Ang Pagkakaiba ng Pangkabuuang Pananaw at Pananaw ng mga Bahagi Lamang
Mahalagang nakikilala ang pagkakaiba ng pangkabuuang pananaw mula sa pananaw ng mga bahagi lamang.
Ang popular na talinghaga tungkol sa anim na lalaking bulag at ang kanilang unang karanasan na makatagpo ng isang elepante ay nagpapaliwanag ng kaibahan ng pangkabuuang pananaw at ng pananaw ng mga bahagi lamang.
Maari mong panuorin ang short educational video o ituloy ang pagbasa. Nota: Para magkaroon ng FULL ACCESS sa video, mag-SUBSCRIBE muna (kung hindi ka pa naka-subscribe):
Note: Para sa pagtalakay sa English ng paksang ito, basahin ang: Distinguish a Holistic Perspective from a Partial Point of View (Holism vs Partial Perspective)
Isang Talinhaga: Ang Anim na Lalaking Bulag at Isang Elepante
Ang talinhagang ito ay may ilang bersiyon sa India, subalit ganito ang pangkaraniwang salaysay ukol rito:
Nabalitaan ng ilang lalaking bulag na may kakaibang hayop, na tinatawag na elepante, na dinala sa nayon, subalit wala isa man sa kanila ang nakaaalam ng porma at hugis nito. Dahil sila’y nahihiwagaan, nagkasundo sila na kanilang usisain at alamin ito sa pamamagitan ng pagkapa o paghawak rito.
Kaya kanilang pinuntahan ito at kinapa-kapa nang kanilang masumpungan.
Hinawakan ng unang lalake ang katawan ng elepante. Naramdaman niyang ito ay matigas, malaki, at malapad. “Ang elepante ay tulad ng isang dingding,” sabi niya.
Hinawakan ng ikalawang lalake ang isa sa mga pangil ng elepante. Naramdaman niyang ito ay makinis at matigas at matulis. “Ang elepante ay tulad sa isang sibat,” aniya.
Ang ikaltlong lalake ay kinapa ang bulalay (trunk) ng elepante. Naramdaman niyang ito ay mahaba at kurbada. “Ang elepante ay tulad ng isang ahas,” ang sabi niya.
Ang ikaapat na lalake ay hinawakan ang isa sa mga binti ng hayop. Naramdaman niyang ito ay makapal at magaspang at matigas at bilugan. “Ang elepante ay tulad ng isang puno,” sabi niya.
Ang isa sa mga tenga ng elepante ang nahawakan ng ikalimang lalake. Naramdaman niyang ito ay manipis at gumagalaw. “Ang elepante ay tulad ng isang pamaypay,” sabi niya.
Nakapa ng ikaaanim na lalake ang buntot ng elepante. Naramdaman niyang ito ay mahaba at manipis at malakas. “Ang elepante ay tulad ng isang lubid,” aniya.
Umalis ang mga lalake na nagtatalu-talo. Isang batang babae ang nakarinig sa kanila at nagsabing, “Bawat isa sa inyo ay tama, pero lahat kayo ay mali … pero alam ko kung ano ang tinutukoy ninyo!” (Basahin ang English version ng Talinghaga: The Parable of the 6 Blind Men and an Elephant)
Ang holistikong perspektibo at parsiyal na panaw
Ang parsiyal o bahagyang pananaw ay nakatuon sa ilan lamang aspekto ng kabuuan, kung kaya’t sa malimit na pagkakataon, ang kabuuan ay hindi nito napapansin, kung hindi man tuluyang nalilimutan. Tinatanaw nito ang maliliit na detalye ng mga bagay subalit nakakalimutan, o sadyang hindi pinapansin, ang mas malaki o pangkabuoang imahe.
Idagdag pa, nagagawa nitong maging pamantayan o batayan ng reyalidad ang limitadong bahaging natatanaw o nakikita.
