Ang Looking Glass Self: Ang Pananaw ng Tao sa Kaniyang Sarili at Kung Paano Siya Nakikita ng Iba

Kasanayang Pampagkatuto:

Naikukumpara ang kanyang pananaw at kung paano siya nakikita ng iba

Ang bawat tao ay may sariling pananaw ukol sa kaniyang sarili. At bahagi ng pananaw sa sarili ang impluwensiyang dulot ng ibang mga tao o ang panlipunang pakikipag-ugnayan (social relations).

Halimbawa, kung nakikita ng isang tinedyer na siya ay relihiyoso at masunurin sa batas, ito marahil ay bunga ng impluwensiya sa kaniya ng kaniyang mga magulang at mga guro.

Ganunpaman, mahalaga rin na naikukumpara ng tao ang kanyang pananaw sa kung paano siya nakikita ng iba.

Ang Looking Glass Self ni Charles Horton Cooley

May tinatawag na “looking glass self” sa sosyolohiya. Ang termino at konseptong ito ay nilikha ng Amerikanong sosyolohista na si Charles Horton Cooley noong 1902.

Ito ay tumutukoy sa pagmuni-muni ng isang indibidwal ukol sa kung anong pagkatao mayroon siya batay sa paningin ng iba. Ito kung gayon ay pagsasa-alang-alang sa impresyon ng iba ukol sa sarili.

Halimbawa, sa sariling perspektibo ay maganda ang personalidad ng isang tao. Ganunpaman, dapat niyang limiin din kung ganun din ba ang tingin sa kaniya ng ibang tao, gaya ng kaniyang mga kapamilya, kaibigan, at kakilala.

Kung marami ang naaasar, naiirita, at nagagalit sa kaniya, marahil ay dapat na mayroon siyang baguhin sa kaniyang sarili.

Mahalaga ang paghahambing ng sariling pananaw ukol sa sarili at sa obserbasyon ng iba. Ito ay hahantong sa kamalayan sa mga katangian o kapintasang taglay.

Ang mga iniisip ng tao sa kaniyang sarili ay maaaring kumpirmahin o salungatin ng mga impresyon ng ibang mga tao.

May mga indibidwal na hindi madalas nasasabihan na sila ay mahalaga kung kaya’t nagkakaroon ng inklinasyon na magkaroon ng mababang pagtingin sa sarili. Kung makakarinig tayo sa iba ng ukol sa ating mga mabubuting katangian, maaari nating mas mapahalagahan ang ating sarili at dagdagan pa ang ating pagpapahalaga ukol sa mga katangiang ating taglay.

Sa mga pagkakataong tayo ay nasasabihan ng ating mga negatibong katangian, dapat na ituring ito bilang nakabubuting mga kritisismo at hamon upang magbago para sa ikabubuti. (Ituloy ang pagbasa: Ang Ating Pananaw At Kung Paano Tayo Nakikita Ng Iba)

© Marissa G. Eugenio/MyInfoBasket.com

Kaugnay:

Ang mga Ugnayan ng mga Pilipino (Pamilya, Paaralan, at Pamayanan)

Paggawa ng Sarbey Tungkol sa mga Ugnayan ng mga Pilipino: Isang Halimbawa

Ang Ating Pananaw At Kung Paano Tayo Nakikita Ng Iba

Ang Mga Istraktura ng Pamilya

Ang Uri ng Pagmamahal na Binibigay at Tinatanggap ng Isang Nagbibinata at Nagdadalaga

Ano ang Genogram? Paano ang Paggawa Nito?

Plano Upang ang Bawat Kasapi ng Pamilya ay Maging Matatag at Mahinahon sa Bawat Isa

Mga Aktibidad ukol sa Plano Upang ang Bawat Kasapi ng Pamilya ay Maging Matatag at Mahinahon sa Bawat Isa

Ang Pag-Unawa sa mga Kosepto ng Pagpili ng Kurso at Pagtakda ng Layunin sa Pagpaplano ng Kurso, Trabaho o Bokasyon

Mga Personal na Salik sa Pagpili ng Kurso, Trabaho o Bokasyon

Ang Sariling Personalidad at mga Personal na Salik na may Kinalaman sa Personal na Layunin sa Buhay

‘Ang Aking Bucket List’: Isang Aktibidad

Mga Personal na Salik sa Pagpili ng Kurso, Trabaho at Bokasyon: Isang Aktibidad

Mga Panlabas na Salik na Nakaiimpluwensiya sa Pagpili ng Kurso

Ang Mga Nakaayon at Di-Nakaayong Kursong Pagpipilian

Paggawa ng plano tungkol sa kursong nais at Ang Pagpaplano ukol sa Karera (Career Planning)

Mga Salik sa Personal na Pag-Unlad na Mahalaga sa Pagpili ng Kurso

Sariling Pananaw sa Halaga ng Personal na Pag-Unlad sa Pagpapasya ukol sa Kurso