Ang mga Ugnayan ng mga Pilipino (Pamilya, Paaralan, at Pamayanan) at ang Filipino Values
Kasanayang Pampagkatuto:
Nakagagawa ng isang simpleng sarbey tungkol sa mga ugnayan ng mga Pilipino (pamilya, paaralan, at pamayanan)
Mga Ugnayan ng mga Pilipino
Ang mga ugnayan ng mga Pilipino sa pamilya, paaralan, at pamayanan ay nakasentro sa pagpapanatili ng panlipunang pagkakasundo sa lipunan, na pangunahing nagaganyakan ng hangaring mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at pagiging malusog ng samahan ng isa’t isa.
Normal na ang mga tao ay maghangad na ang panlipunang pakikipag-ugnayan ay magdulot ng sigalot, away, at pagtatalo.
Maraming katangi-tangi sa kultura ng mga Pilipino, lalo na ang ukol sa paraan ng ating pakikisalamuha o pakikipag-ugnayan sa bawat isa. Kabilang sa mga natatanging bagay na iyon ay ang tinatawag na mga pinahahalagahan ng mga Pilipino (Filipino values) na bahagi ng buhay ng maraming mga Pilipino.
Ano nga ba ang tinatawag na Filipino Values?
Ang Filipino values ay binubuo ng mga etikal na gawi, ideolohiya, etiketa, at mga panlipunang kaugalian na maaaring natatangi sa kultura ng Pilipino. Sa konteksto ng kulturang Filipin, ang Filipino values ay mahalaga upang mapanatili ang pagkakaisa sa mga relasyon ng Pilipino sa mga institusyong panlipunan tulad ng pamilya, paaralan, at komunidad.
Filipino Social Values
Ang mga pinahahalagahan ng mga Pilipino (Filipino social values) ay nagpapakita na tayong mga Pilipino ay nagnanais ng pagkakaisa, lalo na sa interpersonal na relasyon.
Ang ilan sa mga pinahahalagahan ng Pilipino ay mahalaga upang mapanatili ang pagkakaisa sa mga relasyong Pilipino. Ang mga sumusunod ay mula sa lektura ng Filipinong propesor na si Jensen DG. Mañebog:
1. Paggalang sa mga matatanda
Ang mga Pilipino ay karaniwan nang magagalang sa matatanda. Mayroon tayong mga natatanging paraan ng pagpapahayag ng paggalang sa mga matatanda gaya ng paggamit ng ‘po’ at ‘opo’ kapag nakikipag-usap sa kanila.
Ang isa pang ekspresyon nito ay ang ‘pagmamano’ o paglalagay ng kamay ng matanda sa ating noo.
2. Ang mabuting pakikitungo at hospitality
Ang mga Pilipino ay kilala sa buong mundo na magiliw at matulungin. Ang mabuting pakikitungo ng mga Pilipino ay tumutukoy sa likas nilang katangian na maging magalang at kawili-wili maging sa kanilang mga bisita.
Sa katunayan, sa pangkalahatan, ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging mabuting makitungo at hospitable sa mga panauhin.
3. Hiya o takot na mapahiya
Ang hiya ay natatanging konseptong Pilipino. Tumutukoy ito sa pagkatakot na gumawa ng masasama o hindi magagandang bagay dahil maaaring mapinsala nito ang dangal o reputasyon ng isang tao.
Sa kabilang banda, dahil sa “hiya” na ito, ang ilang mga Pilipino ay hindi magawang makipagsapalaran o nagdadalawang-isip na gawin ang ilang bagay dahil sa takot na mapahiya.
4. Pakikisama
Ang pakikisama ay tumutukoy sa pagkakaroon at pagpapanatili ng magandang relasyon sa kapwa-tao. Karaniwang ginagawa ito upang maiwasan ang salungatan sa ibang mga tao o sa isang partikular na grupo.
Tulad ng iba pang mga pinahahalagahan ng mga Pilipino, ang pakikisama ay maaaring maging positibo o makapaminsala. Dahil sa pakikisama halimbawa, ang ilang mga Pilipino ay hindi makatanggi kahit na ang hinihingi ng ibang tao ay isang bagay na mali o hindi maganda.
5. Amor propio (pride) o pagpapahalaga sa sarili
Tinatawag din na pride, ang amor propio ay nagmumula sa inklinasyon ng tao na protektahan ang kanyang dignidad at karangalan. Dahil sa amor propio, halimbawa, ang isang tao ay maaaring tumanggi sa mga alok kahit na sa totoo’y nais niyang tanggapin ang mga ito.
Sa positibong aspeto naman, ang pagpapahalaga sa sarili ay mahalaga upang mapigilan ang tao na gumawa ng labag sa delikadeza, na makatutulong upang mapanatili ang kapayaan sa lipunan.
6. Utang na loob
Nakapaloob sa pagtanaw ng utang na loob ang konsepto ng pagtutumbas o pagbabalik ng natanggap na pabor.
Ang hindi pagbabayad ng “utang na loob” ay karaniwang nagreresulta sa pagtawag sa isang tao na “walang utang na loob” o “walang hiya.” (Ituloy ang Pagbasa: Paggawa ng Sarbey Tungkol sa mga Ugnayan ng mga Pilipino: Isang Halimbawa)
ACTIVITY: “Write one important lesson that you learned about Filipino values on social relationships and explain it briefly.”
Nota: Maaaring ilagay ang sagot sa comment section sa ibaba o rito sa: Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu sa Pilipinas
Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com
Kaugnay:
Paggawa ng Sarbey Tungkol sa mga Ugnayan ng mga Pilipino: Isang Halimbawa
Ang Ating Pananaw At Kung Paano Tayo Nakikita Ng Iba
Ang Uri ng Pagmamahal na Binibigay at Tinatanggap ng Isang Nagbibinata at Nagdadalaga
Ano ang Genogram? Paano ang Paggawa Nito?
Plano Upang ang Bawat Kasapi ng Pamilya ay Maging Matatag at Mahinahon sa Bawat Isa
Mga Personal na Salik sa Pagpili ng Kurso, Trabaho o Bokasyon
Ang Sariling Personalidad at mga Personal na Salik na may Kinalaman sa Personal na Layunin sa Buhay
‘Ang Aking Bucket List’: Isang Aktibidad
Mga Personal na Salik sa Pagpili ng Kurso, Trabaho at Bokasyon: Isang Aktibidad
Mga Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Pagpili ng Kurso
Ang Mga Nakaayon at Di-Nakaayong Kursong Pagpipilian
Paggawa ng plano tungkol sa kursong nais at Ang Pagpaplano ukol sa Karera (Career Planning)
Mga Salik sa Personal na Pag-Unlad na Mahalaga sa Pagpili ng Kurso
=====
To post comment, briefly watch this related short video:
To STUDENTS: Write your ASSIGNMENT here: Pagkilala sa Pagkabukod tangi ng Lahing Pilipino