Ang Mga Tungkulin at Sakripisyo ng mga Magulang para sa mga Anak
Ang mga magulang ang nangununang nagsasakripisyo para sa ikabubuti ng kanilang mga anak, ganoon rin ay para sa kinabukasan ng mga ito.
Ito ang dahilan kaya pinagsisikapan ng mga magulang na mapag-aral ang kanilang mga anak.
Karamihan sa mga magulang sa pamilyang Pilipino ay nagsasakripisyo at nagpapakahirap para sa magandang kinabukasan ng kanilang mga anak. Ang halimbawa nito ay ang mga magulang na OFW.
Bakit mahalagang maitaguyod ang edukasyon ng mga kasapi ng pamilya?
Mahalagang maitaguyod ang edukasyonng bawat kasapi ng pamilya dahil dito nagsisimula ang pagsisikhay ng kaalaman na magagamit ng isang pamilya kung may kakaharapin mga problema.
Mahalaga rin ang edukasyon para sa magandang kinabukasan ng bawat kasapi ng pamilya. Mas madaling makahanap ng mas maayos na hanapbuhay kung nakapagtapos ng pag-aaral.
Bakit mahalagang maturuan at magabayan ang mga bata sa kanilang mga pagpapasiya?
Mahalagang maturuan at magabayan ang mga bata sa kanilang mga pagpapasiya sapagkat sng buhay ay puno ng mga pagpapasiya at pagdedesisyon. Ang magandang kinabukasan ay nakasalalay din sa mga tama at makatwirang pagdedesisiyon.
Sa ating mga nagagawang desisyon ay maaring magkamali tayo kaya kailangan magabayan ang mga bata upang makaiwas sa mga pagkakamali.
Bakit mahalagang mahubog ang pananampalataya ng isang bata?
Mahalagang mahubog ang isang bata na magingmananampalataya sapagkat sa pamamagitan ng pagiging mananampalataya ay nailalapit tayo sa ating Diyos na Siya namang tutulong sa atin sa pagkakaroon ng magandang kinabukasan.
Copyright © by Senna Micah L. Mañebog
Mga Kaugnay na Assignment:
Mga Paraan Upang Mapabuti Ang Komunikasyon
Ang Kabutihang Naidudulot ng Pakikipagkaibigan at Halaga Ng Pagpapatawad
Liham Ng Magulang Sa Kaniyang Anak
Ang Birtud Na Pasasalamat at ang Entitlement Mentality
Ang Halaga ng Paggawa ng Mabuti
Ukol sa Katapatan: Mga Tanong at Sagot
Karahasan at Pambubully sa Paaralan: Essay
Should Abortion be Tolerated or Legalized in the Philippines? Questions and Answers