, lubhang maraming ari-arian ang naiwang wasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka at iba pang pangkabuhayang gawain.

Epekto ng World War I sa pulitika, sa mga bansa, at sa mundo

Ang WWI ay natala sa kasaysayan bilang matinding labanang hindi malilimutan at ito ay nagbunga ng malaking pagbabago sa pulitika sa mundo. Kung tutuosin, ang magkatunggaling alyansa sa WWI ay parehong talunan dahil bawat bansang nasangkot ay nagkaroon ng malunhang kasiraan.

Nasira o nawasak ang maraming bahagi ng mga bansa.

Nagwakas man ang labanan, subalit ang mga epekto nito ay patuloy na naramdaman pagkatapos ng mga tunggalian. Sa ginawang paggugol sa digmaan, naubos ang pondo ng mga bansa sa Europa. Humigit-kumulang sa 200 bilyong dolyar ang kabuoan ng nagastos sa digmaan.

Nagbago ang mapa ng Europa dahil sa WWI. Ang Austria at Hungary ay tuluyang nahati o nagkahiwalay. Naging Malaya naman ang Finland, Czechoslovakia, Yugoslavia, Latvia, Estonia, Lithuania, at Albania. Nagwakas ang apat na imperyo sa Europa ang nagwakas: ang Romanov ng Russia, at Ottoman ng Turkey, Hohenzollern ng Germany, at Hapsburg ng Austri-Hungary.

Nang matapos ang digmaan, nagwagi ang Alyadong Pwersa (Allied Powers). Subalit ang mga hidwaan sa WWI ay di lubusang natuldukan nuong Nobyembre 11, 1918, bagkus ito ay nagbunga ng mga rebolusyon sa maraming mga kasangkot na bansa.

Ang mga hindi naresolbang pagtatalo at sigalot nuong WWI ay naging sanhi naman ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na sumiklab pagkaraan ng 21 taon … ituloy ang pagbasa

Kaugnay: The PHILIPPINE INDEPENDENCE DAY

*Kung may paksa sa Kasaysayan ng Daigdig na nais mong hanapin (e.g. WWII, Rizal, Bonifacio, etc), i-search dito:

Read Also:
The Interesting Tales of the Jose Rizal Family
 by Jensen DG. Mañebog