Ang Pamahalaan at ang Pamumuno sa Komunidad
Ang pamumuno ay sining ng pagkukumbinsi sa isang grupo ng mga tao upang kumilos o gumawa tungo sa pagkamit ng iisang layunin.
Ano ang pinuno?
Ang isang pinuno ay isang taong inihalal sa isang komunidad o lugar upang pangasiwaan o pangunahahan ito. Karaniwang naihahalal ang isang pinuno o lider sa pamamagitan ng pagboto ng mga nasasakupan.
Ang pinuno ay itinuturing ding kinatawan ng isang grupo o pangkat na may hawak na kapangyarihan.
Sa ating bansa, sino ba ang namumuno?
Ang Pamahalaan
Ang pamahalaan ay isang samahan ng mga taong inihalal sa posisyon ng mga nasasakupan. Ito ang namumuno at may kakayahang gumawa ng mga batas o tuntunin at magpatupad ng mga ito. (Basahin: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan Upang Matugunan ang Pangangailangan ng Bawat Mamamayan)
Ito ay binubuo ng mga kasapi na binigyan ng kapangyarihan upang tumugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan. (Basahin: Ang Tatlong Sangay ng Pamahalaan ng Pilipinas: Ang Balangkas o Istruktura ng Gobyerno)
Pambansang pamahalaan – Ito ang namumuno sa buong bansa.
PANGULO:
Pangunahing namumuno at namamahala sa bansa.
PAGALAWANG PANGULO:
Siya ang kahalili ng Pangulo kung wala ito.
MGA SENADOR:
Sila ang may katungkulan na bumuo ng mga batas sa ikabubuti ng mga mamamayan.
Panlalawigang pamahalaan
Sila ang namumuno sa mga lalawigan at may katungkulang siguraduhing natutugunan ang mga pangangailangan ng mga nasasakupan. (Kaugnay: Pamahalaang Sentral at Lokal sa Pilipinas: Noon at Ngayon)
Para sa Lalawigan o Province:
Gobernador/Bise Gobernador
Lungsod o Bayan/City o Municipality:
Alkalde/Bise Alkalde o Mayor/Vice Mayor
Barangay:
Punong Barangay o Barangay Captain
Pambarangay na Pamahalaan
Ang mga lugar sa bansa ay nahahati sa mga barangay. Itinuturing ang barangay bilang pinakamaliit na uri ng pamamahala sa lipunan.
Mga Pinuno o Opisyal ng Barangay
Punong Barangay – Barangay chairman
Pinuno ng Sangguniang Kabataan – SK Chairman
7 Kagawad o Konsehal ng Barangay
7 Kagawad o Konsehal ng Sangguniang Kabataan
Kalihim o Secretary
Ingat-yaman o Treasurer
Nabanggit sa itaas kung sino ang mga namumuno pambansang pamamahala hanggang sa pambarangay. Mahalaga na ang mga namumuno sa isang bansa at komunidad ay may mabuting pamumuno.
Ang tagumpay ng pamumuno sa isang komunidad ay nakasalalay sa mabuting pamumuno. (Ituloy ang pagbasa sa: Ang Halaga ng Pamahalaan at Mabuting Pamumuno)
Copyright © by Celine de Guzman/MyInfoBasket.com
To STUDENTS:
Write your ASSIGNMENT here: Comments of RATIONAL STUDENTS or here: Mga Komento ng MASISIPAG MAG-ARAL