Ano ang Genogram? Paano ang Paggawa Nito?
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakagagawa ng genogram at natutukoy ang mga pisikal, pansarili, at pag-uugali ng pamilya sa bawat henerasyon.
Ang Genogram
Ang genogram ay isang larawan o ilustrasyon ng mga pampamilyang relasyon ng isang tao at kasaysayang mediko.
Ang genogram ay isang elaborasyon ng ‘family tree’ kung saan ipinapakita rin ang mga ‘hereditary patterns’ at mga relasyon sa mga miyembro ng pamilya.
Para sa ilang halimbawa, BISITAHIN ITO: Ang Genogram
Ito ay kilala rin bilang McGoldrick-Gerson study, Lapidus Schematic, o Family Diagram. Mapapakinabangan ang genogram sa pag-unawa sa mga predisposisyon ng isang indibidwal at ang mga impluwensya ng kanyang pamilya at mga kamag-anak sa kanyang pisikal na anyo, personalidad, at mga pag-uugali.
Ang higit na pagkakilala sa sarili sa pamamagitan ng genogram ay maaaring makatulong sa isang indibidwal upang mapagtanto niya ang kinakailangang mga pagsasaayos na dapat niyang gawin upang mas mapabuti pa ang kanyang pagkatao.
Paggawa ng genogram
Kung gagawa ng isang genogram, dapat magsanay ng kahinahunan at katapatan sa katotohanan upang ang genogram ay maging mas tumpak.
Dapat na tandaan na walang tama o maling genogram.
Ang isang tao ay dapat na maging matapang upang tanggapin ang impormasyon na lalabas sa pagsasaliksik para sa isang genogram.
Para sa lalong pag-unawa ukol sa genogram, basahin ang Ang Genogram at Mga Plano Upang ang Bawat Kasapi ng Pamilya ay Maging Matatag at Mahinahon sa Bawat Isa.
Hanapin din sa internet ang artikulong “Genogram: Ilang Halimbawa” sa AlaminNatin.com.
© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
Kaugnay:
Plano Upang ang Bawat Kasapi ng Pamilya ay Maging Matatag at Mahinahon sa Bawat Isa
Mga Personal na Salik sa Pagpili ng Kurso, Trabaho o Bokasyon
Ang Sariling Personalidad at mga Personal na Salik na may Kinalaman sa Personal na Layunin sa Buhay
‘Ang Aking Bucket List’: Isang Aktibidad
Mga Personal na Salik sa Pagpili ng Kurso, Trabaho at Bokasyon: Isang Aktibidad
Mga Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Pagpili ng Kurso
Ang Mga Nakaayon at Di-Nakaayong Kursong Pagpipilian
Paggawa ng plano tungkol sa kursong nais at Ang Pagpaplano ukol sa Karera (Career Planning)
Mga Salik sa Personal na Pag-Unlad na Mahalaga sa Pagpili ng Kurso
Sariling Pananaw sa Halaga ng Personal na Pag-Unlad sa Pagpapasya ukol sa Kurso
“Ang Aking Plano Para sa Kursong Nais”: Ilang Aktibidad
‘Ang aking Malikhaing Paglalarawan ng Personal na Pag-unlad’: Isang Aktibidad
Ang Kamalayan sa Sarili (“self-awareness”) at ang Personal na Pag-unlad
Malikhaing Paglalarawan sa Personal na Pag-unlad: Creative Visualization