Ang Mga Hakbang Ng Pamahalaan Sa Pagharap Sa Mga Sulliraning Pangkapaligiran Sa Sariling Pamayanan

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Natatalakay ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagharap sa mga sulliraning pangkapaligiran sa sariling pamayanan

Mga Hakbang ng Pamahalaan sa Mga Suliraning Pangkapaligiran

May mga hakbang ang pamahalaan sa pagharap sa mga suliraning pangkapaligiran sa mga pamayanan sa bansa. May mga ahensiya at kagawarang binuo, na may mga sangay sa mga lokal na pamahalaan, na may pananagutan sa dagliang pagtugon sa mga panganib at kalamidad sa kanikaniyang lugar.

Panuorin ang kaugnay na video: Pangangalaga sa Kapaligiran (Puno, Halaman, Hayop, at mga Yaman sa Kalikasan)

Mga Batas Ukol sa Kapaligiran

Sa paglipas ng panahon, may mga nalikha ring mga batas ang gobyerno kaugnay sa mga suliraning pangkapaligiran at sa pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan. Narito po ang ilang halimbawa (hango sa aklat ni Jensen DG. Mañebog):

1. Revised Forestry Code of the Philippines (1975)

Ito ay ang Presidential Degree No. 705 na may layong maprotektahan, mapaunlad, at ma-rehabilitate o maisaayos ang mga kakahuyan at mga forest lands o lupaing pang-kagubatan sa Pilipinas.

2. Water Code of the Philippines (1976)

Tinatawag ding Presidential Decree No. 1067, ito ay ukol sa pagmamay-ari, paglalaan, paggamit, pagpapayaman, pag-iingat, at pangangalaga sa mga mapagkukunan ng tubig sa bansa.

3. National Integrated Protected Areas System Act of 1992

Ito ang Republic Act No. 7586, batas ukol sa pagtatatag at pamamahala ng national integrated protected areas system. Ukol ito sa pangangalaga at pagpapanatili ng mga protected areas o protektadong lugar upang maiwasan ang pagkasira nito dahil sa natatangi nitong pisikal at bayolohikal na kahalagahan.

4. Department Energy Act of 1992

Nilalayon ng batas na ito, na kilala bilang Batas Pambansa 7838, ang pamamahala ng enerhiya ng Pilipinas. Sa bisa nito nalikha ang Department of Energy (DOE) para sa pagsasaayos, pagsubaybay, at pagsasakatuparan ng mga balakin at palatuntunan ng gobyerno ukol sa konserbasyon, eksplorasyon, at pagpapayaman ng enerhiya.

5. Philippine Mining Act of 1995

Ito ay batas na nagsusulong ng makatuwirang paggalugad, pagpapayaman, paggamit at pag-iingat ng mga yamang mineral sa bansa sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng pamahalaan at ng pribadong sektor upang mapahusay ang pambansang paglago sa isang paraang epektibong pinoprotektahan ang kapaligiran at ang mga karapatan ng mga apektadong komunidad. Tinatawag din itong Republic Act 7942.

6. Philippine Clean Air Act of 1999

Ito ay isang komprehensibong patakaran sa pamamahala ng kalidad ng hangin at mga programa na naglalayong magkamit at mapanatili ang de-kalidad na hangin para sa lahat ng mga Pilipino. Nakatala rin ito sa listahan ng mga batas bilang Republic Act No. 8749.

7. Ecological Solid Waste Management Act of 2000

Ang batas na ito, na tinatawag ding Republic Act No. 9003, ay ukol sa ecological solid waste management program, naglalaan ng pondo para rito, lumilikha ng mga kailangang pang-institusyunal na mekanismo at insentibo, at tumutukoy ng mga kabawalan at kaukulang parusa ukol rito.

8. Wildlife Resources Conservation and Protection Act (2001)

Kilala ang batas na ito bilang Republic Act No. 9147. Ito ay para sa konserbasyon at proteksyon ng mga wildlife resources at ng kanilang mga habitat, naglalaan ng pondo para rito, at ukol sa iba pang mga layunin na may kinalaman sa wildlife resources ng bansa.

9. Philippine Clean Water Act of 2004

Nilalayon nitong proteksiyonan ang mga anyong tubig sa bansa mula sa polusyon na galing sa land-based sources (gaya ng mga industriya at establisimentong komersyal, agrikultura, at aktibidad ng komunidad /sambahayan). Tinatawag din itong Republic Act No. 9275.

10. Expanded National Integrated Protected Areas System Act of 2018

Ito ang Republic Act No. 11038, batas na naglalayong patatagin ang mga mekanismo ukol sa pakikibagay sa klima (climate adaptation mechanisms) at konserbasyon o pag-iingat ng biodiversity ng Pilipinas.

Copyright by © Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

For STUDENTS’ ASSIGNMENT:
Write your COMMENT here:
Ang Kahalagahan ng Pag-Aaral Ng Kontemporaryong Isyu

Kaugnay: Ang Mga Proyekto o Gawain ng Pamahalaan sa Kabutihan ng Lahat o Nakararami

KAUGNAY NA PAKSA (mahahanap gamit ang search engine ng https://myinfobasket.com/):
Case Study Tungkol Sa Sanhi At Epekto Ng Mga Suliraning Pangkapaligiran Na Nararanasan S Sa Sarilingpamayanan

SA MGA GURO:
Maaari itong gawing online reading assignment o e-learning activity ng klase, gamit ang ganitong panuto:
“Hanapin sa search engine ng MyInfoBasket.com ang artikulong [buong pamagat ng artikulo]. Basahin at unawain. I-share ito sa iyong social media account* kalakip ng iyong maikling paglalagom sa artikulo. I-screen shot ang iyong post. Isumite sa guro.”

*Maisi-share ito sa pamamagitan ng Social Media gaya ng Telegram, Twitter, Instagram, e-mail, at iba pa

NOTE TO STUDENTS:
If the comment section fails to function, just SHARE this article to your social media account (Twitter, Instagram, Pinterest, etc) and start the conversation there.

To post comment, briefly watch this related short video:

To STUDENTS:
Write your ASSIGNMENT here: Comments of RATIONAL STUDENTS or here: Mga Komento ng MASISIPAG MAG-ARAL