Anyong Lupa at Tubig: Mga Tanyag sa Pilipinas
Maipagmamalaki ang kultura at mga lugar sa mga rehiyong kinabibilangan sa Pilipinas sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan. Ang totoo, ang isang paraang ng pagpapakilala at pagmamalaki sa kulturang Pilipino ay ang ipakilala at ipagmalaki ang tourist spots ng iba-ibang rehiyon sa bansa.
Basahin din: Kultura ng Pilipinas: Ang Pagkakakilanlang Kultural at mga Produkto ng Komunidad
Narito ang ilan sa mga tanyag o kilalang anyong lupa at anyong tubig sa Pilipinas:
ANYONG LUPA
Sierra Madre – Pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas
Sakop ng Sierra Madre ang hilagang-silangan na baybayin ng isla ng Luzon at ang maraming mga tubig na nagsisilbi sa mga katabing lupang agrikultura sa Gitnang Luzon at Lambak ng Cagayan. Nakaalalay din ito sa mga pangunahing mga imprastraktura, tulad ng mga irigasyon ng dam, utility ng tubig at mga planta ng kuryente sa Metro Manila at iba pang lungsod.
Mount Apo – Pinakamataas na bundok sa Pilipinas
Ang bundok o bulkan ng Apo o Apo Sandawa ay tinatawag na pinakamataas na bundok at itinuturing din na pinakamataas na bulkan sa Pilipinas. Ang kahulugan ng pangalan ng bundok na ito ay “Master” o “Grandfather”.
Ito ay makikita sa pagitan ng Lungsod ng Davao at Davao del Sur sa Rehiyon ng Davao, at Cotabato sa Soccsksargen. Ito ay isang Natural Park ng Pilipinas.Walang naitalang pagsabog nito subalit itinuturing itong isang natutulog na stratovolcano.
Mt. Pulag – Pinakamataas na Bundok sa Luzon
Itinuturing na pinakamataas na rurok ng Luzon at pangatlong pinakamataas na bundok sa Pilipinas ang Mt. Pulag o Mt. Pulog . Matatagpuan ito sa Benguet. Kilalang kilala ito sa mga hikers at trekker dahil sa angking ganda nito.
Chocolate Hills – pinakatanyag na burol sa bansa
Ang sikat na mga burol na Chocolate Hills ay matatagpuan sa lalawigan ng Bohol. Ang bilang ng mga burol ay tinatayang nasa 1,260. Kung tag-araw, ang mga burol ay kulay tsokolate ang mga burol at luntian naman kung tag-ulan.
Bulkang Mayon – pinakaperpektong kono ng bulkan sa mundo
Matatagpuan ang aktibong bulkang ito sa timog-silangan ng Luzon, sa Legaspi, Albay. Tinawag itong pinaka-perpektong kono dahil sa simetriya ng hugis nito.
Bulkang Taal – Pinakamaliit na bulkan sa mundo
Sa bayan ng Batangas matatagpuan ang Bulkang Taal na tinawag na pinakamaliit na bulkan sa mundo. Napapalibutan ito ng Taal Lake. Ang kauna-unahang tala ng pagputok nito ay taong 1911 kung saan mahigit kumulang isang libong buhay ang nasawi.
Ito ay muling sumabog noong Enero 12, 2020 na nagdulot ng mga pagkamatay at pagkasira ng mga ari-arian. Nitong Oktubre 2021, ay muling inilagay sa alert level ang bulkan dahil sa tila nagbabantang muling pagsabog.
Gitnang Luzon o Rehiyon 3 – Pinakatanyag at pinakamalawak na kapatagan sa Pilipinas
Ang bumubuo sa Rehiyon 3 o Gitnang Luzon ay ang mga probinsiya ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at Zambales. Sa mga lugar na ito ay malalawak ang mga kapatagan na nagsisilbing taniman ng bigas at iba pang mga pananim.
Ito ang pinagkukunan ng malaking produksiyon ng bigas sa Pilipinas. Dahil dito, tinawag itong “Banga ng Bigas ng Bayan” at “Ang Kamalig ng Palay ng Pilipinas.”
ANYONG TUBIG
Ilog Cagayan – Pinakamalaki at pinakamahabang ilog sa Pilipinas
Ang Ilog Cagayan o Rio Grande de Cagayan ay makikita sa rehiyon ng Lambak Cagayan sa hilagang-silangan ng Luzon. Ang dinadaluyan nitong mga lupain sa Lambak Cagayan ay tumataba kaya’t sumasagana ang mga pananim tulad ng mais, palay, niyog, saging at tabako.
Golpo ng Lingayen – Dito matatagpuan ang Hundred Islands National Park
Ang Golpo ng Lingayen ay matatagpuan sa Pangasinan, sa hilagang-kanlurang Luzon sa Pilipinas. Maraming mga pulo sa golpo at dito matatagpuan ang Hundred Islands National Park.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, dito naimbak ang mga armas at naging saksi sa digmaan sa pagitan ng mga Amerikano at Hapon.
Talon ng Maria Cristina – “Kambal na Talon”
Ang talon na ito ay matatagpuan sa Ilog Agus sa Mindanao. Tinatawag itong “kambal na talon” dahil hinihiwalay ng malaking bato ang daloy nito. Pangunahin itong pinagkukunan ng elektrisidad sa lugar.
Boracay Island – Isa sa pinakamagandang isla sa mundo
Ang Boracay ay matatagpuan sa Malay, Aklan, sa Western Visayas. Nakakuha ito ng pagkakilala sa mundo dahil sa natatangi nitong ganda. Ipinagmamalaki nito ang puti nitong buhangin. Sikat din itong puntahan ng mga turista dahil sa maraming aktibidad na maaaring gawin rito tulad ng snorkeling, scuba diving, windsurfing, cliff diving at kiteboarding.
Ang isa pang dinarayo sa lugar na ito ay ang kanilang night life kung saan maraming pakulo ang mga bars, restawran at night clubs.
Kaugnay: 20 Interesting Facts About Laguna
Copyright © by Celine de Guzman/MyInfoBasket.com
SA MGA MAG-AARAL:
Ilagay ang inyong assignment/comment dito: Ang Epekto ng Migrasyon sa Aspektong Panlipunan, Pampulitika, at Pangkabuhayan
=====
To post comment, briefly watch this related short video:
To STUDENTS:
Write your ASSIGNMENT here: Comments of RATIONAL STUDENTS or here: Mga Komento ng MASISIPAG MAG-ARAL