Epekto ng Pakikilahok sa mga Gawain at Usaping Pampulitika

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Nasusuri ang epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa mga gawain at usapin pampulitika

Suriin natin ang epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa mga gawain at usaping pampulitika. Narito ang ilang epekto sa tao at lipunan ng political socialization:

1. Sa pamamagitan ng political socialization, ang mga indibidwal ay nakabubuo ng kanilang pampulitikang perspektibo na kanilang ginagamit upang suriin kung tama ba ang sistemang pampulitikang umiiral sa kanilang lipunan.

2. Nakatutulong ito para maunawaan nila ang kanilang papel sa lipunan at kung paano sila dapat kumilos sa mga institusyong pampulitika kung saan sila naninirahan.

3. Hinuhubog nito ang mga opinyon at saloobin ng mga tao tungkol sa mga bagay na pampulitika tulad ng hatian ng teritoryo, digmaan, nasyonalismo, at pagiging makabayan.

4. Nakalilikha ito ng concern para sa lipunan at nakapag-uudyok din sa mga tao na itaguyod ang mga karapatan gaya ng ukol sa malayang pagpapahayag.

5. Nakabubuo ang political socialization ng public opinion ukol sa mahahalagang isyu.

6. Tumutulong ito sa paglikha ng malawak na pagkakasundo sa mga pangunahing demokratikong prinsipyo gaya ng ukol sa pagkakapantay-pantay at patas na mga oportunidad.

7. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng kooperasyon at pagtutulungan sa pagitan ng gobyerno at mga mamamayan.

8. Sa political socialization ay naipahahayag ng mga tao ang kanilang saloobin at mula rito ay nasusukat ng mga nasa pamahalaan kung mabisa ang kanilang mga plataporma.

9. Sa pamamagitan ng political socialization ay mararamdaman ng isang indibidwal na hindi siya nag-iisa bagkus ay mahalagang bahagi siya ng isang bansa.

10. Magkakaroon ang tao ng kamulatan sa pampolitikang kondisyon ng kaniyang bansa at lalalim ang kaniyang pagkaunawa tungkol sa mahahalagang isyung panlipunan … ituloy ang pagbasa

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

Basahin: Mga Ideolohiyang Politikal

Read Also:
The Interesting Tales of the Jose Rizal Family
 by Jensen DG. Mañebog