Ang Pagbibigay Serbisyo/Paglilingkod ng Komunidad at Karapatan ng Bawat Kasapi

Pag-aaralan natin ang kaugnayan ng pagbibigay serbisyo/ paglilingkod ng komunidad sa karapatan ng bawat kasapi nito.

Ano ang mga karapatan ng bawat kasapi ng komunidad? Ano ang kaugnayan ng pagbibigay serbisyo/paglilingkod ng komunidad sa mga karapatan ng bawat kasapi nito? Basahin ang kahulugan at depinisyon sa: Mga Karapatang Pantao at Karapatang Sibil

Ang pamahalaan at ang iba pang taong naglilingkod sa komunidad ay nagkakaloob ng serbisyo sa mga tao sa komunidad. Ang mga serbisyo o paglilingkod na ito ay may kaugnayan sa karapatan ng bawat miyembro ng komunidad. (Kaugnay: Mga Isyu na may Kaugnayan sa Karapatang Pantao)

Sa talahanayan sa ibaba ay ipinapakita ang serbisyo/paglilingkod ng mga tagapaglingkod sa komunidad at ng mga ahensiya ng pamahalaan na kaugnay ng mga karapatan ng bawat miyembro ng komunidad.

Serbisyo/Paglilingkod ng TagapaglingkodAhensiya ng PamahalaanKarapatang Kaugnay
Pangkalusugan Doktor/Nars/Komadrona/Dentista/Barangay Health Worker- Nagbibigay lunas sa mga sakit at nagpapanatili ng mabuting kalusugan, nagpapaanak, nag-aalaga sa kalusugan ng ngipin, nagpapalaganay ng mga kaalaman ukol sa kalusuganDepartment of Health (DOH) (Departamento ng Kalusugan)Karapatang Maipanganak at Mabuhay   Karapatang Mapagkalooban ng Kagalingang Panlipunan (libreng bakuna sa mga sanggol, libreng pagpapakunsulta, libreng gamot)    
Magsasaka Nagsusuplay ng mga palay, prutas at gulay na ating kailangan upang maging malusog ang mga pangangatawan  

Mangingisda – Nagsusuplay ng mga pagkaing dagat tulad ng isda, ibang seafoods at halamang dagat na ating makakain    

Tindera/Tindero – Sa kanila nakakabili ng mga pagkain at iba pang pangangailangan upang makapamuhay nang maayos  

Nag-aalaga ng hayop – Nag-aalaga ng mga hayop na pinagkukunan ng sariwang gatas at karne  

Panadero – Nagsusuplay ng tinapay, cake at mga cookies na ating kinakain  
 Karapatang Magkaroon ng Malusog na Pangangatawan      
Pulis/sundalo/Barangay Tanod – Nagpapanatili sa kapayapaan at kaayusan    

Bumbero Tagapatay ng sunog at nagliligtas ng buhay ng mga tao at ari-arian    

Elektrisyan Nagpapanatili ng maayos na linya ng mga kuryente upang maiwasan ang sunog at aksidente
Philippine National Police (PNP)/Armed Forces of the Philippines (AFP)   (Pambansang Pulisya ng Pilipinas/ Sandatahang Lakas ng Pilipinas)Karapatan sa Kaligtasan at Kapayapaan    
Guro Nagbibigay ng wastong edukasyon sa mga Kabataan, edukasyon para sa mga out of school youthsDepartment of Education (DepEd) (Kagawaran ng Edukasyon)  Karapatan sa Edukasyon
 Commission on Elections (Comelec)   (Komisyon sa Halalan)Karapatan sa Pagboto
Basurero Nagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng komunidad sa pamamagitan ng regular na pagkolekta ng basura  

Kaminero – Nagpapanatili ng kalinisan ng mga daan at kalsada para sa ating kalusugan  
Department of Environment and Natural Resources (DENR)   (Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman)    Karapatan sa Malinis at Maayos na Kapaligiran    
 Department of Labor and Employment (DOLE)   (Ang Kagawaran ng Paggawa at Empleo ng Pilipinas)            Karapatan sa Paghahanapbuhay
 Pamahalaan  Karapatan sa Pagkakatipon
 Pamahalaan  Karapatan sa Pagpili ng Relihiyon o Pananampalataya
Inhinyero Sinisigurong maayos ang pagkagawa ng mga gusali at iba  

Karpintero – Gumagawa ng bahay at mga kagamitang ginagamit  

Tubero – Nagkukumpuni ng mga sirang tubo ng tubig upang maging maayos ang daloy nito  

Magtotroso   Nagsusuplay ng mga kahoy na ginagamit sa iba’t-ibang kagamitan at kasangkapan
Pamahalaan   National Housing Authority (NHA) Pangangasiwa ng Pambansang Pabahay  Karapatan sa Pagkakaroon ng Matitirahan

Ang mga serbisyo o paglilingkod na ibinibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga ahensiya nito at ng mga iba pang tagapaglingkod ay tuwirang kaugnay at tumutugon sa mga karapatan ng mga tao sa komunidad.

Bilang mamamayan, dapat na alam mo ang Mga Pamamaraan Sa Pangangalaga Ng Karapatang Pantao.

Mayroon kasamang masamang epekto ang mga paglabag sa karapatang pantaon (Basahin: Ang Mga Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao)

Dapat na maalam din ang mamamayan ukol sa Mga Halimbawa Ng Paglabag Sa Karapatang Pantao Sa Pamayanan, Bansa, At Daigdig.

Kung nalalabag ang iyong karapatan, alamin ang Mga Paraan Ng Paglutas Sa Mga Paglabag Ng Karapatang Pantao.

Copyright © by Celine de Guzman/MyInfoBasket.com

=====
To post comment, briefly watch this related short video: