Dyornal: Kahulugan at Halimbawa para sa mga Estudyante at Kabataan
Ang artikulo na ito ukol sa ‘dyornal kahulugan’ at ‘dyornal halimbawa’ ay mahalaga sa pansariling kaunlaran. Tumutugon ito sa Kasanayang Pampagkatuto na: Nakagagawa ng dyornal (diary) ng pagkilala sa sarili.
Dito ay ituturo rin kung paano ang paggawa ng dyornal (journal), lalo na sa panig ng mga mag-aaral at mga adolescents.
Maari mong panuorin ang short educational video o ituloy ang pagbasa. Nota: Para magkaroon ng FULL ACCESS sa video, mag-SUBSCRIBE muna (kung hindi ka pa naka-subscribe):
Ang kahulugan ng dyornal (‘dyornal kahulugan’)
Sa simpleng salita, ang kahulugan ng dyornal ay talaarawan. Ito ay tumutukoy sa journal (dyornal sa Tagalog).
Ang pansariling dyornal o diary ay pribadong talaan ng mga pangyayari, kaisipan, damdamin, atbp., na isinusulat araw-araw.
Ang dyornal ay maaaring isang aklat, kuwaderno, o kauri ng mga ito.
Malaki ang maitutulong ng paggawa at pagtatabi ng dyornal para sa pagkilala sa sarili. Ito ay lalo na kung may nais kang baguhin sa iyong sarili o lutasing problema.
Ang pagdodokumento ng mga bagay-bagay ukol sa iyong sarili sa pamamagitan ng pagtatala ay makakatulong. Ito ang isa sa mga katangian ng dyornal.
Kaugnay ng halaga ng pagkilala sa sarili para sa personal na paglago, sangguniin ang: Pagkilala sa Sarili: Mahalaga sa Pansariling Kaunlaran (Personal Development) at ang Explain that knowing oneself can make a person accept his/her strengths and limitations and dealing with others better
Ang dyornal ng pagkilala sa sarili
Sa pamamagitan ng dyornal ay magkakaroon ka ng kamalayan kung anu-ano ang iyong mga ginagawa. Mula sa mga entris ng dyornal mo ay maaari mong mabakas kung saan nagmumula ang mga problema.
Kung itatala mo ang mga bagay tulad ng iyong paglalaro sa computer, paggamit ng social media, pagkain, o pagtulog, maaari mong makita ang isang malaking trend ng iyong mga gawi. Mula rito ay makikita mo ang mga maaari mong iwasto.
Para lalo mong maunawaan ang ukol sa iyong kasanayan sa pagpapasya, maaari mong itala sa iyong dyornal ang iyong ginawang pagdedesisyon. Kalakip mong itala ang inaasahan mong ibubunga nito.
Pagkalipas ng ilang panahon, maaari mong balikan ang iyong tala. Ito ay upang matukoy mo kung ang iyong naging pasya ay nakabuti ba o nakasama.
Para sa lubos na pagkilala sa sarili ng mga teenagers, maaaring basahin ang: Adolescent Stage of Development: Understanding what is happening among teenagers o ang Knowing Oneself: A Must for Adolescents’ Personal Development
Halimbawa ng dyornal (o ‘dyornal halimbawa’)
Magbigay tayo ng halimbawa ng dyornal tungkol sa sarili. Maghanda ng isang makapal na kuwaderno o kauri nito. Gamitin ito para maghanda ng pansariling dyornal o diary.
Maaaring sundan ang paresan sa ibaba. Tiyaking araw-araw ay nakapagtatala ka ng entris ng dyornal mo. Ito ay magsisilbing saksi sa iyong paglalakbay bilang isang nagbibinata o nagdadalaga.
Petsa | Hindi pangkaraniwang karanasan, damdamin, kaisipan, katangian, o gawi na naipamalas o naranasan | Mahalagang pagdedesisyon na ginawa | Aral na natutunan |
Halimbawa Agoeto 1, 2021 | Nakapagsalita ako nang masakit sa aking kaibigan. | Ipinangako ko sa aking sarili na agad humingi ng tawad kapag ako ay may nasaktan. | Dapat na maging mahinahon kahit na may problema. |
Suhestiyon ukol sa paggawa ng dyornal
Ang pagtatala sa dyornal ay itaguyod mo hanggang sa huling araw ng iyong klase. Panaka-naka ay ipasuri sa iyong guro (adviser), magulang, guardian, o matalik na kaibigan ang iyong dyornal.
Paminsan-minsan ay maaari mong ibahagi sa kakilala ang ilang mahahalagang tala sa iyong dyornal.
Sa panig ng mga guro, maaaring magpagawa ng dyornal sa mga estudyante bilang kinakailangan o requirement sa kurso. Maaaring ipabahagi sa klase ang ilang mahahalagang entry sa dyornal ng mag-aaral. (Kaugnay: Some Ways to Become a Responsible Adolescent)
Konklusyon ukol sa dyornal
Ang dyornal ay hindi lamang isang libro kung saan nakatala ang ating mga buhay. Ito ay isa ring kagamitang makatutulong sa atin upang magkaroon ng ebalwasyon sa ating sarili at mapaunlad ito.
Masusuri natin ang ating mga sarili sa pamamagitan nito. Kapag binalik-balikan ang mga naitala rito, mayroong matututuhan tungkol sa sarili na makapagbibigay ng unawa.
Mahalaga ito sa mga adolescent sa kritikal na yugtong ito ng buhay nila. Sa mga nagbibinata at nagdadalaga ay magiging mahalaga ang pagkakaroon ng dyornal.
Ito ay upang mabalikan nila ang paglalakbay nila mula nagbibinata/nagdadalaga hanggang sa pagsapit sa sapat na gulang o adulthood. (Kaugnay: Ways to Become a Responsible Adolescent Prepared for Adult Life)
SA MGA MAG-AARAL: Maaaring ilagay ang inyong assignment/comment dito sa comment section ng Dyornal: Kahulugan, Halimbawa, at Kahalagahan para sa mga Kabataan
*Kung may paksa sa Pansariling Kaunlara o Personal Development na nais mong hanapin (Tagalog man o English), i-search dito:
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
*Mahahanap ang mga kaugnay na paksa sa search engine sa itaas.
Basahin: Kagandahang Asal Sa Kabataan: Isang Tula
SA MGA GURO:
Maaaring itong ipa-online reading assignment o e-learning activity sa mga mag-aaral, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang essay na [buong title ng artikulo]. Unawain ang laman. I-share sa social media account* kalakip ng iyong simpleng paglalagom sa essay. I-screen shot ang post mo at ipasa sa teacher.”
*Maisi-share ang lekturang na ito sa social media tulad ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at mga kauri nito.
=====
Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Dyornal: Kahulugan, Halimbawa, at Kahalagahan para sa mga Kabataan