Ang Sanhi at Epekto ng Political Dynasties sa Pagpapanatili ng Malinis at Matatag na Pamahalaan

© Vergie M. Eusebio at Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

Mahalagang nasusuri ang mga Sanhi at Epekto ng Political Dynasties sa Pagpapanatili ng Malinis at Matatag na Pamahalaan. Ito ay isa sa mga Kontemporaryong Isyu sa Pilipinas.

Mga Sanhi ng Political Dynasties

Ukol sa kahulugan ng political dynasty sa Pilipinas, basahin ang: Ang Konsepto ng Political Dynasties

Narito ang ilan sa mga itinuturing na sanhi ng political dynasty sa Pilipinas:

1. Kita sa politika

Sinasabi ng marami na ang tunay na dahilan kung kaya umiiral ang political family o political dynasty ay dahil sa may malinaw na kita sa politika.

Kapag tinanggal umano ang kita, mawawala ang paghahangad ng pami-pamilya na pasukin ang politika at manatili rito.

Kung hindi umano ganoon kadali para sa mga nahalal na opisyal na kumita ng salapi o pakinabang, ang mga pamilya na magnanais na sumunod ang kanilang mga anak sa yapak ng kanilang politikong magulang ay yaon na lamang tunay na nagnanais na maglingkod nang tapat sa bayan.

2. Bahagi ng kultura

Batay sa paliwanag ng ilan, mayroong political dynasty sa bansa sapagkat ang ganitong sistema ay nakabaon na umano sa ating kultura. Kung sa mga bansang Kanluranin, ang indibidwal umano ang pangunahing yunit ng lipunan, sa kulturang Asyano, ang pangunahing yunit ng lipunan ay ang pamilya.

Bilang katunayan, dinodominahan umano ng mga pamilyang dinastiya hindi lamang ang politika, kundi pati na rin ang iba pang mga sektor ng lipunang Pilipino tulad ng negosyo, media, edukasyon at iba pa. Halimbawa, ang mga pinakamalaking kumpanya sa bansa ay mga negosyong pag-aari ng pami-pamilya.

3. Pamana ng kolonyal na karanasan

Ang mga dinastiya sa politika ay epekto umano ng karanasang kolonyal ng bansa, kung saan ang mga piling pamilyang Pilipino ay pinaboran at pinangalagaan ng mga mananakop na Espanyol at Amerikano. At kahit nang natamo na ang kalayaan ng bansa, ang pyudal na sistema ay nagpatuloy.

Ang mga may malawak na lupain ay naghangad na protektahan ang kanilang mga interes sa pamamagitan ng paghawak ng mga posisyon sa pamahalaan. Sa paglipas ng panahon, tila tinanggap naman ng maraming karaniwang Pilipino ang ganitong kalakaran.

Mga Epekto ng Political Dynasties 

May tutol at hindi tutol sa political dynasty. May mga nagsasabing mabuti ang bunga nito, at sinasabi naman ng mga kontra na masama ang epekto nito sa bayan.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga negatibo at positibong epekto ng political dynasties sa pagpapanatili ng malinis at matatag na pamahalaan.

1. Nawawalan ng tunay na “checks-and-balances” sa gobyerno

Ito umano ang tunay na problema sa mga pamilyang pampolitika.

Ang mga miyembro ng pamilya na nakapuwesto sa mga strategic na posisyon, tulad ng kaso ng isang alkalde na ang anak ay nasa konseho ng lungsod, o isang gobernador na sinundan sa puwesto ng kanyang asawa o anak, ay madali umanong maiwasan ang prinsipto ng checks-and-balance sa pamahalaan.

Ang prinsipyong ito, na umano’y natatapakan ng political dynasty, ay idinisenyo upang mahadlangan ang isang opisyal ng gobyerno sa pagpapayaman ng kanyang sarili mula sa kaban ng bayan na galing sa mga buwis ng mga mamamayan.

2. Nakasisira sa esensiya ng demokrasya

Ang pangingibabaw ng mga dinastiya ay nagpapaguho umano sa prinsipyo sa likod ng mga prosesong elektoral.

Kung ang mga pagpipilian sa halalan ay “sila sila” rin lang, sapagkat natatakot ang iba na banggain ang impluwensiya at kayamanan ng political dynasties, wala umanong tunay na kompetisyong politikal. Sa ganitong sistema umano, nawawala ang tunay na kahulugan ng demokrasya.

