Ang Mga Institusyon sa Komunidad: Kahulugan at Mga Halimbawa
Maliban sa mga taong nakatira at namumuhay sa isang komunidad, bahagi rin nito ang mga institusyon (institution). Hindi kumpleto ang isang komunidad kung wala ang mga institusyon.
Institusyon Kahulugan
Ano ang institusyon?
Ang isang institusyon ay isang samahan o istrukturang panlipunan na may layunin at tungkulin sa komunidad. Nakatutulong ito sa mga kasapi ng komunidad dahil natutugunan nito ang kanilang mga pangangailangan.
Sa karamihan ng komunidad, matatagpuan ang mga institusyong ito subalit mayroong mga komunidad na hindi matatagpuan ang mga ito.
Ating talakayin ang ilang sa pangunahing institusyong bumubuo sa isang komunidad.
PAMILYA
Ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng isang komunidad. Binubuo ito ng ama, ina, at mga anak.
PAARALAN
Ito ang tahanan ng mga guro at mga mag-aaral. Ito ang institusyong nagtuturo at humuhubog sa kaalaman at talento ng mga kabataan.
SIMBAHAN/ SAMBAHAN/ MOSQUE, ATBP
Dito isinasagawa ang mga pagpupuri sa Diyos. Dito tayo nakakapakinig ng mga bagay na dapat nating gawin upang maging kalugod-lugod sa Diyos. Bagama’t iba-iba ang pananampalataya o espiritwalidad ng mga tao sa komunidad, iginagalang ng bawat isa ang kani-kanilang paniniwala.
Panuorin: Pagpapaunlad ng Pananampalataya Tungo sa Pakikipagkapuwa
HOSPITAL/ HEALTH CENTER/ SENTRONG PANGKALUSUGAN
Ito ang pinupuntahan ng mga miyembro ng komunidad kapag may sakit o may pangangailangang pangkalusugan. Makakakuha rin dito ng mga libreng bakuna at gamot.
BAHAY PAMAHALAAN/ TANGGAPAN NG BRGY
Ito ang tumitiyak upang maging maayos at tahimik ang pamumuhay ng mga tao sa komunidad. Inaayos dito ang mga di pagkakaunawaan sa mga nasa komunidad. Pinangunguhan ito ng kapitan at ng mga kagawad ng barangay. (Basahin: Ang Tatlong Sangay ng Pamahalaan ng Pilipinas: Ang Balangkas o Istruktura ng Gobyerno)
PAMILIHAN/ PALENGKE/ GROCERY/ MALL
Dito nakakakuha o nakakabili ng mga pangangailangan sa araw-araw tulad ng pagkain at mga kagamitan.
POOK LIBANGAN/ PALARUAN
Dito nakakapaglaro ang mga bata at nakakapaglibang. May mga nabubuong pagkakaibigan sa mga ganitong lugar. Madalas rin itong pinagdadausan ng mga okasyon o events sa komunidad.
Basahin din: Ang Mga Bumubuo ng Komunidad
Copyright © by Celine de Guzman/MyInfoBasket.com
=====
Para sa komento, ilagay sa comment section nitong kaugnay na video: