Ano ang Holistic Development? Aktibidad para sa mga Estudyanteng Nagbibinata at Nagdadalaga
Ang layunin ng katibidad na ito ay maturuan ang mga mag-aaral na mapabuti ang iba’t ibang aspeto ng holistic development ng isang nagbibinata o nagdadalaga o mga nasa “adolescence.”
Ito ay halimbawa ng aktibidad o gawain na maaaring ipagawa sa mga mag-aaral na tin-edyer o adolescents. (Kaugnay: Adolescence in Tagalog: Kahulugan (meaning and definition), Pagbabago (changes) at Syndrome)
Aktibidad para sa Holistic Development
Gamit ang panulat gaya ng lapis o ballpen, magtala ng iba’t-ibang paraan o payo upang mapabuti ang iba’t ibang aspeto ng holistic development sa gay among nagbibinata o nagdadalaga.
Gawing padron ang talahanayan sa ibaba. (Sa pagsagot dito, makatutulong na basahin ang: Mga Pagbabago sa Panahon ng Adolescence: Mga Aspeto ng Pag-unlad sa Buong Katauhan)
MGA ASPETO NG HOLISTIC DEVELOPMENT | |
Mga Pag-unlad (Development) | Paraan o Payo upang mapabuti ito |
Pisyolohikal (Pisikal na pag-unlad ng isang tao) | Halimbawa: Kumain ng masusustansiyang pagkain |
Kognitibo (mental, intelektwal, o serebral na pag-unlad) | Halimbawa: Patuloy na mag-aral |
Sikolohikal (mga pagbabago sa mga emosyon, damdamin, at paraan ng pag-iisip ng tao) | Halimbawa: Magkaroon ng positibong pananaw sa mga bagay-bagay |
Panlipunan (mga pagbabago sa paraan ng pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa isang partikular na yunit ng lipunan) | Halimbawa: Makisangkot sa mga panlipunang gawain o aktibidad |
Espirituwal (may kinalaman sa pagkilala at kaugnayan sa isang tao sa Diyos o anumang bagay na espirituwal) | Halimbawa: Magbulay ukol sa kahulugan ng buhay |
Talakayan at Pagbabahagi
Matapos sagutan ang talahanayan sa itaas, maaaring ipasagot sa mga estudyante ang mga sumusunod.
1. Naiintindihan mo ba kung ano ang tinutukoy na “holistic” development o pag-unlad ng isang nagbibinata/nagdadalaga? Ano ang iyong pagkaunawa?
2. Nahirapan ka bang magsaliksik ng mga paraan o payo upang mapabuti ang bawat aspeto ng pag-unlad? Bakit oo; Bakit hindi?
3. Sa iyong palagay, malaking tulong ba sa isang nagbibinata/nagdadalaga ang mga nasaliksik mong mga paraan?
Para sa dagdag aktibidad kaugnay ng paksa, sangguniin ang: Dyornal: Kahulugan at Halimbawa para sa mga Estudyante at Kabataan
Repleksiyon ukol sa Holistic Development sa Panahon ng adolescence
Ang yugto ng pagbibinata atpagdadalaga ay isang transisyon mula pagkabata hanggang sapat na gulang o adulthood.
Sapagkat sumasailalim ang mga nagbibinata at nagdadalaga sa maraming pagbabago, mahalagang matutunan kung paano mapabuti ang mga aspeto ng kanilang pag-unlad.
Mahalaga rin na sila ay magkaroon ng ‘holistic’ development o pag-unlad … ituloy ang pagbasa
Copyright © by Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com
Ang mga kaugnay na paksa ay mahahanap sa search engine sa taas: https:// MyInfoBasket.com/.
SA MGA GURO:
Subukan itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase. Gamitin ang ganitong panuto:
“I-search sa search engine ng MyInfoBasket.com o OurHappySchool.com ang artikulong [buong title ng artikulo]. Basahin at isagawa ang aktibidad. I-share ito sa iyong social media account* kasama ang iyong mga natutunan sa aktibidad. I-screen shot ang iyong post at isumite sa iyong guro.”
*Maaaring i-share ang post na ito sa social media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa.
Sa mga Estudyante:
Maraming mga libreng lektura sa site na ito, MyInfoBasket.com, na makatutulong sa iyo. Hanapin sa search engine sa itaas.
Basahin din:
Ang Aking Pagkaunawa sa Aking Iniisip, Nadarama, at Ikinikilos: Halimbawang Aktibidad
Mga Pagbabago sa Panahon ng Adolescence: Mga Aspeto ng Pag-unlad sa Buong Katauhan
Adolescence in Tagalog: Kahulugan (meaning and definition), Pagbabago (changes) at Syndrome
Some Ways to Become a Responsible Adolescent
Adolescent Stage of Development: Understanding what is happening among teenagers
Knowing Oneself: A Must for Adolescents’ Personal Development
Pagkilala sa Sarili: Mahalaga sa Pansariling Kaunlaran (Personal Development)
Pakikipagkapwa tao: Paano magkakaroon lalo na ang mga kabataan?
Pagtanggap sa mga kalakasan at kahinaan (strengths and weaknesses): Mahalaga lalo na sa adolescents