Ano ang Reproductive Health Law? Pabor ka ba o hindi?
Sa layuning maresolba ang ilang suliranin ukol sa populasyon at reproduction, ipinanukala ang batas ukol sa Reproductive Health.
Maraming oras ng talakayan at debate ang ginugol sa batas na ito at hinati nito ang opinyon ng mga mamamayan sa bansa.
Matapos ang mahabang mga pagtalakay, ito ay naisabatas at tinaguriang Republic Act No. 10354 o Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012, na mas kilala bilang RH Law o Reproductive Health Law.
Ang pangunahing layunin ng RH Law ay magbigay impormasyon ukol sa reproductive health at magkaroon ng daan upang mailapit sa mga tao ang mga pamamaraan sa pagkontrol ng pagbubuntis o contraception, fertility control, at pangangalaga sa mga ina o maternal care. Pakay nitong maalagaan ang kalusugan ng ina at ng kaniyang mga supling.
Mayroong mga sumalungat sa paglalaan ng pondo ukol sa batas na ito at sa pagpapatupad ng malawakang pamamahagi ng mga kagamitang ukol sa mabisang pagpaplano ng pamilya tulad ng birth control pills, condom, at IUD (intrauterine devices).
Naging batas ang RH bill noong Disyembre 21, 2012. Ganunpaman, noong Marso 2013 ay pansamantalang pinatigil ng Korte Suprema ang implementasyon nito dahil sa mga petisyon ukol sa diumano’y pagiging unconstitutional nito.
Noong Abril 8, 2014, ipinahayag ng Korte Suprema na ang RH Law ay “not unconstitutional” subalit pinawalang-bisa ang walong probisyon nito “partially or in full.”
Naging masalimuot ang pinagdaanan ng RH Law. Kabi-kabila ang naging mga diskusyon at pagtatalo ukol sa RH Bill at ang ilang tutol na mga grupo ay nagsagawa pa ng mga pagproprotesta o rally upang ipahayag ang kanilang pagsalungat.
At bagama’t ito ay naisabatas na, may mga pagtatalo pa rin ukol sa pagpapatupad ng RH Law … ituloy ang pagbasa
*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pang aralin na nais mong hanapin (e.g. migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:
Copyright by MyInfoBasket.com
Pabor ka ba sa RH Law o hindi? Bakit? Sa Mga ESTUDYANTE, ILAGAY ANG SAGOT DITO: Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu
Kaugnay: RH Bill: Online Voting and Open Friendly Debate
ALSO CHECK OUT:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog
IMPORTANT:
TO STUDENTS (and their friends/relatives): For your comments NOT to be DELETED by the system, pls SUBSCRIBE first (if you have not subscribed yet). Thanks.
=====
To post comment, briefly watch this related short video:
To STUDENTS: Write your ASSIGNMENT here: Mga Komento ng MASISIPAG MAG-ARAL