Ang Mind-Mapping Techniques Na Nararapat Sa Dalawang Uri Ng Pagkatuto Ng Tao
Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang mind-mapping techniques na nararapat sa dalawang uri ng pagkatuto ng tao.
Ang mind-mapping techniques
Pinasikat ni Tony Buzan, ang mapa ng isip o mind map ay isang teknik sa pag-iisip na ginagamit upang biswal na iorganisa ang mga impormasyon.
Ang mind-mapping techniques o paggawa ng mind map ay sinasabing isang malakas na grapikong teknik na nagsisilbing susi upang mabuksan ang potensiyal ng utak.
Ginagamitan ng kaliwa at kanang bahagi ng utak, ito ay isang malikhain at lohikal na paraan ng pag-aayos ng mga saloobin at mga ideya sa iyong isip sa pamamagitan ng isang diagram.
Karaniwang nakatuon ang isang mapa ng isip sa isang sentrong paksa. Mula sa pangunahing paksang ito, ang mga pangunahing ideya sa anyo ng mga imahe o mga salita ay magsasanga.
Sa paggawa ng mga mapa ng isip, maaring gumamit ng mga teksto, linya, kulay, imahe, at simbolo.
Ang mga mapa ng isip ay maaaring gawin sa pamamagitan ng (1) sulat-kamay (handwritten) o sa pamamagitan ng manu-manong pagguhit o pag-sketch.
Maaari rin itong malikha sa pamamagitan ng mas masalimuot na mga proseso gamit ang mga aplikasyon sa computer. Ang uring ito ay tinatawag na (2) computerized o digital.
Ang sulat-kamay na mapa ng isip ay mas nababagay sa mga ‘left-brained’ na mga tao dahil ang mga mind map na sulat-kamay ay karaniwang nakabatay sa salita at mas may kaunting karagdagang biswal.
Sa kabilang Banda, ang mga modernong mind maps na nalilikha sa pamamagitan ng mga computer (o iba pang katulad na mga gadget) at mga aplikasyon ng computer ay sinasabing mas nababagay sa mga right-brained na indibidwal.
Ito ay sapagkat pinahihintulutan nito ang maraming visual accompaniment at ang higit na pagkamalikhain.
Tandaan na sa paggawa ng alinmang uri ng mind map ay tiyak na gagana ang kaliwa at kanang bahagi ng utak. Ang totoo, ang mind mapping technique ay isang aktibidad ukol sa “whole brain thinking.”
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
SA MGA GURO: Maaari itong gawing reading assignment ng inyong mga mag-aaral
Kaugnay:
Plano Upang Mapaunlad Ang Pagkatuto Gamit Ang Mga Gawain Sa Mind Mapping
Kalusugang Pangkaisipan At Sikolohikal Na Kaayusang Pangkatauhan (Well-Being)
Ang Mga Sariling Kahinaan at Ang Mga Sakit sa Kalusugan ng Isip (Mental Health Disorders)
Mind Map Tungkol Sa Mga Paraan Upang Magkaroon Ng Sikolohikal Na Kaayusang Pangkatauhan
Iba’t Ibang Uri Ng Emosyon Na Maaaring Makatulong Sa Pagpapamalas Ng Mga Nararamdaman
Mga Positibo At Negatibong Emosyon At Kung Paano Ito Ipahinahahayag O Itinatago
Mga Paraan Upang Mapamahalaan Ang Iba’t Ibang Uri Ng Emosyon
Ang Iba’t Ibang Uri ng Emosyon