3. Nagdudulot ng kahirapan at kawalan ng pag-unlad

Ang “fat political dynasties” o mga magkakapamilya na magkakasabay na humahawak sa mga posisyon sa gobyerno ay malakas na indikasyon umano ng kahirapan at di pag-unlad ng isang lugar. Ito ay ayon sa dekano ng Ateneo School of Government na si Ronald Mendoza na gumawa ng isang pag-aaral tungkol sa politikal na dinastiya.

Mapapansin umano na sa pinakamahihirap na lugar sa bansa ay mayroong konsentrasyon ng mga dinastiya.

4. Nagbubunga ng hindi magandang politika

Ang resulta umano ng political dynasty ay isang sistemang pampulitika na dominado ng kurapsyon, karahasan, pandaraya, at patronage. Maliban sa karahasan, ang pandaraya sa halalan ang pinaka-alalahanin tuwing eleksiyon. Ayon sa Center for People Empowerment in Governance, ang mga pandaraya ang nagluluklok sa mga pampulitikang dinastiya at nagpapanatili sa mga ito sa kapangyarihan.

Ganunpaman, may mga probinsya na ang political family ay gusto talaga ng mga tao at hindi kailangan mandaya upang manalo sa halalan.

5. Pagdurusa ng pangkaraniwang mamamayan

Ang mga dinastiya sa politika ay may iba pang mga nakapipinsalang epekto para sa mga mamamayan, ayon sa Center for People Empowerment in Governance. Halimbawa, ang isang pamilya na nasa kapangyarihan ay maaaring hindi pondohan ang mga proyekto ng gobyerno sa mga lugar na kinokontrol ng mga karibal nito.

May mga kaso umano na hindi ipinagkakaloob ng mga nasa kapangyarihan ang mga serbisyo ng gobyerno, tulad ng pangangalaga sa kalusugan, at iaalok lamang umano sa balwarte ng kalaban sa mga panahon ng halalan.

Ang pag-aayos ng mga kalsada at tulay, halimbawa, ay madalas umanong magaganap lamang sa panahon ng halalan, at tinitiyak umano ng isang nakaluklok na politiko na alam ng mga botante kung sino ang nasa likod ng mga proyekto.

Sa kabila ng sinasabing mga negatibong epekto ng political dynasty, may mga sinasabi ring magagandang dulot nito. Ang katunayan ay may mga lugar sa Pilipinas na ang mga mamamayan ay tuwirang umaayon at sumusuporta sa political dynasties … ituloy ang pagbasa

Karugtong: ILANG POSITIBONG EPEKTO NG POLITICAL DYNASTY SA PILIPINAS

Isang katotohanan na nakaukit na sa kasaysayan ng pulitika ng Pilipinas ang mga political dynasty. Kung may mga umabuso sa kapangyarihan, mayroon din namang nagbigay ng magagandang kontribusyon sa pamahalaan.

*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu o iba pang aralin na nais mong hanapin (e.g. migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:

Copyright © by Vergie M. Eusebio at Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

ALSO CHECK OUT:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog

KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap sa search engine ng https://myinfobasket.com/):
Ang Konsepto, Uri at Pamamaraan ng Graft And Corruption

SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”

*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa

Check out: Jose Rizal’s Collaborations with Other Heroes by Jensen DG. Mañebog

TALAKAYAN

1. Sang-ayon ka ba sa political dynasty sa Pilipinas? Depensahan ang iyong sagot.

2. Ipaliwanag ang konsepto ng political dynasties.

3. Anu-ano ang sanhi ng political dynasties sa bansa? Magbigay ng isa at talakayin.

4. Talakayin ang mga epekto ng political dynasties sa pagpapanatili ng malinis at matatag na pamahalaan.

5. Anu-ano ang uri ng political dynasty sa Pilipinas? Talakayin.

NOTE TO STUDENTS: If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.

TAKDANG-ARALIN PARA SA MAG-AARAL

E-Learning Assignment: Paghahanda sa susunod na aralin

a. Sa search engine ngAlaminNatin.com, hanapin ang blog na “Ang Konsepto ng Graft and Corruption.”

b. Basahin ang maikling lektura.

c. Sa comment section sa ibaba ng artikulo, isulat ang iyong sagot sa tanong na: Gaano kasama ang graft and corruption batay sa artikulo? Ipaliwanag ang iyong sagot. Gumamit ng #KorapsiyonItigil #PondoNgBayan

e. Mag-imbita ng tatlong kaibigan (mga naglilingkod sa gobyerno) na magpo-post ng makabuluhang katwiran na umaayon o tumututol sa iyong post.

f. I-screen shot ang inyong naka-post na conversation thread, i-print, at ipasa sa iyong guro.

=====

Para sa komento o assignment, gamitin ang comment section sa: Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu