Epekto Ng Prostitusyon At Pang-Aabuso Sa Buhay Ng Tao Sa Pamayanan At Bansa

© Marissa G. Eugenio & Vergie Eusebio/ MyInfoBasket.com

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Nasusuri ang epekto ng prostitusyon at pang-aabuso sa buhay ng tao sa pamayanan at bansa

Mahalagang nasusuri ang epekto ng prostitusyon at pang-aabuso sa buhay ng tao sa pamayanan at bansa. Ang mga ito ay karaniwan ng negatibo o hindi maganda.

Mga Epekto o Bunga ng Prostitusyon at Pang-aabuso

May masasamang epekto ang prostitusyon sa indibidwal at sa lipunan. Narito ang ilang halimbawa:

1. Ang prostitusyon ay isang anyo ng karahasan laban sa mga kababaihan. Ang paglaganap ng prostitusyon ay tila nangangahulugan na pinahihintulutan ng lipunan ang karahasan sa mga kababaihan.

2. Ang prostitusyon ay humahantong sa malubhang pangmatagalang negatibong epekto sa mga prostitutes, tulad ng trauma, stress, depresyon, pagkabalisa, self-medication sa pamamagitan ng alkohol at paggamit ng droga, eating disorders, pananakit sa sarili, at pagpapakamatay.

3. Naipalalaganap nito ang maling kaisipan na ang seks sa labas ng kasal o kaswal na seks ay ayos lamang at hindi nakakahiya.

4. Ang prostitusyon ay isang anyo ng pagkaalipin at humahantong sa pagtaas ng bilang ng sekswal na karahasan laban sa kababaihan, panggagahasa, at minsan ay pagkamatay.

5. Ang mga prostitute ay itinuturing bilang bagay na nagbibigay ng pinansiyal na kita sa bugaw. Ang mga kababaihan sa prostitusyon ay tinitingnan bilang kalakal na pinagkakakitaan sa sekswal na kasiyahan. Dahil sa prostitusyon, bumababa ang tingin sa mga sangkot dahil sila’y tila kalakal lamang na ibinebenta.

6. Sinisira nito ang pag-iisip at diwa ng mga babae. Matapos silang pisikal na kontrolin o abusuhin, ginagamitan sila ng mga bugaw ng sikolohikal na manipulasyon at brainwashing. Minsan ay nilalagyan sila ng tattoo bilang simbolo ng pagiging nasa ilalim ng kapangyarihan ng bugaw.

Ang lahat ng ito ay may epekto sa pag-iisip ng babae, na nagreresulta sa matinding galit sa sarili, na namamalagi matapos silang humiwalay sa prostitusyon.

7. Ikinukulong nito ang babae sa stigma, opresyon, at marginalization. Ang mga prostitute ay nagdurusa mula sa karagdagang stigma at pang-aapi ng lipunan sa pangkalahatan, at madalas na winawalang halaga. Hindi sila sineseryoso, sila ay madalas dinidiskrimina, at nananatili silang “markado” sa komunidad.

8. Ang prostitusyon ay nakasisira sa relasyong mag-asawa at sa pamilya. Karaniwang hindi matatag, at minsan ay dysfunctional pa, ang pamilya ng sangkot sa prostitusyon.

9. Ang prostitusyon ay nagbubunga ng unwanted pregnancy. Malamang na ang nabubuong anak ay masadlak rin sa kahirapan o maging pasanin ng pamahalaan.

Ang hindi inaasahang pagbubuntis ng prostitute ay sanhi ng isa pang krimen—ang pagpapalaglag.

10. Ang prostitusyon ay nagbubunga ng paglaganap ng sexually transmitted diseases gaya ng AIDS … ituloy ang pagbasa

Narito naman ang ilang halimbawa ng masamang epekto ng pang-aabuso

*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu na nais mong hanapin (e.g. migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:

Copyright © by Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

Also Check Out: Why I Am Not an Evolutionist 

=====

Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Pagpapaunlad ng Pananampalataya Tungo sa Pakikipagkapuwa