Samakatuwid, ang bahagyang pananaw (partial perspective) ay isang perspektibo na batay sa isa o ilan sa mga bumubuong bahagi ng isang buong bagay. Ito ay isang perspektibo na tumitingin sa reyalidad batay sa iisa o ilan lamang bahagi ng isang sistema.
Sinusubukan naman ng pangkabuuang perspektibo na palawakin ang pagkaunawa sa reyalidad sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa iba pang mga posibleng dahilan o salik, maging ito man ay biolohikal, teolohikal o anupaman, na makatutulong sa pag-unawa sa isang bagay o pangyayari.
Kung ang bahagyang pananaw ay nakatuon sa ilang bahagi lamang, na bunga nito ay naisasantabi ang mas malaking larawan, ang pangkabuuan o holistikong perspektibo naman ay sumusuri sa bawat bumubuong bahagi at kung paano sila konektado sa isa’t isa upang makalikha ng isang matatag na kabuuan.
Nakatuon ito sa mas malaking larawan sa halip na sa maliliit na detalye. Sa halip na tingnan lamang ang mga indibidwal na “puno,” tinitingnan din nito ang buong “kagubatan.”
Idagdag pa, sa pangkabuuang perspektibo ay hindi ginagawang pamantayan ng lahat ang taong tumatanaw sa mga bagay. Sa halip, binibigyang-diin nito na bagaman ang pansariling pananaw ng isang tao tungkol sa isang bagay ay maaring totoo, subalit tiyak na hindi ito ang lubos na katotohanan at ang pananaw ng iba sa parehong bagay ay maaring totoo rin.
Halimbawa, itinuturo nito na hindi dahil sa maganda ang opinyon ni Juan ukol sa isang paksa ay iyon na nga ang kaisa-isang tamang pananaw ukol sa bagay na iyon. Gaya ng itinuturo ng talinghaga ukol sa elepante, “bawat isa sa kanila ay tama, pero lahat sila ay mali.”
Ibig sabihin, may bahid ng katotohanan ang kanilang mga pahayag ukol sa elepante, subalit nagkamali sila ng ang limitadong kaalaman nila ay ginamit upang magkonklusyon para sa kabuoan.
Sa pilosopiya, ang isa sa mga matututunan ay ang pagbibigay pansin o konsiderasyon sa iba’t ibang teorya at ideya. May panawagan ito na pansamantalang pigilin ang personal at parsiyal na pananaw sa mga bagay upang bigyang-daan ang pakikinig sa kung ano ang sasabihin ng iba.
Subalit hindi nangangahulugan na basta na lamang tatanggapin ang pananaw ng iba at iwawaksi ang sariling perspektibo. Sa halip, ito ay nagtuturo na ikumpara o isama ang sariling pananaw sa pananaw ng iba nang sa gayon ay makabuo ng lalong pangkabuuang pananaw sa mga bagay.
Hindi ukol sa iisang dimensiyon o bahagi lamang ang pilosopiya. Ang pilosopo ay hindi nililimitahan ang kaniyang sarili sa isang partikular na bagay o katanungan.
Sa halip, ginagamit niya ang maraming dimensiyon o holistikong paglilimi sa isang bagay … ituloy ang pagbasa
*Hanapin ang iba pang paksa sa Pilosopiya o ibang aralin (Filipino o English) dito:
SA MGA MAG-AARAL: Maaaring ilagay ang inyong assignment/comment dito sa comment section ng Distinguish a Holistic Perspective from a Partial Point of View
Copyright 2013-present by © Jensen DG. Mañebog and Marissa G. Eugenio
ALSO CHECK OUT:
Reasoning and Debate: A Handbook and a Textbook by Jensen DG. Mañebog
Read also: Education of the Mind, Heart, and Hands: Challenges to the Changing Educational System
Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:
– Nakikilala ang pagkakaiba ng pangkabuuang pananaw mula sa pananaw ng mga bahagi lamang (Code: PPT11/12PP-Ia-1.1)