Lipunang Birtwal: Mga Katangian at Pamamaraan
Ang lipunang birtwal (virtual community)
© Marissa G. Eugenio
Ang virtual community (lipunang birtwal) ay isang komunidad o lipunan ng mga taong may magkakatulad na interes, ideya, at nararamdaman, gamit ang Internet o iba pang network.
Ang posibleng umimbento ng terminong “lipunang birtwal” at isa sa mga unang nagtaguyod nito ay si Howard Rheingold, na bumuo ng isa sa mga unang malalaking komunidad sa Internet, na tinatawag na “the Well.”
Ipinaliwanag ni Rheingold sa kaniyang librong The Virtual Community ang mga birtwal na komunidad bilang sosyal na pagsasama-sama na umuusbong mula sa Internet kapag may sapat na tao na magtataguyod ng pampublikong diskusyon sa mahaba-habang panahon.
Lalo na kung lakip ang damdamin, ito ay bumubuo ng sapot ng mga personal na relasyon sa cyberspace.
Maituturing ang mga birtwal na komunidad bilang mga subgroup na nakapaloob sa cyberspace, o mga “pandaigdigang nayon” (global village) ayon sa banggit ni Marshall McLuhan.
Bago ang web, ang mga birtwal na komunidad o lipunang birtwal ay umiral sa pamamagitan ng bulletin board service (BBS) na eksistido pa rin ang gayon. Ginagamit ng ilang virtual na komunidad o facilitatators ng mga ito ang metaphor ng bahay kapihan (coffee house) o kahalintulad nito upang maisalarawan ang birtwal na komunidad.
Sa pangkalahatan, may dalawang uri ng komunikasyon sa pagitan ng mga miyembro ng birtwal na komunidad: posting ng mga mensahe at real-time chat. Ang usenet newsgroups ay halimbawa ng una.
Maraming websites, gaya ng Geocities, ay nagbibigay-daan sa pagpapalitan ng impormasyon sa isang paksa. Para sa real-time chat, ang Internet Relay Chat (IRC) ay isang sistema ng maraming website na kumukupkop sa mga birtwal na komunidad … ituloy ang pagbasa
© Marissa G. Eugenio
Mga Kaugnay na Lektura (Mahahanap sa search engine sa itaas):
Ang Lipunang Industriyal: Mga Katangian
Paghahambing sa iba’t ibang uri ng lipunan: Agraryo, Industriyal at Birtwal
Ang Lipunang Industriyal: Kasaysayan at Mga Katangian
Ang lekturang ito sa Pambungad sa Pilosopiya ng Tao ay tumutugon sa sumusunod na Layunin sa Pampagkatuto:
– 7.2 Nakapaghahambing ng iba’t ibang uri ng lipunan (hal. agraryo, industriyal at birtwal)
Kaugnay na artikulo: Philippine Education: On producing globally competitive workforce