Ang Mga Paraan Upang Maging Mapanagutan sa Isang Relasyon

Kasanayang Pampagkatuto:

Natutukoy ang mga paraan upang maging mapanagutan sa isang relasyon

Mga paraan upang maging mapanagutan sa relasyon

Narito ang ilan sa mga iminumungkahing paraan upang maging responsable o mapanagutan sa isang relasyon:

1. Tiyaking handa na bago pumasok sa isang relasyon.

May akmang panahon para sa lahat ng bagay. Hindi dapat padalus-dalos sa pagpasok sa romantikong relasyon.

2. Bago gawin ang anuman, isipin ang maaaring ibunga nito sa iyong buhay.

Timbangin ang mga panganib at ang mga kahihinatnan ng iyong mga aksyon.

3. Sumangguni sa mga responsableng mentor.

Huwag matakot o mahiyang lumapit sa mga ‘mature’ na indibidwal, lalo na sa iyong mga magulang, nakatatandang kapatid, o guro upang magtanong o kumunsulta sa mga bagay tungkol sa mga relasyon.

4. Huwag makikipagrelasyon sa hindi mo talaga gusto o mahal.

Huwag magsinungaling sa iyong sarili. Huwag padadala sa udyok o buyo ng mga barkada. Tiyakin kung sino talaga ang gusto mong makasama.

5. Tandaan na sa pag-ibig ay maaari ka ring masaktan.

Dapat na handa ang damdamin sa anomang kahihinatnan. Dapat na handa rin na masugatan ang damdamin.

6. Ituring ang pag-ibig bilang isang proyekto.

Ang relasyon ay isang panghabambuhay na proyekto at isang responsibilidad. Ang pag-ibig ay nangangailangan ng pagtutulungan ng nagmamahalan.

7. Huwag payagang masira ang komunikasyon sa isa’t isa.

Mahalaga ang komunikasyon. Ito ang iyong paraan ng pagpapaunawa sa iyong karelasyon kung sino ka, ano ang iyong iniisip, at kung ano ang iyong damdamin.

8. Maging tapat sa karelasyon.

Iwasan ang mga tukso. Hanapin ang kasiyahan sa iyong tunay na minamahal.

9. Tandaan na ang pag-ibig ay nakakaunawa.

Taos-pusong humingi ng tawad kung nakagawa ka ng pagkakamali. Iwasan ang mag-akusa. Magpatawaran.

10. Tiyaking pag-ibig ang dahilan ng pag-aasawa.

Ang pag-ibig, hindi lamang pisikal na atraksiyon, ang dapat na maging tunay na dahilan para sa pagpapakasal. Gaya ng aral ng Diyos, gawing malinis ang layunin sa pag-aasawa. Ang pag-aasawa ay banal na institusyong ang Panginoon ang nagtatag.

ACTIVITY: “Write one important thing that you learned about becoming responsible in a relationship as an adolescent and explain it briefly.”

Nota: Maaaring ilagay ang sagot sa comment section sa ibaba o rito sa: Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu

Copyright © by Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com

Kaugnay:

Pag-Unawa sa Mga Relasyon ng mga Tinedyer

Paraan ng Pagpapahayag ng Atraksyon, Pagmamahal at Komitment

Ang Iba’t Ibang Papel Ng Bawat Indibidwal Sa Lipunan At Kung Paano Nila Naiimpluwensiyahan Ang Mga Tao Batay Sa Kanilang Pamumuno O Pagsunod

Ang Papel Ng Bawat Indibidwal Sa Lipunan At Kanilang Impluwensiya Batay Sa Kanilang Pamumuno O Pagsunod

Ang Looking Glass Self: Ang Pananaw ng Tao at Kung Paano Siya Nakikita ng Iba

Ang mga Ugnayan ng mga Pilipino (Pamilya, Paaralan, at Pamayanan)

Paggawa ng Sarbey Tungkol sa mga Ugnayan ng mga Pilipino: Isang Halimbawa

Ang Ating Pananaw At Kung Paano Tayo Nakikita Ng Iba

Ang Mga Istraktura ng Pamilya

Ang Uri ng Pagmamahal na Binibigay at Tinatanggap ng Isang Nagbibinata at Nagdadalaga

Ano ang Genogram? Paano ang Paggawa Nito?