Ang Mga Epekto ng Paglabag sa Karapatang Pantao

© Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Nasusuri ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao

Mahalagang masuri ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao. Ang mga masasamang epekto ng iba’t ibang anyo at kaso ng human rights violation sa iba’t ibang panig ng daigdig ang isa sa mga nag-udyok sa United Nations na maglabas ng Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human Rights).

Mga Bunga ng Paglabag sa Karapatang Pantao

Ang mga sumusunod ay ilang halimbawa ng mga masasamang epekto ng paglabag sa karapatang pantao, batay sa lektura ng Propesor na si Jensen DG. Mañebog:

1. Kumikitil ng buhay at nagdudulot ng pisikal na pinsala

Nasusugatan, napipinsala ang katawan, o nagiging baldado ang mga biktima ng torture at bayolenteng pagtrato. Ang ibang biktima ng sekswal na pang-aabuso ay nagdadalang-tao nang labag sa kanilang kalooban. Ang mga inosenteng naiipit sa armadong labanan o terorismo ay namamatay.

2. May mga sikolohikal na epekto

Ang mga paglabag sa karapatang pantao ay may mga sikolohikal na epekto sa mga biktima at maging sa iba pa.

Ang mga sikolohikal na epekto ng child trafficking sa mga biktima ay ang pagkakaroon ng trauma, mga bangungot tungkol sa nangyari sa kanilang nakaraan, kawalan ng pagtitiwala, panic attacks at iba pa.

Hindi lang post-traumatic stress disorder ang bunga ng pagpapahirap at paglabag sa karapatang pantao, kundi maging ang depresyon, pagkabalisa, at psychotic conditions. Ang pagkalantad sa trauma ay maaaring humantong sa mga karamdaman sa pagtulog, sexual dysfunction, hindi gumagaling na pagkamayamutin, at pagkasira sa mga interpersonal na relasyon ng tao.

3. Nagkakaroon ng dagdag na gugol ang tao at gobyerno

Kapag talamak ang paglabag sa karapatang pantao, nadaragdagan ang paggugol ng gobyerno para sa seguridad at pag-iingat sa mga mamamayan. Ang mga biktima ay nangangailangan ng medikal na atensiyon at kalinga.

4. Nawawalan ng kapanatagan sa lipunan

Pinagmumulan ito ang kawalan ng kapanatagan sa mga indibidwal.

Ang mga tao ay nahihirapang magtiwala sa iba. Naiimpluwensiyahan ang mga tao na magkaroon ng deviant behavior, predatory behavior, at aggressive behavior, lalo na ang mga kabataan. Nagiging laganap ang takot sa pangambang maging biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao.

5. Nasisira ang kapayapaan sa komunidad

Nagkakaroon ng mga labanan at karahasan sa pagitan ng mga indibidwal at grupo. Ang pamilya ng inabuso ay nagiging kaaway ng pamilya ng nang-abuso.

6. Nakakapekto sa kabuhayan ng pamilya

Ang mga apektado ay hindi nagiging produktibo. Ang nagtatagal na pisikal at sikolohikal na epekto ay nakakaapekto sa kabuhayan ng biktima. Ang mga biktima ay hindi na makapagtrabaho nang maayos.

Apektado ang pamilya ng biktima lalo na, halimbawa, kapag namatay ang pangunahing kumikita sa pamilya, o kung ang paglabag ay nagdulot ng mga kapansanang pisikal, na nakakaapekto sa paghahanapbuhay.

7. Nagdudulot ng kahirapan sa bansa

Halimbawa, ang apartheid system ay pinanatili sa pamamagitan ng mapanupil na pamamaraan at ng pagkakait sa mga South Africans ng pinakapangunahing mga karapatang pantao, kabilang ang mga karapatang sibil, pampulitika, panlipunan, at pang-ekonomiya.

Ang ibinunga nito ay isang lipunan kung saan napakaraming tao ang nagdurusa sa malaganap na kahirapan at kakulangan ng mga oportunidad.

8. May negatibong epekto sa lipunan

Ang mga paglabag sa karapatang pantao ay nakakaapekto sa maraming tao bukod sa mga direktang biktima. Ang mga paglabag ay nagbubunga ng mga problemang interpersonal para sa mga biktima.

Ang mga miyembro ng pamilya ng biktima, pamayanan, at lipunan ay naapektuhang lahat.

Ang kasaysayan ng panunupil at pagsasamantala sa South Africa ay labis na nakaapekto sa kalusugang mental sa karamihan ng mga mamamayan nito.

Ang mga South African ay nagkaroon ng sikolohikal na stress at cumulative trauma bilang resulta ng marahas na pagsupil sa kanilang mga karapatan at intra-community conflicts … ituloy ang pagbasa

*Kung may paksa sa Mga Kontemporaryong Isyu na nais mong hanapin (e.g. prostitusyon, migrasyon, civic engagement, etc), i-search dito:

Copyright © Marissa G. Eugenio/ MyInfoBasket.com

Kaugnay: Paglabag Sa Karapatang Pantao Sa Pamayanan, Bansa, At Daigdig: Pokus sa Pilipinas

TALAKAYAN

1. Sa tingin mo, ano ang pinakamasamang epekto ng paglabag sa karapatang pantao? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Ano ang Universal Declaration of Human Rights?

3. Talakayin ang bawat artikulo ng Universal Declaration of Human Rights.

4. Ikomapara ang Universal Declaration of Human Rights at Bill of Rights.

5. Anu-ano ang mga epekto ng paglabag sa karapatang pantao? Magbigay ng halimbawa at talakayin.

Check Out: The Colorful Love Affairs of Dr. Jose Rizal by Jensen DG. Mañebog
TAKDANG-ARALIN

E-Learning Assignment: Paghahanda sa susunod na aralin

a. Sa search engine ngAlaminNatin.com, hanapin ang blog na “Mga Halimbawa ng Paglabag sa Karapatang Pantao sa Pilipinas.”

b. Basahin ang lektura.

c. Sa comment section sa ibaba ng artikulo, isulat ang iyong sagot sa tanong na: Sa tingin mo, alin sa mga tinalakay na halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao ang pinakamalala sa iyong bayan? Ipaliwanag ang iyong sagot. Gumamit ng #HumanRights #Respeto

e. Mag-imbita ng tatlong kaibigan (mga barangay o SK official) na magpo-post ng makabuluhang katwiran na umaayon o tumututol sa iyong post.

f. I-screen shot ang inyong naka-post na conversation thread, i-print, at ipasa sa iyong guro.

Also Check Out: From Socrates to Mill: An Analysis of Prominent Ethical Theories, also by author Jensen DG. Mañebog