Ano ang Climate Change?

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

Sinasabing kapabayaan ng mga tao ang penomenon na climate change. At pinalalala pa ang sitwasyong ito ng mga aktibidad ng tao tulad ng pagkalbo ng mga kagubatan at pagsunog ng mga produktong langis.

Ang pagbabago ng klima ay nananatili at tumatagal ng daan-daang taon o higit pa. 

Ang Climate Change bilang penomenon

Batay sa aklat ni Propesor Jensen DG. Mañebog, ang climate change ay ang pagbabago sa klima ng mundo. Kinapapalooban ito ng pagbabago sa wind pattern, pagbuhos ng ulan, lalo na ang pagbabago sa temperatura ng mundo bunga ng pagtaas ng mga partikular na gas gaya ng carbon dioxide.

Ang climate change ay anthropogenic global warming o pag-init sa mundo na dulot ng tao. Ilan sa mga sanhi nito ay ang mga gawa ng tao gaya ng illegal logging, deforestation, kaingin system, pagsusunog, at paggamit ng fossil fuels.

Maging ang proseso ng industriyalisasyon na gumagamit ng mga kemikal na chlorofluorocarbon at hydrofluorocarbon para sa pagbuo ng ilang iba’t-ibang makabagong mga kasangkapan tulad airconditioner, repridyereytor, blower, heater, at aerosol ay nakapagdadagdag sa paglala ng climate change.

Ang greenhouse gases

Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagdami ng heat-trapping gases na tinatawag na greenhouse gases (GHGs). Ano nga ba ang greenhouse gases?

Ang greenhouse gas ay anomang gaseous compound sa atmospera na may kakayahang humigop ng infrared radiation, kung kaya’t nakukulong nito ang init sa atmospera. Ang mga gas na ito na sumisipsip at nagbubuga ng init mula sa daigdig ay tila salamin sa isang greenhouse, kaya tinawag silang greenhouse gases.

Ang mga halimbawa ng mga karaniwang uri ng greenhouses ay mga sintetikong kemikal, carbon dioxide, nitrous oxide, water vapor, carbon dioxide, at ozone.

Dahil pinaiinit ng mga ito ang atmospera, ang greenhouse gases ang responsable sa pagkakaroon ng greenhouse effect, proseso kung saan ay hindi pinasasingaw palabas bagkus ay pinamamalagi ng greenhouse gases sa mundo ang init na ibinibigay ng sikat ng araw.

Ang dulot nito ay global warming, ang isa sa mga sanhi at indikasyon ng global change.

Mahalaga ang papel ng greenhouse gases sa pagsustini ng lahat ng anyo ng buhay sa daigdig. Responsable ito sa sistema ng pagpapainit sa mundo.

Subalit ang mga gawain ng tao gaya ng maramihang pagsusunog ng fossil fuels (gaya ng langis, karbon o coal, at natural na gas) ay nagdudulot ng sobra-sobrang greenhouse gases sa atmospera.

Ang atmospera na may sobra-sobrang greenhouse gases ay katulad ng makapal na kumot na kumukulob sa sobrang init sa mundo.

Dumarami ang carbon dioxide sa paligid sa pamamagitan ng pagsunog ng mga fossil fuels, mga basura, at mga kahoy. Ang pagsusunog ng fossil fuels ay lumilikha rin ng nitrous oxide.

Nakapagpapainit ng paligid, kung gayon, ang pagpapaandar sa mga sasakyan at iba pang makina. Nakakasama rin ang deforestation dahil binabawasan nito ang mga puno na humihigop ng carbon dioxide.

Ang ozone sa ulap-usok ay nalilikha sa mga kemikal na ibinubuga ng mga pabrika at sasakyan. Ang chlorofluorocarbons (CFCs) ay ginagamit ng mga tao bilang panlinis, refrigerants, at aerosol spray propellants.

Ang sulfur hexafluoride ay ginagamit naman na insulasyon sa mga de-kuryenteng kasangkapan na may mataas na boltahe.

Ang CFC at sulfur hexafluoride naman ay mga sintetikong kemikal na matagal na nakapananatali sa kapaligiran, kaya malaki ang pinsala sa kalikasan.

Basahin din: Climate Change by Jensen DG. Mañebog

*Kung may ibang paksa na nais mong hanapin (e.g. CDRRM, unemployment, migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:

For STUDENTS’ ASSIGNMENT:
Write your COMMENT here:
Ang Kahalagahan ng Pag-Aaral Ng Kontemporaryong Isyu

Copyright © by Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap gamit ang search engine ng https://myinfobasket.com/):
Ang Aspektong Politikal, Pang-Ekonomiya, at Panlipunan ng Climate Change

SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”

*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa

SA MGA MAG-AARAL: Maaaring ilagay ang inyong assignment/comment dito sa comment section ng Ang Kahalagahan ng Pag-Aaral Ng Kontemporaryong Isyu

Read Also:
The Interesting Tales of the Jose Rizal Family
 by Jensen DG. Mañebog

IMPORTANT:
TO STUDENTS (and their friends/relatives): For your comments NOT to be DELETED by the system, pls SUBSCRIBE first (if you have not subscribed yet). Thanks.

=====
To post comment, briefly watch this related short video:

To STUDENTS: Write your ASSIGNMENT here: Pangangalaga sa Kapaligiran (Puno, Halaman, Hayop, at mga Yaman sa Kalikasan)